FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71.2K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 19

1K 58 10
By bayo_toopsie

Kinaumagahan pagpihit ko ng katawan ko sa kama ay naramdaman kong may nabunggo akong katawan, paglingon ko ay nakita ko si Kaye na nakahiga sa tabi ko at nakatalikod sa akin.

Ano? Nakahiga sa tabi ko?

Napabalikwas ako ng bangon.

Aaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!!

Sigaw ko nang magsink-in ang lahat sa ulirat ko na katabi ko matulog si Kaye. Jusko!ano ba ang nangyari kagabi, eh nagkape lang naman kami.

Ay!! Ay!!!! Ano yon?!!! napabalikwas din ng bangon si Kaye nang marinig ang sigaw ko.

Nagulat din ito at nanlaki ang mga mata nang makita ako.

Anong ginagawa mo dito!!! Magkapanabayan naming sabi.

Ha?!!!!!sabay ulit kami.

Ano ba???!!!! sabay na naman.

Natigilan kami. Lagi kaming nagkakasabay. Napakamot ako sa ulo at ganoon din siya.

Nangaasar ata to si Kaye, eh? Sinasadya niya ata, to eh!

Ikaw anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?? Sa wakas ay nauna na siyang magsalita.

Iginala ko ang paningin sa paligid. Saka ko lang napagtanto na hindi nga ito ang kwarto ko. Napasinghap ako at napahawak sa bibig ko. Oh no!!!!

Bakit ako nandito? Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Aba, ewan ko sayo! Nagulat nga din ako sayo,, hindi pa ring makapaniwala na sabi ni Kaye.

Naupo ako sa kama niya, at malalim ang pagiisip ko kung paano nga ba ako napunta dito. Ipinilig ko ang ulo ko, pero wala talaga akong maisip. Wala akong maalala. Nakaupo naman sa silya si Kaye,nakaharap siya sa akin at nakangiti.

Nakatulog ka na kagabi, nagkwekwento ako sayo tinulugan mo ako, nasa tapat tayo ng gate ng bahay mo, nakaupo lang tayo don! Nakatungo ka, tapos nong hindi ka sumasagot nakatulog ka na pala... Mahabang saad ni Kaye. Napatango nalang ako sa kanya.

O bakit dito mo ko dinala.?

Eh, malalim na ang gabi ayaw ko naman katokin si Sheena..

May susi naman ako sa bag,ah!

Ayoko mangialam ng bag mo, no! Kaya dito nalang kita pinatulog.

O, eh bakit nagulat ka pa?

Hello kahit sino magugulat lalo na kapag sanay ka na gumigising magisa, natural lang yon!

Waring nakumbinsi naman ako sa sinabi niya. Nagkatitigan kami. Ako din ang unang nagbaba ng tingin. Hindi ko talaga kayang salubungin ang mga tingin niya.

Napapaisip din ako kung bakit wala akong maalala na nagkwentuhan pa pala kami ni Kaye sa labas ng gate kagabi. Ang naaalala ko lang ay yong nasa mini stop kami at nagkakape. Ipinilig ko ang ulo ko parang gusto ko itaktak ang utak ko para naman may maalala ako. Pero kahit pigain ko pa ata ay wala.

May problema ba? Ok ka lang? tanong ni Kaye.

Natigilan ako sa pagtaktak ng ulo ko nakalimutan kong kaharap ko pala si Kaye.Ngumiti nalang ako.

Ha, ah wala,.. Pakape ka naman!sabi ko.

Tara!! Aya niya at nagpatiuna na na sa pagbaba ng hagdan.

Nakasunod lang ako sa kanya, pinipilit ko pa ring alalahanin yong nangyari. Kahit man lang yong pinagkwentuhan namin wala akong matandaan.

Tulala pa rin ako hanggang sa makarating kami sa kusina ni Kaye. Ipinagtimpla na rin niya ako ng kape.

Napatitig ako sa kanya. Habang hinahalo niya ang kape. Muli ay parang nahihipnotismo na naman ako sa magandang mukha niya. Ang perpekto niya talaga.Napapitlag ako nang bigla itong humarap sa akin at nakangiti. Pakiramdam ko namula ako. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

Pagkabigay ng kape ko ay umupo na siya sa tapat ko.

Salamat...nakatungo ako ayoko na siyang tingnan, napapahamak ako eh!

Sunday ngayon di ba?

O-oo...

Kung ganon wala kang lakad pwede bang dito ka muna?

Napaangat tuloy ako ng tingin sa kanya. Sinabi ba niyang magstay muna ako? Tama ba yong dinig ko.?

Bakit??? Tanong ko.

Wala lang, gusto ko lang nang may kasama.. gusto kitang makasama...

Bumilis ang tibok ng puso ko sa huling sinabi niya. Kulang nalang ay parang gustong lumabas ng puso ko tapos magtatakbo papunta sa mga kamay ni Kaye, dahil sa totoo lang na-capture niya ang heart ko.

Maliligo pa ako..kelangan ko pa ring umuwi.. pagkuway sabi ko na lamang. Sana lang hindi niya ako nahalata.

Dito ka nga lang, may damit ka na dyan,, dyan ka din maligo....

Napataas ang kilay ko.

Ano bang trip na naman to,? May plano ka naman hindi mo ko nainform? sabi ko.

Napamulagat siyang napatingin sa akin.

Kumalma ka nga! Gusto ko lang talaga ng may kasama dito sa bahay... Iniisip mo na naman bang aasarin kita...

Malay ko ba! Gawain mo kasi yan di ba? Nagiingat lang ako. sabi ko sabay irap sa kanya.

Tumawa lang si Kaye, at malagkit ang titig sa akin. Umiwas ako ng tingin at kunwari ay hinagilap ko ang bag ko. Itetext ko nalang si Sheena na hindi ako makakauwi. Inabot naman ni Kaye nang maayos ang bag ko. At tinapunan ko lang siya ng tingin.

Pagkatext ko kay Sheena ay naligo na rin ako sa banyo ni Kaye. Hindi ko din maintindihan kung bakit ba ako nagpauto kay Kaye na magstay muna dito sa bahay niya. Habang nasa shower ay napapangiti ako, naalala ko kasi ang sinabi niyang gusto niya akong makasama. The fact na gusto niya ako makasama ay nakakakilig na.... Haaay..

Paglabas ko ng banyo ay nasa tapat ng pintuan na si Kaye. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa...

Tagal mo maligo! Dalawang oras? Angil niya.

Inirapan ko siya.

Sabi ko naman sayo, uwi na ako, eh dahil matagal nga ako maligo!! Maktol ko.

Pumasok na rin si Kaye sa loob ng banyo. Habang ako naman ay sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Naconcious kasi ako sa titig ni Kaye kanina.

T-shirt at shorts ang ibinigay na damit sa akin ni Kaye. Ok naman siya. Komportable ako.

Sumapit ang tanghalian ay nagpadeliver nalang si Kaye nang makakain namin. Pagkakain ay nagmovie marathon kami.

Hindi ko akalain na madrama pala ang trip ni Kaye sa mga pelikula. Ang walang kamatayang One More Chance ni John Lloyd Cruz at ni Bea Alonzo ang pinapanood namin.

Ewan ko ba isandaang beses ko ng napanood ang pelikulang ito pero naiiyak pa rin ako. Nang lingunin ko si Kaye ay umiiyak din siya. Kinuha ko ang tissue at inabot ko sa kanya.

Punasan mo ang luha mo....umiiyak kong sabi.

Tinanggap naman niya ang tissue at pinunasan ang sariling luha.

Pareho na kaming nakatutok sa pinapanood. Hilam na ang mukha ko sa luha. Nang lingunin ko si Kaye, ay nakatitig siya sa akin. Namula tuloy ako. Pero kunwari hindi ko nalang pinansin na tinititigan niya ako.

Nakakaiyak no? sabi ko.

Ngumiti lang si Kaye.

May isa pang nakakaiyak dyan A Walk To Remember panoorin din natin pagkatapos niyan..

Oo sige.. Sabay singa ko sa tissue. Hindi na kasi ako makahinga dahil sa pagiyak. Napatingin ako sa kanya.Nakamake-face ito.

Kadiri... sabi niya pero tumawa din naman agad.

Sorry naman, hindi na kasi ako makahinga, eh.. Sagot ko.

Nakatutok nalang ulit kami sa panonood. Minsan napapasulyap ako sa kanya. Parang kinikilig pa ito habang nanonood.

Napangiti nalang ako hindi na rin masama na nag stay muna ako dito atleast nakasama ko ng buong araw si Kaye.

Puro mga nakakaiyak ang mga pelikulang pinanood namin. Kaya hindi nakakapagtakang maga na ang mga mata namin lalo na yong kay Kaye.

She's even perfect when she cries...

========================================================

bayo_toopsie

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 238 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
67.1K 1.8K 47
BINI ships Oneshots Compilation.
1.5K 76 28
She fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squa...