😊😊😊😊
Sa labas ng supermarket ako nag-abang ng taxi. Naiinggit ako doon sa ibang shoppers na may mga kotse.Siguro kapag may kotse na ako hindi na ako mahihirapan mag-commute. Kaso kulang pa ang ipon ko para don. Konting tiis nalang.
Yassi, sabay ka na sa akin. Napalingon ako. Si Kaye ang ganda na naman ng mga ngiti niya. At parang nadadala na ako sa mga ngiti niya. Erase ulit ano ba yan!! Inirapan ko siya at itinuon ang paningin sa kalsada.
Hindi na,magta-taxi nalang ako. wala sa loob na sabi ko. Hindi ko na din siya tinapunan pa ng tingin.
Halika na! Hwag ka na mahiya,, magkapit-bahay naman tayo. Saka mahirapan ka kumuha ng taxi ngayon. Pamimilit na sabi niya.
Hindi na nga! Pwede ba hwag mo na ako kulitin.!
Halika na nga sabi! Andami mo pang arte!
Tiningnan ko siya ng masama. Eh bakit ba eh sa ayaw ko nga, ikakamatay ba niya kung hindi ako sasakay sa kotse niya. Hmmpp.! Nagulat ako nang bigla nalang niya binuhat yong mga pinamili ko sa kart at ipinasok iyon sa likuran ng kotse niya.
Lumapit ako sa kanya at pinigilan ko siya.
Ano ba Kaye!? Sinabi ko na ngang hindi ako sasabay di ba?!! Bakit ka ba namimilit??!!! sigaw ko.
Ayaw mo ba nun, libreng sakay na nga o, ayaw mo pa eh kung magtaxi ka aabutin ka ng siam-siam dito. sagot niya.
Wala kang paki, basta hindi ako sasabay sayo! Ibaba mo na nga yang mga pinamili ko, akin na yan!!! Akin na!!
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na naman kami ng ibang tao habang hinihila ko yung natirang isang balot sa mga pinamili ko. Nagsisigawan kami at naghihilahan... Pero hindi na naman ako nanalo sa kanya. Nakuha pa rin niya ang plastik at nailagay na sa kotse niya.
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Bigla niya akong binuhat. Hindi ko inaasahan na ganito pala siya kalakas!
Ano ba Kaye!! Ibaba mo nga ako!!!! May sayad ka talaga!!!! Ibaba mo ko!!!baliw!!!. pagpupumiglas na sabi ko. Pero tagumpay na naipasok niya ako sa kotse.Kinabitan pa niya ako ng seatbelt. Naiinis ako parang gusto ko magwala. Lalo na at pangiti-ngiti pa siya habang nagda-drive. Pinukol ko siya ng matalim na tingin.
Tinik ka talaga sa lalamunan ko eh no! sabi ko. Tumikhim siya sabay tingin sa akin.
Bakit ba mainit ang dugo mo sa akin?
Well, obviously ikaw lang naman ang madalas sumira ng araw ko,, nagtataka ka pa!!
Ako talaga? Akala ko pa naman ako ang kumokompleto ng araw mo. Pilyo ang ngiti na sabi niya. Salubong ang mga kilay ko na tinitigan ko siya. Mukhang inaatake na naman ito ng kapraningan.
Nang-aasar ka?
Bakit kaya hindi mo subukang maging mabait naman sa akin kahit minsan..
Hindi ko na siya sinagot. Nasa byahe kami baka mamaya magkainitan pa kami. Maaksidente pa kami.
Ibinaba niya ako sa tapat ng bahay ko. At tinulungan niya din ako sa mga pinamili ko.
Hindi ka man lang ba magpapasalamat? tanong ni Kaye nang papasok na ako ng gate.
Bakit sinabi ko bang isakay mo ko? Di ba ikaw ang namilit. sabi ko. At pumasok na ako sa loob. Sinilip ko nalang siya sa bintana napapakamot ito sa ulo at sumakay na sa kotse niya. Nangingiti ako kay ligaya ko na naasar ko siya kahit papaano.
O, andito ka na pala! Nagawi ako sa hagdanan, si Sheena.
Isa ka pa! angil ko. Hindi pa rin ako nakakamove-on na ako ang nagtuloy ng gawain na dapat siya ang gumawa.Hindi na sana dapat na nasira ang araw ko.
Soorry na, friend,paglalambing na sabi nito.
Ano pa bang magagawa ko tapos na o! Nakauwi na nga ako di ba.?
Nakangiti itong tumitig sa akin. Para bang may gusto itong ikwento. Kaya naman ako na ang nagtanong.
Ano naman ang nangyari sa lakad niyo??
Ay naku, napakasaya. Nagenjoy ako.
Bakit saan ka ba nagpunta??
Haynaku, sumali ako sa Kaye Cal fans club. At ang saya. Grabe.
Napataas ang kilay ko kay Sheena. Sumali pa talaga siya sa fans club ng bruhong yon! Nahirapan ako sa pamimili tapos siya yon lang ang inasikaso niya.
Bakit sumali ka pa dun? Eh kapit-bahay lang naman natin si Kaye,,araw-araw nakikita mo naman siya.
Kapit-bahay mo, alam mo naman bakasyunista mo lang ako dito.
Ah talaga ba? Bakasyunista palang pala ang tingin mo sa sarili mo eh halos six months ka na nakatira dito.
'To naman,ang hard mo sa akin. Sige para makabawi ako sayo ako na magluluto ng dinner natin.
Habang nagluluto si Sheena andami niyang kwento about sa pinuntahan niyang meet-ups ng mga fans ni Kaye. Ipinakita pa niya sa akin yung mga nacapture nilang pictures sa phone niya.
Grabe sobrang dami pala talagang fans ng kumag na yon. Gwapo naman kasi. Ano daw!?sinabi ko bang gwapo? Wow ha napapansin ko na pala yon.Sumali din kaya ako ng fans club tapos ipagkakalat ko na kapit-bahay ko lang yung idol nila. Isipin ko palang ang magiging reaksiyon nila natatawa na ako. Malamang ang mangyayari dito na lagi sa bahay ko ang grand eye ball nila. Tsk. Kay Sheena pa nga lang hirap na ako paano na kaya kung lahat na ng fans niya nandito.
Ano tinatawa mo dyan? puna ni Sheena, malamang napansin nito ang paghagikhik ko.
Wala may naisip lang ako. Bilisan mo na nga yan, gutom na ako. sabi ko.
Andami pala talagang nababaliw kay Kaye. Teka bakit ba pabalik-balik siya sa isip ko.? Baka nga nagugutom na ako.....
Napapangiti nalang ako nang maalala ko yung mga nangyari kanina...
========================================================
🐭🐭🐭🐭
bayo_toopsie