FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

Bởi bayo_toopsie

71K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... Xem Thêm

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 17

942 50 1
Bởi bayo_toopsie

😊😊😊😊

Ibinaba ko na ang brush na hawak ko para rin kasing ilang beses ko na din sinuklay ang buhok ko na kapag hindi ko pa tinigilan ay tiyak na makakalbo na ako.

Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Napabuntong-hininga ako wala talaga sa loob ko ang pakikipagdate na to, dangan nga lang at napakakulit ni Sheena.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na sa sala. Naabutan ko si Sheena na may kausap sa phone. Nang makita na ako ay tinapos na niya ang tawag.

Papunta na daw, si Andrei! My God Ba-e ang ganda mo!

Salamat naman, siguraduhin mo lang na may patutunguhan to ha,,

Nakangiti kong sabi.

Don't worry, Ba-e magkakasundo kayo ni Andrei, guarranted ko yan!!

Ok. Sabi mo, eh.

Maya-maya lang ay mahihinang katok ang narinig namin sa pinto. Kinilig agad si Sheena. At dali-daling nagpunta sa pinto.

Siya na ata, ito. Sabi niya, pumuesto siya sa likod ng pinto.
At sumenyas na siya sa akin na buksan ko na ang pinto. Baliw talaga akala ko pa naman bubuksan niya. Napapailing nalang ako na sumunod sa senyas niya.

Nagulat ako nang mapagbuksan ng pinto si Kaye. Nagulat din ito nang makita niyang nakaayos ako.

Wow! May lakad ka?

Tanong niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tapos ngumiti. Nailang tuloy ako sa mga tingin niya.

Saan punta?

May date ako.

Ha? Makikipagdate ka?Mabuti naman at may na-attract na din dyan sa kasungitan mo.natatawang sabi ni Kaye.

Inirapan ko siya.

Alam mo kung wala kang matinong sasabihin pwede ba umalis-alis ka na nga, hwag mo naman sirain ang magandang gabi ko sana.. may date pa ako na aasikasuhin..

Angil ko sa kanya. Lumabas na din ng pinto si Sheena at parang tanga na namang nakatitig kay Kaye.

Minsan ka lang magka-date ang yabang mo na agad.. nakangising sabi ni Kaye.

At mukhang nasasagad na naman ang pasensya ko. Feeling ko nahuhulas na agad ang make-up ko hindi pa man ako nakakaalis.

Ano ba kasing ginagawa mo dito?!

Maniningil ako.

Maniningil saan??!!!

Aba yung ininom mong infinity tea kanina, akala mo ba libre yon, babayaran mo yon, hoy!

Ano?? Eh hindi naman ako nagpabili sayo di ba? Ikaw lang naman ang may gusto non!

O bakit mo ininom kung hindi mo pala yon gusto?

Grrrrr.. Bwisit talaga tong kumag na to. Padabog akong pumasok sa loob at kinuha ang bag ko. Sa loob non ay ang wallet ko. Babayaran ko na siya para matapos na.

Magkano ba? Tanong ko.

Napalingon ako sa kanya nang bigla nalang ito tumawa ng malakas. Nakakaasar!

Magbabayad ka talaga? Haha😂 ,niloloko lang naman kita..!

Ikaw!!!! gigil kong sabi. Parang gusto kong ipukpok sa kanya ang wallet na hawak ko. Pero pumagitna sa amin si Sheena. At pinigilan ako sa nais ko sanang gawin.

Guys! Guys! Ano ba kayo? Tigilan nyo na nga to! Para kayong mga baliw! Sigaw ni Sheena. Na nakadipa pa ang mga braso.Kaye,my loves 😍, pagpasensyahan mo na si Yassi ha, pressure kasi yan.

What??!! Ano?

Tiningnan ko ng masama si Sheena. Akalain mong mas kinampihan pa niya si Kaye. Napahalukipkip nalang ako. Habang si Sheena ay nakangiting nakatingin sa akin. Bakit ba napapalibutan ako ng mga taong napaka-imposible!

Magsasalita pa sana si Sheena nang may dumating na sasakyan sa tapat ng gate ng bahay ko. Pareho kaming napatingin sa gawi ng kotse.

Oh my God,andito na siya! excited na sabi ni Sheena at sinalubong ang dumating.

Nagkatinginan naman kami ni Kaye. Inirapan ko siya. Samantalang siya ay nakangiti lang sa akin.

Tigilan mo na nga yan!

Ang alin na naman?

Hindi na ako sumagot.Hindi ko masabing tigilan na niya ang madalas na pagngiti dahil nakakatunaw ito ng puso ko.

Yass, ito na ang sundo mo! Kinikilig na sabi ni Sheena. Habang papalapit sa amin kasama ang lalaki.

Matangkad at gwapo ang lalaki, maputi rin at mukhang mabango. Napatitig ako sa kanya. Mukhang ngayon lang ako matutuwa sa lahat ng senet-up sa akin ni Sheena.

Nabigla ako nang sikohin ako ni Kaye, nawalan ako ng balanse at muntik na akong matumba. Gigil na tiningnan ko siya.

Mukhang tao, ah! Naka-jackpot ka te! Sabi pa niya na ang tinutukoy ay yong lalaki.

Wala kang paki. taas noong sabi ko, at sinalubong na sila Sheena.

Inintroduce kami ni Sheena sa isat-isa. Nakipagkamay naman ako.

Yass, si Andrei... Andrei si Yassi. Ok sige na magdate na kayo! Enjoy kayo ha! Kulang nalang ipagtulakan niya ako kay Andrei. Napatingin ako kay Kaye. Seryoso na ang mukha nito at naglakad na papalapit sa amin.

Sheena,una na ako. sabi niya hanggang sa malampasan na niya kami. Hindi niya ako pinansin. Kay Sheena lang talaga siya nagpaalam. Hmpp.!

Sige my loves ingat ka.. sabi naman ni Sheena. O kayo, ingat kayo ha, Andrei bahala ka na sa kaibigan ko ha..

Shall we go? Nakangiting sabi ni Andrei. Tinanggap ko ang kamay niya para alalayan ako.

Thanks. Nakangiti ko ring sabi.

Bago ako sumakay sa kotse ni Andrei ay sinipat ko muna ang bahay ni Kaye. Sakto namang namatay ang mga ilaw sa bahay niya. Pinatay niya ata. Ano yon! Alas-siyete palang matutulog na siya agad, ang aga naman. Natawa nalang akong isiping nagaadik na naman si Kaye. Naiiling ako na sumakay na sa kotse.

******

Sa isang cozy restaurant ako dinala ni Andrei. Mukhang yayamanin itong si Andrei, dahil mukhang mayayaman at may class ang mga costumer na kumakain. Naiilang tuloy ako dahil hindi naman ako sanay kumain sa ganitong lugar.

You're okay? Tanong niya napansin niya atang hindi ako komportable.

Ah,..yeah. yes ok lang ako.pagkuway humalukipkip ako. Sobrang lamig kasi sa restaurant.

Cold?

Nope, dont worry ok lang ako.

Tumayo ito habang hinuhubad ang suot nitong blazer. Nagulat pa ako nang ipatong niya ang blazer sa katawan ko.

Thanks. nahihiya kong sabi.

Napaka-gentle man naman pala nito ni Andrei. Kung sana ganito din si Kaye. Mukhang malabo yon.

Anong gusto mong orderen? Inabot niya sa akin ang menu.

Napapakunot ang noo ko. Ang hirap basahin ng mga pagkain sa menu. Hindi ko maintindihan, wala ding picture kung anong hitsura. Ibinalik ko nalang ang menu kay Andrei.

Kaw na bahala. kunwari pang sabi ko. Pero ang totoo hindi ko lang talaga mabigkas ang pangalan ng pagkain.

Nagorder na si Andrei nang tawagin na niya ang waiter.

Pagkaalis ng waiter ay ako naman ang hinarap niya.

Sheena, told me so much about you, tama nga siya napakaganda mo.

Salamat. Pero hindi naman masyado..

Tama nga siya ang humble mo din.

Haha 😂, hindi naman.

Naging masaya naman ang kwentuhan namin ni Andrei halos lahat ng tungkol sa akin ay alam na niya, malamang nai-chika na ni Sheena sa kanya ang lahat.Sa pagtatanong ko sa kanya nalaman ko na isa pala siyang Architect, (drop-dead gorgeous architect, ika nga). Bonus din na galing ito sa mayamang pamilya.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kaye kanina na nakajackpot daw ako. Kilala niya kaya si Andrei? Mukhang hindi naman. Kasi kung magkakakilala sila dapat nagbatian sila kanina. Hmpp. Bakit ba pasok ng pasok ang kumag na yon sa isip ko.?!

Natapos ang dinner date namin ni Andrei at naenjoy ko naman ang company niya. Masaya kausap si Andrei at marami akong natutunan sa mga kwento niya.

Lets see kung magkakasundo talaga kami.

========================================================

bayo_toopsie



Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

43K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
1.1K 271 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
1.6K 109 57
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...