My Dream Gay

By xtraordinaryjne

122K 3.9K 301

Andrei Joanna Suarez dreaming to have a prince charming,a dream boy sabi ng iba.Pero pano kung ang prince cha... More

Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
MDG: Character's Profile 1
MDG: Character's Profile 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter

Chapter 41

1.3K 56 8
By xtraordinaryjne


---

"Wag kang lalapit."

Takot na takot na wika ni AJ habang nakaharang ang dalawang kamay nya sa harapan. Umaatras din sya.

"Please!! Don't come near me!! Aaahhhhh!!"

Takot na sigaw ni AJ. Tumatakbo sya sa kadiliman.

"Help!! Andrei!! Help me!! Please!!"

---

"Joanna. Joanna. Joanna."

Paulit-ulit na tawag ni Andrei habang niyuyugyog ang pawisan na si AJ na nakahiga sa kama.

"AH!! Help!!"

Buong lakas na sigaw ni AJ habang nagpupumiglas. Umiikot sya sa kama nya habang nakapikit pa din ang mata. Nananaginip sya ng masama. Nakaramdam ng lungkot at takot si Andrei dahil sa nakikita nyang nangyayari kay AJ. Napatiim bagang sya.

Shit!! This is all my fault!!

Sisi ni Andrei sa sarili sa utak nya. Pikit matang niyakap nya ang nagwawalang si AJ.

"Hey. Calm down."
"Joanna. Wake up."

Malambing na saad ni Andrei habang hinahaplos ang likod na buhok nito. Pilit nyang pinakakalma si AJ.

Matapos ang pagsunod ni Andrei kay AJ ay nagyaya na din itong umuwi. Walang magawa si AJ kundi ang sumabay kay Andrei. Wala syang sundo at si Andrei lang ang paraan para makauwi sya.

Tahimik na hinatid ni Andrei si AJ sa bahay nito. Binalot ng katahimikan ang buong sasakyan ni Andrei. Maging hanggang  sa  makarating  sila sa bahay nito. Mabilis na bumaba si AJ sa sasakyan at agad na pumasok sa loob ng gate nila.

At ngayon ay maagang pumunta si Andrei sa bahay ni AJ para sunduin ito at para na din kausapin. Hinayaan na sya ni tita luisa ng pumunta sa kwarto ni AJ.

"Drei?"

Paos na usal ni AJ. Napahinto si Andrei sa paghaplos sa buhok nito at agad na hinarap nya ang mukha nito.

"Are you okay?"
"Nananaginip ka."

Nagaalalang wika ni Andrei. Sinapo pa nya ang pisngi ni AJ. Ramdam na ramdam nya ang panginginig ng buong katawan nito. Maging ang mainit na temperatura nito.

Namumutla si AJ at nangingilid ang luha nya.  Nababakas sa mukha nya ang matinding takot.

"Drei"

Sigaw ni AJ ng yakapin nya si Andrei. Isinubsob nya ang ulo nya sa dibdib nito.

"Natatakot ako."
"Hinahabol ako ng pugot na ulo, yung sa horror tent kahapon."
"Takot na takot ako drei. Kakainin nya ako."

Humihikbing wika ni AJ. Humigpit pa lalo ang yakap nya kay Andrei. At maging si Andrei ay ganun din ang ginawa.

"Ssshhhh."
"Andito lang ako."
"I'm just here baebae ko."
"Nothing to be scared of."

Kalmadong saad ni Andrei habang hinahaplos ang likuran nito.

Matapos ang ilang minuto ay nagkalas na sila sa yakap. Sinapo muli ni Andrei ang pisngi ni AJ. Tinitigan nya ito sa mata.

"I'm sorry."
"Kasalanan ko kung bakit nanaginip ka."
"Kung bakit takot na takot ka ngayon."
"I'm sorry my joanna. Baebae ko."

May lungkot na wika ni Andrei. Pinahid nya pa ang pawis na naglandas sa noo ni AJ.

Dinala ni AJ ang dalawang kamay nya sa pisngi ni Andrei.

"No. Drei. I'm sorry. Ako dapat ang magsorry sayo." Ipinikit ni AJ ang mga mata nya. "I'm really really sorry". Mahinang ulit nya. At sa puntong yun ay may naglandas na luha sa kanang mata nya.

Huminga ng malalim si AJ bago nya iangat muli ang ulo nya. "Sana mapatawad mo ako."  Wika nya habang patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata nya. May lungkot sa mga mata ni AJ.

"Wala kang kasalanan."
"Ako ang may kasalanan."
"Don't blame your self."

Pinahid ni Andrei ang luhang naglalandas sa pisngi ni AJ gamit ang kamay nyang nasa pisngi pa din nito.

Umiling-iling si AJ para sa pagtutol sa sinabi ni Andrei.

Habang patuloy ang luhang lumalabas sa mga mata ni AJ ay di nya pa din inaalis ang tingin nya sa mata ni Andrei. Nanlalabo na ang paningin nya dahil sa luhang patuloy na lumalabas sa mata nya.

"I love you and I'm sorry." Pabulong na sambit ni AJ. Dahan-dahan nyang ipinikit ang mata nya habang palapit ng palapit sya  sa mukha ni Andrei.

Ilang saglit lang ay naramdaman na ni Andrei ang labi ni AJ. Nakaramdam sya ng kuryente mula sa halik na yun.

Sa paghalik na yun ni AJ ay bumilis ang tibok ng puso ni Andrei. Damang-dama nya ang pag-ibig sa halik na yun. At dahil doon ay hinayaan nya ang oras na yun na maramdaman ang pag-ibig sa pagitan nila. Unti-unting ipinikit ni Andrei ang mata nya.

Gumalaw ang labi ni Andrei at tuluyang dinama ang labi ni AJ. Maging si AJ ay sumunod sa paggalaw ng labi ni Andrei.

Shit. I like you Joanna.

Wika ni Andrei ng mas idiniin nya ang labi nya dito. Pakiramdam ni Andrei ay sasabog ang puso nya dahil sa bilis ng tibok ng puso nya.

Naguguluhan man sya sa totoong nararamdaman nya para sa bestfriend nya pero di nya maipagkakaila sa sarili nya ang kakaibang pakiramdam sa tuwing magkalapit sila ng ganito.

"Ate!! Kuya!!!"

Nagkalas sila sa halik ng biglang kumatok si Jacob sa pinto. Malakas din ang boses nito.

Nagkatinginan sa isa't-isa si Andrei at AJ pero nagiwas din sila ng tingin ng maalala nila ang halik na pinagsaluhan nila. Nakaramdam sila ng matinding hiya.

"Ano?!"

Sigaw ni AJ habang tumatayo sa kanyang kama. Naglakad sya palapit sa pinto para buksan yun.

Pagkahawak ni AJ sa doorknob ay bigla syang napahawak sa ulo nya dahil nakaramdam sya ng hilo.

Agad namang tumalima si Andrei.  "Okay ka lang?" Tanong nya habang palapit dito

"Nahihil---"

"Joanna!!!"

Sigaw ni Andrei ng may pagaalala habang salo-salo si AJ. Nawalan ng malay ito.

"Ate?!"
"Anong nangyari!?"
"Kuya!!"

Nagpapanic na kumakatok si Jacob sa may pinto.

Binuhat naman ni Andrei si AJ at dinala sa kama para maihiga.

"Ate!!"

Muling sigaw ni Jacob. Nilingon ni Andrei ang pinto. Iniwan muna nya si AJ sa kama at mabilis na tinungo ang pinto.

"Ate!!"

Sigaw ni Jacob ng tuluyan ng mabuksan ni Andrei ang pinto. Tatakbong lumapit si Jacob sa kapatid na nasa kama.

"Kuya."
"Anong nangyari?"

Lingong tanong nito kay Andrei. Nagkibit balikat si Andrei dito. Naupo sya sa dulo ng kama at kinuha nya sa bulsa ang phone nya.

Naisip nyang tawagan ang personal doctor nya. Para ipatingin ang kalagayan ni AJ.

---

"She's fine now."
"Nothing to worry about."
"Dahil sa matinding takot kaya sya nilagnat."

Saad ng doctor sa pamilya ni AJ. Magkaharapan sila. Nasa loob sila ng kwarto ni AJ. Payapang natutulog si AJ sa kanyang kama.

"Thank you po doc."

Pasalamat ni Tita luisa sa doc. Nakangiting tumango naman ito sa kanya.

"Pakainin nyo po sya pag nagkamalay na." Saad ng doktor.

Napalingon si Andrei kay AJ na mahimbing na natutulog sa kama. Dahan-dahan syang naglakad palapit kay AJ.

Naupo si Andrei sa kama katabi ni AJ. Inabot pa nya ang kamay nito at saka hinawakan.

Lumabas na sa kwarto ang doktor, si jacob at ang magulang ni AJ. Naiwan sa kwarto si Andrei at AJ.

"Patawarin mo ako."
"Kasalanan ko kung bakit nagkasakit ka."

Malungkot na saad ni Andrei. Dinala nya ang kamay ni AJ sa labi nya at marahan na hinalikan ito.

"Andrei."
"Wag mo akong iiwan."

Mahinang wika ni AJ habang nananatiling tulog. Napangiti si Andrei ng malamlam dahil sa narinig nya.

"Di kita iiwan."
"Pangako ko yan sayo."
"Magpagaling ka."

Sagot ni Andrei sa natutulog na si AJ. Hinaplos pa nya ang pisngi nito. Maingat na inilapag ni Andrei ang kamay ni AJ sa kama at dahan-dahan syang tumayo.

"Baba lang ako."
"Babalik din ako agad."

Paalam ni Andrei. Lumapit sya kay AJ at binigyan nya ng halik ito sa noo.

Tinungo ni Andrei ang pinto ng kwarto at mabilis na lumabas. Diretso lang sya sa paglalakad at  maging sa pagbaba ng  hagdan.

"Pakiakyat po sa kwarto ni AJ ang almusal nya. Salamat po."

Wika ni Andrei sa katulong na nakasalubong nya ng makababa sya sa hagdan. Tumango lang ang katulong sa kanya. At umalis na din agad.

"Andrei."
"May nangyari ba sa school?"

Napahinto sa paglakad si Andrei. Napatingin sya sa sofa sa may living room. Nakita nyang nakaupo doon ang magulang ni AJ.

Naglakad si Andrei palapit sa mga ito. Nang ilang agwat na lang ang layo nya ay nakaramdam sya ng kaba at takot.

"May dapat kabang sabihin sa amin. Iho?"

Tanong naman ni Tito Johnny. Napalunok ng laway si Andrei. Pakiramdam nya ay bibitayin na sya.

Oh God!! Katapusan ko na ba?

Usal ni Andrei sa utak nya ng makalapit na sya ng tuluyan sa mga magulang ni AJ.

"Tita. Tito."
"Ang totoo...... Ang totoo po nyan ay....."
"Patawarin nyo po ako."

Nagkatingin ang magasawa sa isa't-isa dahil sa sinabing yun ni Andrei. Yumuko pa ito at naipikit ang mata.

"Bakit iho?"
"Anong nangyari?"

Nagaalalang tanong ni Tita luisa kay Andrei. Nagaalinlangan naman si Andrei na iangat ang ulo nya.

"Patawarin nyo po ako."
"Kasalanan ko po kung bakit nagkasakit si Joanna."

Muling nagkatinginan ang magasawa sa isa't-isa.

"Ang totoo po nyan ay, dinala ko po si Joanna sa horror booth kahapon."
"I'm sorry po."

Pagamin ni Andrei. Pinilit nyang idiretso ang tingin nya sa magulang ni AJ.

Gumaan ng konti ang pakiramdam nya ng makita nyang napangiti ang magulang ni AJ.

"Ganun ba?"
"Yun pala ang dahilan."

Wika ni Tita Luisa na medyo nangingiti-ngiti. Inabot nya ang kamay ng asawa nya at hinawakan nya ito.

"Sige Iho."
"Pinapatawad ka na namin pero dapat inaalagaan mo ang anak namin."
"Ayaw namin na maulit ito."

Mahinahon na saad ni Tito Johnny. Seryosong tumango naman si Andrei.

"I promise sir."

Pangako ni Andrei sa magulang ni AJ. Tumango habang nakangiti naman ang magasawa kay Andrei.

"Sige po."
"Balikan ko na po si AJ sa taas."

Paalam nya sa mga ito. Panatag syang umakyat sa taas. Pakiramdam ni Andrei ay nabunutan sya ng tinik sa dibdib.

"Ako na lang po ang magpapasok nyan. Thank you po."

Saad ni Andrei ng makita nya ang katulong na nakatayo sa pinto ni AJ bitbit-bitbit ang tray na may lamang pagkain.

Nakangiting kinuha ni Andrei ang tray sa katulong. Maingat nyang binuksan ang pinto.

Pagpasok nya ay ipinatong muna nya ang tray sa study table. Nakangiting nilapitan nya si AJ. Umupo muli sya sa kama at mariin na pinagmasdan si AJ, ang mukha nito.

Dinala ni Andrei ang kanang kamay nya sa buhok ni AJ. Malambing nyang hinaplos ang buhok nito.

Ilang oras nyang pinagmasdan ang mukha ni AJ. Minsan ay napapatingin sya sa labi nito at mapapalunok na lang.

Gusto kong halikan ang labi mo oras-oras.

Napahinto si Andrei sa paghaplos sa buhok nito. Ibinaba nya ang kanang kamay nya sa labi ni AJ.

Nang malapit na ang kamay ni Andrei sa labi ni AJ, agad nya itong binawi dahil nagmulat si AJ ng mata.

"Drei?"
"Anong nangyari?"

Naguguluhang tanong ni AJ. Sapo-sapo nito ang ulo nya habang bumabangon sa kama. Inalalayan sya agad ni Andrei. Maingat na isinandal ni Andrei ang likod ni AJ sa headboard ng kama.

"Don't talk too much."
"Kumain ka na lang ng breakfast."

Tumayo si Andrei at kinuha ang tray sa may study table. Maingat nyang inilapit yun kay AJ.

"Kumain ka ng madami para gumaling ka kaagad."

Kinuha ni Andrei ang kutsara sa gilid at kumuha sya ng konting ham at konting kanin. Inilapit nya yun sa bibig ni AJ.

Naguguluhan na ibinuka ni AJ ang bibig nya at kinain ang nasa kutsara.

"Magpalakas ka. "
"Date pa kita sa party sa friday."

Nakangiting saad ni Andrei. Sinubuan nya muli si AJ.

"I want you to be my partner."
"My date."

********

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
2.9M 107K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
1.7M 47.3K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****