My Dream Gay

By xtraordinaryjne

122K 3.9K 301

Andrei Joanna Suarez dreaming to have a prince charming,a dream boy sabi ng iba.Pero pano kung ang prince cha... More

Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
MDG: Character's Profile 1
MDG: Character's Profile 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter

Chapter 34

1.4K 49 6
By xtraordinaryjne

"How are you?"

Tanong ni Andrei kay AJ. Nasa may living room sila. Sila lang ang nandun dahil umalis na si Kinneth. Wala pa din ang magulang at kapatid ni AJ.

---

Flashback.

"Kinneth?"
"Joanna?.....Baebae ko?"

Nagtatakang tawag ni Andrei sa dalawa. Biglang inalis ni Kinneth ang kanyang kamay sa braso ni AJ. Sabay silang humarap ni AJ kay Andrei.

"Drei. Anong ginagawa mo dito?"
"Akala ko nasa office ka ng dad mo."

Naguguluhan din na tanong ni AJ dito. Itinago nya ang kaba at gulat. Ayaw nyang mahalata ni Andrei yun.

"Yeah."
"Natapos agad yun."
"Bumalik ako sa school para sana sunduin ka pero sabi nina Emman ay umalis ka din."

Sagot ni Andrei habang pinalipat-lipat ang tingin sa dalawa.

Bruha ka bestie. Bakit kasama mo ang fafa kinneth ko!! Traydor ka!!

Nagwawalang saad ni Andrei sa kanyang isipan. Napababa ang tingin ni Andrei sa paa ni AJ.

"Inalis na?"

Sinundan ni AJ kung saan nakatingin ang mata ni Andrei. At napagtanto nyang ang paa nyang nasprain ang tinutukoy nito.

"Yeah."
"Kaya umalis ako sa school."

Paliwanag ni AJ. Nagsalubong ang mga mata ni Andrei at AJ sa isa't-isa. Para namang walang Kinneth na nasa gitna nila kung pano sila magusap. Parang imbisibol ito sa kanila.

"Bakit di mo sinabi sa akin?"
"Joanna. I'm your boyfriend and it's my responsibility to take care of you."

Makikita ang intense sa mata ni Andrei. Seryosong-seryoso ang boses nya. Bigla namang nakaramdam ng kaba si AJ. Ngayon lang nya nakita si Andrei na ganun kaseryoso. Para syang papatay ng tao.

"Ehem..."

Basag ni Kinneth. Napatingin ang dalawa sa kanya. Napataas ng kilay si AJ.

"I'll go ahead."
"Bye bro."

Paalam ni Kinneth. Lumapit pa ito kay Andrei at tinapik-tapik ang balikat nito.
Naglakad na din sya papunta sa pinto ng sasakyan nya. Binuksan nya na yun pero di sya pumasok.

"AM."
"Tomorrow.....at 7."
"Silver Gym."

Saad ni Kinneth. Tinutukoy nya ang gym kung saan sila nagwoworkout. Bukas ay schedule nila.

"Copy that."

Sagot ni Andrei dito. Matapos yun ay pumasok na si Kinneth sa loob ng sasakyan nya at mabilis na pinaandar ito.

"Tara sa loob."

Alok ni AJ. Tinuro ng hinalalaki nya ang gate. Walang imik na naglakad si Andrei palapit kay AJ. Tumalikod na si AJ at lumapit sa gate. Kinabig nya ito para mabuksan at makapasok sila.

End..

---

"Drei. I'm sorry."

Yun ang nasabi ni AJ. Napayuko din sya ng ulo nya. Ayaw nyang harapan ang mga mata ni Andrei.

"Bakit humihingi ka ng sorry?"

Tanong ni Andrei. Nakakunot ang noo nito pero hindi naalis ang matalim na tingin ng mata nito. Parang nagaapoy ang mga mata ni Andrei.

"Basta. Sorry."
"Wag ka ng magtanong."

Sagot ni AJ. Tumayo sya sa sofa at naglakad paalis doon. Parang napipi si Andrei dahil hindi sya nakapagsalita, basta nakatingin lang sya kay AJ na naglalakad. Naipikit nya ng madiin ang mga mata nya.

Ano ba ito? Nakakainis!! Nakakagalit!! I hate it!!

Protesta ni Andrei sa utak nya. Napahawak pa ang isang kamay nya sa ulo nya habang ang isa ay nakatuon sa tuhod nya.

"Ser andrei."
"Ano hong gusto nyong kainin?"

Tanong ng isang katulong. Maedad na ito dahil mapapansin ang hibla ng puting buhok sa ulo nito. Inangat ni Andrei ang ulo nya.

"Wag na ho."
"Aalis na din po ako."
"Pasabi na lang po kay Joanna na umalis na ako."

Wika ni Andrei. Tumayo sya at inabot ang bag na nakalagay sa may sofa. Tumango lang ang katulong kay Andrei at naglakad na ito paalis.

Napatingin si Andrei sa may hagdan pataas sa ikalawang palapag. Inilagay nya ang kaliwang kamay nya sa bulsa ng pants habang ang isa naman ay nakahawak sa strap ng backpack bag nya.

Nagbuntong hininga muna sya bago nya hinakbang ang paa nya. Saktong paglabas nya sa pinto ng bahay ay nakita nya si Jacob na masayang naglalakad papunta sa direksyon nya.

"Hi Kuya."
"Andito ka pala."

Ikinaway pa ni Jacob ang kamay nya habang sinasabi yun. Malawak din ang kanyang pagkakangiti.

"Tara sa loob."

Aya pa ni Jacob ng tuluyan na syang makalapit dito. Hinawakan nya si Andrei sa may pulso at hinigit papasok ng bahay

"Next time Jacob."
"Paalis na ako."

Wika ni Andrei. Nanatili sya sa kinatatayuan nya. Napalingon si Jacob dito. Nangunot din ang noo nya dahil sa pagtanggi nito sa alok nya.

"Ayaw mo bang pumasok muna?"
"Laro muna tayo."

May lungkot sa boses ni Jacob. Nakalabi din ito. Nagpapaawa sya kay Andrei. Napangiti si Andrei. Hinawakan nya ang ulo ni Jacob at ginulo ang buhok nito.

"Ano ba?!!! Kuya naman e."

Inis na inilayo ni Jacob ang ulo nya kay Andrei. Dumistansya din ito ng konti.

"Nakapasok na ako sa loob."
"At tyaka nagpapahinga na ang kapatid mo sa kwarto nya kaya paalis na ako."

Wika ni Andrei. Inilagay na din nya ang kamay nyang nakahawak sa strap ng bag nya sa bulsa ng pants nya.

"Bye kiddo."

Paalam ni Andrei kay Jacob. Kunot noo lang ang isinukli niJacob. Mabilis din itong pumasok sa loob ng bahay.

Seryoso ang mukha na nagpatuloy sa paglalakad si Andrei patungo sa sasakyan nya na nakapark sa labas. Pinindot nya ang alarm ng sasakyan kahit medyo malayo pa sya dito.

Pagbukas nya ng pinto ng sasakyan nya ay binigyan nya muna ng isang sulyap ang kwarto ni AJ bago sya pumasok sa loob. Inistart na nya ang makina at saka umalis.

---

"Hello handsome."

Mapangakit na bati ng isang babaeng naka black dress kay kinneth. Di yun pinansin ni Kinneth. Nagpatuloy lang sya sa paginom ng alak.

"Alam kong gwapo ako."
"Di kita kailangan para sabihin sa akin yun."
"Makakaalis ka na."

Sa inis ng babae, padabog itong umalis sa tabi ni Kinneth. Inikutan nya din si Kinneth ng mata.

Muling hinawakan ni Kinneth ang bote ng alak na iniinom nya. Pinagmasdan nya ito maging ang alak na nasa loob noon.

Abala si Kinneth sa pagsuri sa alak ng may tumapik sa balikat nya. Tiningnan nya ang gumawa noon.

Nakita nya sa gilid nya si Julius at Emman.

"Senti tayo dyan ah."

Wika ni Emman. Ibinaba ni Kinneth ang bote na hawak nya at nakipag "fist bump" ito sa dalawa.

"Anong meron at kinailangan mo kami?"

Tanong ni Julius ng makaupo sa upuan na katabi ni Kinneth. Sa kabilang side naman ni Kinneth naupo si Emman.

Nang umalis si Kinneth sa bahay ni AJ ay tinext nya si Emman at Julius. Pinapunta nya ito sa "Haven Bar" kung nasaan sila ngayon.

Hindi sinagot ni Kinneth ang itinanong ni Julius. Inabot lang nya ang bote ng alak na nasa harapan nya at tinungga ang laman noon.

"Ano? Silent treatment bro?"
"Aalis na lang kami."

Tumayo si Julius matapos sabihin yun. Sinignalan ni Julius si Emman na tumayo. Sinunod yun ni Emman. Lumapit din ito kay Julius.

Akmang tatalikod na silang dalawa ng biglang nagsalita si Kinneth.

"Pano manligaw?"

Tanong nya sa mababa at mahinang boses. Taas kilay na tiningnan ng dalawa si Kinneth.

"Ano bro?"

Sinamaan ng tingin ni Kinneth ang dalawa. Diretso lang ang tingin ni Emman at Julius kay Kinneth. Di sila kumikibo at iniintay lang nila ang sasabihin nito.

"Ang hina ng boses mo."
"Di namin narinig."

Ani ni Julius. Lalong tumalim ang tingin ni Kinneth sa dalawa.

"Pinaglalaruan nyo ba ako?"

Tanong ni Kinneth. Nagkatinginan sa isa't-isa si Emman at Julius. Kitang-kita sa mata nila ang pagkalito.

"Hindi."

Maikling sagot ni Julius. Nanatiling nakataas ang kilay nya. Napapikit si kinneth ng mata. Kinakalma nya ang sarili nya.

F*ck!! Ganto ba kahirap pag inlove ka? T*ngna!! Nakakawala sa wisyo.

Wika ni Kinneth sa kanyang utak habang nakapikit pa din. Inangat nya muli ang bote ng alak ng di pa din minumulat ang mata nya. Tinapat nya yun sa bibig nya para makainom.

"Nevermind it."
"Sige umalis na kayo."

Kalmadong saad ni Kinneth matapos uminom. Nakatuon lang ang mata nya sa bote na hawak nya. Di nya na nilingon ang dalawa sa gilid nya.

"By the way, Don't forget our workout tomorrow."
"7 am."

Pahabol na sabi ni Kinneth. Uminom ulit sya matapos sabihin yun.  Nagtaas sya ng hintuturo nya para ipahiwatig sa bartender na gusto pa nya ng isa.

"Sige."
"Kitakits bukas."

Pagsangayon ni Julius. Tinapik naman ni Emman ang balikat ni Kinneth.

Umalis na sa "Haven Bar" si Emman at Julius. Nagpatuloy naman si Kinneth sa paginom. Nakakatatlong bote ng alak na sya.

Nang maubos nya ang pangapat ay saka sya nagdesisyon na umuwi na. Tumayo na sya sa high chair na inupuan nya sa may bar counter. Nagpatong sya ng isang libong piso sa lamesa.

"Margarita. Please."

Napalingon si Kinneth sa kabilang upuan ng madinig nya ang pamilyar na boses na yun.

"AM?"

Banggit nya sa pangalan ng kaibigan nya. Lumingon sa gawi nya si Andrei.  Nangunot ang noo ni Andrei ng makilala nya si Kinneth na nasa harapan nya.

"Kin."

Tawag din ni Andrei sa kaibigan nya. Inabot na nung bartender ang margarita na order nya. Agad nyang ininom yun.

Bumalik sa pagkakaupo si Kinneth.

"Bigyan mo din ako ng iniinom nya. Salamat."

Wika nya sa bartender na nasa harap nya at abalang nagpupunas. Agad na tumalima ang bartender at kumuha agad ng order ni Kinneth.

Inikot ni kinneth ang upuan nya paharap kay andrei. Busy lang si Andrei sa paginom.

"Problema?"

Banat na tanong ni Kinneth kay Andrei. Pinagmamasdan nya lang ito kung pano ubusin ang margaritang nasa baso.

Tumawa naman ng pagak si Andrei. Ibinaba nya ang baso nya sa lamesa at saka hinarap si Kinneth.

"Anong problema?"
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?"
"Walang problema bro."

Sagot ni Andrei habang tumatawa. Muli nyang kinuha ang baso nya at nilagok ang laman noon.

Iiling-iling na kinuha ni Kinneth ang order nyang margarita na nakalapag sa harapan nya. Ininom nya yun.

Nagpatuloy  si Andrei at Kinneth sa paginom. Nakakailang baso na din sila.

"Cheers!! Bro."

Medyo may tama ng konti na sabi ni Andrei. Itinaas nya ang baso nya sa ere. Ganun din ang ginawa ni Kinneth. Matapos noon ay sabay nilang ininom ang alak. Nang maubos na nila ang laman noon ay magkasabay nilang nilipag sa lamesa ang baso.

"I'll do anything for here."

Wala sa isip na nasabi ni Kinneth. Nilingon sya ni Andrei. Naningkit ang mata nito habang tinitingnan si Kinneth. Malayo ang tingin ni kinneth. Para syang nangangarap ng kung ano.

"What?"
"Ano bang sinasabi mo?"
"Lasing ka na ata e."

Kunot noong tanong ni Andrei kay Kinneth. Tiningnan naman ni Kinneth si Andrei.

"Nothing."
"Tara. Uwi na tayo."

Nakatingin ng diretso si Kinneth kay Andrei. Di nya kinurap ang mata nya.

Kinuha ni Kinneth ang wallet nya. Kumuha sya dun ng  limang libong piso. Ipinatong nya yun sa counter at agad na tumayo.

"Let's go. AM."

Nakapamulsang wika ni Kinneth. Napalingon si Andrei kay Kinneth. Naibaba nya ang basong hawak nya. Naglakad pauna si Kinneth.

"Nabayadan ko na."
"Let's go."

Saad ni kinneth ng di nililingon si Andrei sa kanyang likod.

"Okay. Thanks."

Tumayo na din si Andrei sa upuan nya. Nagpatuloy naman si Kinneth sa paglakad palabas ng bar. Nakasunod sa likod nya si Andrei.

Marami silang nainom pero nasa katinuan pa din sila. Siguro ay konting hilo lang ang nararamdaman nila.

Pagkalabas nila ng bar ay sabay silang naglakad papunta sa kanilang sasakyan. Magkatabi lang yun sa parking lot.

"Who's gonna be the winner?"
"Good luck."

Banat ni Kinneth. Abala si Andrei sa pagkuha ng susi nya. Di nya nabigyan ng pansin ang sinabing yun ni Kinneth. Napangiti si Kinneth habang tinitingnan si Andrei na nakatuon ang paningin sa susi.

Tumapat na sila sa pinto ng kanilang sasakyan. Sabay na tinaas nila ang kamay nila bilang pagpapaalam. Binuksan nila ang pinto ng sasakyan nila at sabay na pumasok sa loob.

Mas pinauna ni Andrei si Kinneth na ilabas sa parking lot ang sasakyan. Sumunod sya pagkatapos. Magkaibang direksyon ang tinahak nila. Si Kinneth ay sa may kanan habang sa kaliwa naman ang direksyon ni Andrei.

Habang nagmamaneho si Andrei ay naisipan nyang itext si AJ. Kinuha nya mula sa loob ng bag nya ang phone at mabilis na nagtipa ng mensahe.

"You are going with me to the gym tomorrow. I won't take no for an answer. Joanna. Good night.--- Andrei."

********

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1.7M 47.3K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
1.9M 58.7K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
10.1M 391K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...