FALL FOR YOU ( KAYE CAL)

By bayo_toopsie

71K 4K 1K

Falling inlove is never easy. Lalo na kung mahuhulog ang loob mo sa isang taong kinaiinisan mo ng buong buhay... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Fall For You ( Book Two)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Pasasalamat

Chapter 12

1K 51 6
By bayo_toopsie

😊😊😊😊

Bakit nga kaya kasi ang gwapo niya pala talaga..?

First time kong kausapin ang sarili ko wala akong mapagsabihan ng kilig ko, eh. Kaya ito kinakausap ko nalang ang sarili ko habang nangingialam sa kusina ni Kaye.

Sopas nalang ang niluto ko dahil iyon lang naman ang available sa stocks niya. Titimplahan ko nalang tapos na. Mapapakain ko na ang pasyente ko. May mga stock din siyang gamot kaya hindi ko na kinailangan pang bumili sa botika. Inihanda ko na ang lahat at sopas nalang ang kulang.

Ang cute pala ng mata niya. Yung lips niya.Yung ngiti niya. At ang lambot din ng buhok niya. Ang ganda niya kung pinanindigan niya lang sana ang pagkababae niya.. Sabi ko pa habang naghahalo kausap ko ang sopas na niluluto ko.

Saka alam mo, ang bango niya. Parang ang sarap niya yakapin. Pero alam mo kaaway ko yun madalas.. Pero ngayon parang hindi na ako ganoon kainis sa kanya. Waring nangangarap na sabi ko.Pakiramdam ko nangingislap ang mga mata ko habang nakikipagkwentuhan sa sopas.

And you know what? I never have a crush on anyone. Pero kay Kaye,I think crush ko na siya... Hehe.

Kapag may nakakita sa akin o makarinig iisipin nila nababaliw na ako. Muka kasing tanga ang muka ko. Hindi maalis alis ang nakapintang mga ngiti sa labi ko.

I think I probabaly had a crush on her. O baka nga mas malala pa. Ni hindi ko alam kung paano nangyari o paanong nagumpisa. Parang kanina lang naman yon na natitigan ko siya sa mata. Baka nagkagusto ako sa kanya nang hindi ko namamalayan dahil sa madalas naming pagbabangayan.

Ang malaking problema ay hindi ako sigurado kay Kaye.Siyempre sino ba naman ako, eh kapit-bahay lang naman niya ako.

Pero ok lang naman yon diba? Crush lang naman eh!.. Halika ka na ipapakain na kita..

Sabi ko, habang nilalagay ang sopas sa bowl. Ngiting-ngiti ako.Special ang sopas na ito para kay Kaye.Ipinihit ko na ang sarili ko palabas ng kusina. Pero pagharap ko nakangiti si Kaye habang nakasandal sa refrigerator. Nakatalukbong ito ng puting kumot.

Aaaaaahhh!!!!! Gulat na gulat ang naging reaksiyon ko. Andami ko pa mandin sinabi tungkol sa kanya kanina.Narinig niya kaya lahat yon!?

Kaye naman nakakagulat ka,! Bakit bumangon ka pa hahatiran nalang sana kita ng sopas sa kwarto mo, baka mabinat ka pa nyan!

Pagkuway sabi ko. Pero deep inside nagaalala ako. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal sa likuran ko.

Dito na ako kakain kaya nga ako bumaba di ba? Hindi ako kumakain sa kwarto ko. Kaya nga kwarto ang tawag dun dahil tulugan yon, at ito dining area ito ang tamang kainan.

Sus! Andami mong sinabi. Indeed! Very well said!

Inilapag ko na ang sopas sa harap niya at ang gamot na iinumin niya. Mataman lamang siyang nakatingin sa akin. Habang nakangisi ito.

Ano?! Angil ko. Tinititigan niya kasi ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta hindi ako komportable. Gosh hindi na ako komportable! Paano na?

May lagnat ka din ba? Nakakapagtakang nagpunta ka para alagaan ako. Nakangiting sabi ni Kaye.

Siyempre, konsensya ko na yon kung may nangyari sayong masama eh hiningan mo pa naman ako ng tulong,di ba.

Tumango-tango nalang si Kaye at sumubo na ng sopas. Pagkatapos ay umiba ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang hindi niya nagustuhan ang luto ko. Kahit lukutin pa ni Kaye ang mukha niya ang gwapo pa rin niya.... Natigilan ako sa naisip ko. Ano na ba ang nangyayari sa akin.?

Hindi ba masarap.? Tanong ko.

Haha, binibiro lang kita, masarap Yass, salamat... Nakangiting sabi ni Kaye. Pero next time pag-igihan mo pa.

Napairap nalang ako sa kanya. At napaismid.

Kaw na nga nilulutuan nagrereklamo ka pa!

Bakit nagrereklamo ba ako di ba nga sbi ko masarap..

Haynaku ewan ko sayo! Maysakit ka na nga, hindi pa nabawasan yang lakas mo mangasar! O ayan ang gamot mo inumin Mo! Tas magpahinga ka na!!!

Ganyan ka pala mag-alaga, hindi ka pwedeng maging nurse naninigaw ka ng pasyente.

Kaya nga photographer ako di ba!? Hindi ako nag-nurse, kasi ayoko ng makulit na pasyente na nuknukan pa ng....

Kagwapuhan.? Dugtong niya sa sasabihin ko pa sana. Bahagya ako napangiti.

O bakit ka nakangiti.?

Nakangiti? Sino? Ako? Haha at bakit naman ako ngingiti? May nakakangiti ba?

Meron!Ako.!

Ewan ko sayo!

Ipinagpatuloy ni Kaye ang pagkain pagkatapos ay uminom na ito ng gamot. At pagkatapos ay pinagpahinga ko na siya sa kwarto niya.

Habang ako, ay niligpit ko ang mga kalat ko sa kusina.Naglinis na din kahit hindi naman ganoon kadumi. Nakakahiya sa kalinisan ni Kaye.

Napapaisip tuloy ako na nagagawa pa niyang maglinis ng bahay kahit na sa sobrang busy niya. Napadako ako sa sala.
Malinis at maayos din ang pagkakadisplay ng mga pictures. Siguro ito ang kanyang pamilya.
Nahagip ang tingin ko sa isang picture ng batang lalaki. Napangiti ako so cute... Parang si Kaye.



Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may humahaplos na palad sa pisngi ko. Nagmulat ako at tumambad sa mukha ko ang magandang mukha ni Kaye. Sinipat ko ang relo ko. Alas-siyete na pala ng gabi. Nakatulog na pala ako sa sala ni Kaye.

Kung ikaw talaga ang nurse, wala na patay na ang pasyente sa sobrang gutom.. Nakangiting sabi niya. Ano?!Aba at namimihasa ata tong kumag na to!

Ano bang kakainin mo? Sabi ko nang makabangon ako. Masyado ng gabi para magluto pa. Yung tirang sopas nalang ulit ang kainin mo.Pwede namang iulam sa kanin yon.!

Napahagalpak ng tawa si Kaye. May nakakatawa ba sa sinabi ko.? Tiningnan ko siya ng masama.

Anong problema mo?!! Siguro magaling ka na no! Kaya ganyan ka na naman!

Paano? Tinitipid mo ang pasyente mo. Pero ok lang ,yon nalang ang kakainin ko tutal gumagaan ang pakiramdam ko sa sopas mo.Nakangiting sabi ni Kaye. At naglakad na papuntang kusina. Sumunod nalang ako sa kanya.

Ininit ko nalang yung sopas. At ipinaghain ang mahal na prinsipe. Nakatingin lang si Kaye sa akin. Pangiti-ngiti pa ito.

Kamahalan kumain ka na po kasi ang iyong abang lingkod ay kailangan na ring umuwi sa aking palasyo. Panguuyam na sabi ko. Pero parang hindi naapektuhan si Kaye sa sinasabi ko.

Sabayan mo na din kaya ako kumain.... pagkuway sabi niya nang mailapag ko na ang pagkain niya.

Kumuha na din ako ng para sa akin kasi sa totoo lang nagugutom na rin ako.Umupo ako sa katapat niya. At nakatungo lang ako habang dahan-dahang sumusubo ng sopas.

Ilang sandali na ang nakalipas ay nanatiling nakatitig lang sa akin si Kaye. Kaya hindi ko na napigilang tanungin siya.

Ano naman ba Kaye.?

Anong ano? Maang niya.

Yan! Yang ginagawa mo.

Ang alin.?

Ay naku! Bahala ka nga sa buhay mo! Napipikon kung sabi. Habang siya naman ay tumatawa lang. Nakakainis talaga!!

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit ako ng pinagkainan. Habang si Kaye ay nasa sala lang at nanood ng tv. On the wings of love ang pinapanood niya at mukang paborito niya ang teleseryeng iyon. Iba kasi ang kislap ng mata niya. Parang kinikilig pa siya.

Pagkatapos kong magligpit ay nagpaalam na ako kay Kaye nang madaanan ko siya sa sala.

Kaye, mauna na ko ha, gabi na din kasi eh yung mga gamot mo hwag mo kalimutang inumin.

Sa haba ng sinabi ko hindi siya sumagot. Nakatuon lang ang paningin niya sa tv. Bwisit talaga! Ampogi kasi! Asar na naman ako. Tumalikod nalang ako at tinungo ang pinto palabas.

You look like, a sleeping angel! By the way.. Narinig kong sabi ni Kaye. Parang sumirko ang puso ko. Akala ko hindi na iimik. Tapos noong umiimik na eh pasabog naman. Nakakakilig.

Ngumiti lang ako. Hindi ko siyempre ipapahalata na kinikilig ko.

Time to say goodnight.
Tommorrow is another day.
Mukhang hindi kami masyadong pasaway ngayon.

========================================================

bayo_toopsie


Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 35.4K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❀🌈
1.8K 63 24
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
812K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
44.2K 1.3K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine