My Dream Gay

By xtraordinaryjne

122K 3.9K 301

Andrei Joanna Suarez dreaming to have a prince charming,a dream boy sabi ng iba.Pero pano kung ang prince cha... More

Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
MDG: Character's Profile 1
MDG: Character's Profile 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter

Chapter 42

1.4K 53 7
By xtraordinaryjne





Lumipas ang tatlong araw. Nanatili si AJ sa kwarto nya, sa bahay nila. Hindi sya pinayagan ng kanyang ama na pumasok sa eskwelahan hagat hindi sya  tuluyang gumagaling sa kanyang sakit.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Tanong ni Andrei kay AJ. Nasa kwarto sya ni AJ. Nakaupo sya sa kama katabi ito.

"Okay na naman ako e."
"Umiral lang talaga ang pagkapraning ng tatay ko. Hayy."

Nakangusong saad ni AJ. Tumungo pa sya at nilaro-laro nya ang kanyang daliri.

Habang abala si AJ sa paglaro ng daliri nya ay biglang kinuha ni Andrei  ito. Kinulong ni Andrei ang kamay ni AJ sa kamay nya.

"Hayaan mo na."
"Masyado ka kasing mahal ng tatay mo kaya ganun sya."

Napaangat ng ulo si AJ dahil sa paghawak nito sa kamay nya.

Lumulundag sa tuwa ang puso ni AJ dahil sa nakikita nyang pagaalaga sa kanya ni Andrei.

Sa tatlong araw na nagkasakit sya, di umalis si Andrei sa tabi nya. Inalagaan sya nito ng buong puso.

"Drei?"

Malambing na wika ni AJ. Ipinatong pa nya ang kaliwang kamay nya sa kamay ni Andrei na nakahawak sa kanang kamay nya. Napatingin naman si Andrei sa kamay nilang magkadikit.

"Thank you." Sinserong dagdag pa nya. Napaangat naman ng tingin si Andrei. Nagtagpo ang kanilang mga mata.

"Maraming-maraming salamat talaga. Andrei." Malambing muling ulit ni AJ. Ngumiti pa sya ng may lambing.

"Joanna. Like what I said before."
"Aalagaan kita."
"Seryoso ako dun."

Saad naman ni Andrei na ngumiti pa ng marahan. Para namang tumalon ang puso ni AJ dahil sa mga narinig nya. Naguumapaw sya sa kasiyahan.

"Pwede bang pati puso ko ay alagaan mo?"

Wala sa isip na sambit ni AJ habang nakatingin pa din sa mga mata ni Andrei. Para namang na"ground" si Andrei dahil napatuwid sya ng upo sa kama. Di nya inaasahan na sasabihin yun ni AJ.

Inalis ni Andrei ang kamay nya kay AJ. Tumayo sya sa kama at inilagay nya ang kamay nya sa bulsa ng pants nya habang nakatalikod sya dito.

Di maipaliwanag ni Andrei ang nararamdaman nya. Gusto ng puso nyang sabihin na oo, aalagaan nya ang puso nito pero hinahadlangan sya ng utak nya dahil taliwas ang gusto nito.

"I'm s--sorry." Mahina at malalim na saad ni AJ. Napaltan ng kalungkutan ang sayang nararamdaman nya kanina. Ang pag-asang magugustuhan din sya ng bestfriend nya ay parang isang bulalakaw na nawalang parang bula. Masakit, sobrang sakit.

"I will."
"Joanna. I really will."

Unti-unting hinarap ni Andrei si AJ. Dahan-dahan namang napaangat ng ulo si AJ. Wala pang ilang minuto ay nagtagpo ang kanilang mga mata na punong-puno ng emosyon.

Dahan-dahang lumapit si Andrei kay AJ ng di kinakalas ang mata nya sa mata nito. Napatid ang paghinga ni AJ ng biglang lumuhod ito sa harapan nya. Automatic na nangilid ang mga luha nya. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman nya.

"Joanna. Hayaan mong alagaan ko pati ang puso mo."

Punong-puno ng emosyon na wika ni Andrei. Dinala nya pa ang kamay nya sa kamay ni AJ. Kinulong nya ang kamay ni AJ sa mga kamay nya.

"P--pero. P--paanong?"

Utal na wika ni AJ. Masaya sya sa sinabi ni Andrei pero di nya mapigilang di maguluhan. Naguguluhan sya sa mga sinasabi ni Andrei. Di sya makapaniwala dito. Pakiramdam nya ay panaginip lang ang lahat.

Naiyuko ni Andrei ang ulo nya dahil sa tinuran ni AJ at maging ang naging reaksyon ng mukha nito.

"I know."
"Alam kong naguguluhan ka. Maging ako din naman, gulong-gulo na."

Matapos ang sinabing yun ni Andrei. Inangat nya muli ang mata nya. Tiningnan nya muli ang mata nito.

"Pero anong magagawa ko. Yun ang nararamdaman nito." Dinala ni Andrei ang kanang kamay nya sa dibdib nya sa tapat ng puso.

"I like you. Joanna. Yun mismo ang sinasabi nya." Dagdag pa ni Andrei habang nakalagay pa din ang kanang kamay nya sa tapat ng puso nya. Unti-unting lumilitaw sa mga mata nya ang luha. Luhang naguumapaw ang emosyon.

Tumayo si Andrei mula sa pagkakaluhod. Nagangat naman ng ulo si AJ. Inilapit ni Andrei ang mukha nya sa mukha ni AJ. Dinala nya ang dalawang kamay nya sa pisngi nito at kinulong nya ito sa mga palad nya at mariin nyang tinitigan ang mga mata ni Andrei.

"I like you. Andrei Joanna Suarez."
"I really do."

Malambing na wika ni Andrei. May luhang pumatak sa kanang mata nya dahil sa tindi ng nararamdaman ng puso nya. Ang bilis ng tibok nito.

Papalit-palit naman ang tingin ni AJ sa mata ni Andrei. Sobrang kagalakan ang nararamdaman nya dahil sa mga narinig nya pero andun pa din ang kalituhan.

"Pap----paanong........"

Mababanaad sa mukha ni AJ ang kaguluhan. Mas inilapit ni Andrei ang mukha nya dito. Namilog ang mata ni AJ at naiatras nya ng konti ang ulo nya dahil sa gulat.

Di pa din inaalis ni Andrei ang mata nya kay AJ. Marahan nya pang hinahaplos ng dalawang hinlalaki ni Andrei ang pisngi ni AJ. Nakararamdam naman si AJ ng mumunting kuryente na nagmumula sa hinlalaki ni Andrei na marahang humahaplos sa pisngi nya. Pakiramdam nya din ay matutunaw sya sa kinauupuan nya dahil sa nakakalusaw na tingin ni Andrei sa kanya.

"Di ka man makapaniwala sa sinasabi ko. Yun naman ang pinaniniwalaan ng puso ko." Hirap na saad ni Andrei dahil sa matinding tibok ng puso nya. Nahihirapan syang huminga dahil doon.

Magkalapit ang mga mukha nila at konti na lang ay mahahalikan nila ang labi ng isa't-isa.

"Joanna. Hayaan mo lang ang puso ko na gustuhin ka dahil ako mismo ay di ko mapigilan ang puso ko na gustuhin ka."

Kinuha ni Andrei ang kanang kamay ni AJ at dinala nya ito sa dibdib nya sa tapat ng puso.

"Ramdam mo ba? Ganyan ka nya kagusto."

Napasinghap si AJ ng maramdaman nya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Andrei. Dahil sa bilis nito ay parang huminto naman ang pagtibok ng puso nya.

Inangat ni AJ ang ulo nya. Pinagmasdan nya ang kabuuan ng mukha ni Andrei. Nang madaan ang mata nya sa mata ni Andrei ay huminto sya doon. Tinitigan nya ang mga mata nito. Habang tinititigan nya yun ay may naglandas ng luha sa kaliwang mata nya.

"M--mahal na m---ahal kita....." Mas dumami ang luhang lumalabas sa mata ni AJ. Pakiramdam nya pa ay sasabog ang puso nya. Di nya makaya ang nararamdaman nya.

Inalis ni AJ ang kanang kamay nya sa dibdib ni Andrei. Kasabay ng kaliwang kamay nya ay dahan-dahan nyang inangat ang kanang kamay nya papunta sa mukha ni Andrei.

"I love you. Andrei Marquez"
"I really do."

Saad ni AJ. Habang nakatitig pa din sa mata ni Andrei unti-unti nyang inilapit ang mukha nya dito. Pinikit pa nya ang mata nya. Naglapat ang mga ilong nila. Isinandal pa ni AJ ang noo nya sa noo ni Andrei.

"Hinahayaan kitang alagaan ang puso ko. Alagaan mo sya at ingatan." Saad pa ni AJ.

Tuluyang niyakap ni Andrei si AJ. Parang musika sa tenga ni Andrei ang lahat ng kanyang narinig. Naguumapaw sya sa kaligayahan. "Thank you joanna. I really like you."

Darating ang panahon na mamahalin mo rin ako at di lang gusto. Iintayin ko ang panahon na yun..... Andrei.

Untag ni AJ matapos nyang marinig ang sinabi ni Andrei.

Matapos ang tagpong yun ay niyaya ni AJ si Andrei sa baba. Magkahawak kamay silang lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

"Manang dalhan nyo po kami ng makakain sa may swimming pool. Salamat po."

Utos ni AJ sa katulong na nakasalubong nila ng makababa sila ng hagdan.

"Sige po mam joanna." Sagot naman ng katulong.

Nagtungo si AJ at Andrei sa labas, sa may swimming pool.

"What are you doing?"

Takang tanong Andrei ng biglang kumalas si AJ sa hawak nya at magpunta sa may gilid ng swimming pool at naupo doon. Inilubog nya ang paa nya sa tubig.

Nakangiting tiningnan ni AJ si Andrei. Kinawag-kawag pa nya ang paa nyang nasa tubig.

"Halika dito. Tabi ka sa akin."
"Ang sarap ng tubig."

Masayang saad pa nya. Napaikot ng mata si Andrei dahil sa narinig nya.

"Tumayo ka dyan."
"Baka magkasakit ka ulit."

Wika ni Andrei. Hinawakan nya ang braso ni AJ at pilit nya itong itinatayo.

"Wag ka ngang KJ. Andrei."
"Magaling na ako at tyaka paa lang naman ang nakalubog. Di naman buong katawan ko."

Kinuha ni AJ ang braso nya sa hawak ni Andrei. Inilubog nya ang kamay nya sa tubig. Nilaro-laro nya ang tubig.

"Kahit kelan talaga ang tigas ng ulo mo."
"Halika."

Lumapit si Andrei sa pwesto ni AJ. Lumuhod sya at agad na binuhat ito. Bridal style.

"Ah!! Drei!! Ibaba mo nga ako."
"Kasi naman e!!"

Kinawag-kawag ni AJ ang paa nya dahil sa pagkairita. Di naman mapigilan ni Andrei na mapangiti dahil sa nakabusangot na mukha ni AJ.

Naglakad si Andrei papasok sa loob ng  bahay.

"Sa loob nyo na lang po dalhin yan."

Wika ni Andrei sa nakasalubong na katulong na may dala ng merienda nila. Nakatulalang napatango ang katulong kay Andrei.

"Ano ba Andrei Marquez?"
"Ibaba mo sabi ako e."

Naiinis na wika ni AJ. Magkasalubong na ang kilay nya. Mas lumawak ang ngiti ni Andrei. Kitang-kita na ang ngipin nya dahil sa pagngiti.

"Hmp!! Nakakainis ka!!"

Malakas na hinampas ni AJ ang dibdib ni Andrei. Para namang walang naramdamang sakit si Andrei dahil nakangiti pa din ito ng lingunin nya ito.

"Mahal mo naman?"

Pagbibiro ni Andrei.  Napaiwas ng tingin si AJ. Pakiramdam nya ay sobrang pula ng mukha nya.

"Tse!! Ewan ko sayo." Iritang saad ni AJ.

"Hahahahaha."

Halakhak ni Andrei habang iniuupo nya si AJ sa sofa sa may living room.

"Gusto talaga kita."
"Hahahahaha."
"Nakakatawa ka."

Hawak-hawak na ni Andrei ang tyan nya dahil sa matinding pagtawa.

"Pag di ka tumigil dyan.... Iiwanan talaga kita."

Seryosong saad ni AJ habang matalim ang tingin kay Andrei. Napahinto naman sa pagtawa si Andrei at nilingon nya ito.

"Okay."
"I'll stop."

Tinikom nya ng madiin ang bibig nya. Pilit nyang pinipigilan ang tawa na nagbabanta na namang lumabas sa bibig nya.

Kumain na sila ng merienda ng makalma na nila ang mga sarili nila. Dumating pa si Jacob sa kalagitnaan ng pagmimerienda nila. Niyaya din nila itong kumain. Nagkwentuhan sila at masayang nagbiruan.

"Good night Drei."
"Than---"

"It's baebae ko."
"Ilang beses ko bang dapat itama ang tawag mo sa akin?"

Napaiwas ng tingin si AJ dahil sa hiya. Nasa labas sila ng gate. Hinatid ni AJ si Andrei sa sasakyan nito. Madilim na din. Dahil sa masarap nilang pagkikwentuhan kaya inabot si Andrei ng dilim. Doon na din sya naghapunan.

"Good night. Baebae ko." Hinawakan ni Andrei ang pisngi ni AJ. Inilapit nya pa  ang mukha nya dito.

Naipikit ni AJ ang mata nya sa pagaakalang hahalikan sya nito pero agad nyang iminulat ang mata nya ng maramdaman nya ang labi nito sa pisngi nya.

"Next time. Joanna."
"Mismong sa labi mo na dadampi ang labi ko." Ngumiti ng malawak si Andrei. Umayos sya ng tayo at nagpamulsa.

"Magpahinga ka na para may lakas ka  bukas sa party."

Itinaas ni Andrei ang kamay nya para magpaalam. Sinuklian naman yun ni AJ ng isang matamis na ngiti.

Binuksan na ni Andrei ang pinto na sasakyan nya.

"Susunduin kita bukas."
"Good night."

Wika pa ni Andrei bago pumasok sa loob ng sasakyan nya.

Nakangiting sinundan ni AJ ng kanyang mga mata ang sasakyan ni Andrei na unti-unting lumalayo.

Di mo alam kung gano mo ako pinasaya Andrei. Baebae ko. Ang saya ko. Sobra pa sa sobra.

**********







Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
1.6M 157K 107
"Paglaki ko pakakasalan kita." Iyon ang pangakong narinig ni Remison sa kanyang kababata. This is the story of an innocent girl growing up, a simple...
1.9M 58.7K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."