My Dream Gay

By xtraordinaryjne

120K 3.9K 301

Andrei Joanna Suarez dreaming to have a prince charming,a dream boy sabi ng iba.Pero pano kung ang prince cha... More

Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
MDG: Character's Profile 1
MDG: Character's Profile 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter

Chapter 33

1.3K 57 7
By xtraordinaryjne



Inalalayan ni Kinneth si AJ papasok sa sasakyan nya. Di naman mapigilan ni AJ na mailang. Naiilang sya sa pinapakita ni Kinneth. Sa pagiging maalaga nito at sweet.

"Why are you doing this?"

Out of no where ay naitanong ni AJ. Nakaalis na sila sa school. Nakatuon ang atensyon ni kinneth sa daan.

"This..."
"Caring."
"Gentlemen."
"Your sweet words."

Iritang wika ni AJ. Napalingon si Kinneth dito.

"I lov----"

"Andrei si my boyfriend.....and you know that."

Pinutol ni AJ ang sasabihin ni Kinneth. Ayaw nyang marinig ang mga salitang yun.

"I know....you and andrei."
"Pero hayaan mo lang akong ipakita sayo kung gano katotoo ang pagmamahal ko sayo."
"Shit!! Joanna. Mababaliw ako pag di ko naiparamdaman sayo kung gano kita kamahal."

Natulala si AJ sa kanyang kinauupuan dahil sa mga narinig nya mula kay Kinneth. Humigpit naman ang hawak ni Kinneth sa manibela.

"Just please.... Joanna. Please."
"Just let me do this."

Habol pa ni Kinneth. Di naman alam ni AJ kung anong isasagot nya. At dahil sa pagkalito ay pinili na lang nyang manahimik. Tumingin na lang sya sa labas.

Nakarating sila sa ospital sa loob lamang ng ilang minuto. Di naman kalayuan ang ospital  na yun sa university.

Pagkapark ni Kinneth sa parking lot sa harapan ng ospital ay mabilis syang lumabas at pumunta sa tapat ng pinto ng passenger seat para buksan yun. Pinagmasdan lang ni AJ si Kinneth habang ginagawa yun.

"Give me your hand."

Nakalahad ang kamay ni Kinneth sa harapan ni AJ. Tiningnan ni AJ ang kamay nito. Mas inilapit naman yun ni Kinneth.

"Your hand Joanna."

Wika ni Kinneth. Maaliwalas ang mukha ni Kinneth. Dahan-dahan namang inilapit ni AJ ang kamay nya. Inabot naman yun ni Kinneth.

Kinuha ni Kinneth ang saklay na nasa may gilid gamit ang libre nyang kamay.

"Thank you."

Pasalamat ni AJ habang nakayuko. Napangiti naman si Kinneth sa narinig nya.

Sinara na ni Kinneth ang pinto at pinindot ang alarm ng makalabas na si AJ.  Kinuha ni Kinneth ang bag na nakasukbit sa balikat ni AJ at sya na ang nagdala noon.

Pumasok sila sa loob ng ospital.  Medyo maraming tao ang naglalakad sa may entrance. Napansin ni Kinneth ang isang lalaki na tumatakbo at papunta sa direksyon nila. Napalingon sya kay AJ sa tabi nya. Sya lang ang nakakapansin sa lalaking tumatakbo dahil nakayuko si AJ habang naglalakad.

"Hey!! Watch your way!!"

Sigaw ni Kinneth ng hapitin nya si AJ palapit sa kanya para maiwasan ang lalaking babangga na kay AJ.

Di sya pinansin ng lalaking tumatakbo. Dire-diretso lang ang lalaki palabas ng ospital. Napaangat  si AJ ng ulo nya. Dinako nya ang mata nya sa mukha ni Kinneth.

"Are you okay?"
"May masakit ba sayo?"

Nagaalalang tanong ni Kinneth. Wala sa isip na umiling si AJ.

"Good."

Nagpakawala ng malalim na hinga si Kinneth ng malaman na ayos lang ito.

"Let's go."

Aya ni Kinneth. Inalalayan na ni Kinneth si AJ sa paglalakad. Nagpunta sila sa nurse station para magtanong.

"Good afternoon. Miss."
"I'm Andrei Joanna Suarez... I'm looking for---"

"Miss Joanna?"

Napalingon si AJ sa kanilang gilid ng may tumawag sa kanya. Nakita nila si Doctor Razon, ang doktor na nagtingin sa paa nya. At gumamot dito. Lumapit ito sa kanila.

"Hi po doc."

Nakangiting bati ni AJ. Nginitian sya ni doktor Razon. Bumaba ang tingin ni doc. Razon sa paa ni AJ na may cast.

"Buti at nakarating ka. Kanina pa kita iniintay."
"Follow me."

Sinundan nina AJ at Kinneth si doc. Razon. Nakaalalay pa din si Kinneth kay AJ. Nang makarating sila sa dulo ng daan ay lumiko sila. Nakita nina Kinneth na pumasok ang doktora sa isang kwarto doon. Sinundan nila yun at pumasok din sa loob.

Pagkapasok nila sa kwarto ay nadatnan nila ang doktor na nakaupo sa upuan nito at may tinitingnan na papel.

"Please seat down."

Alok ng doktora kina AJ. Lumapit sila sa lamesa. May dalawang upuan doon na magkaharap. Unang pinaupo ni Kinneth si AJ sa upuan na nasa kaliwa. Kinuha nya ang saklay kay AJ at sya na ang naghawak noon. Umupo sya sa upuang nasa kanan. Kaharapan nya si AJ.

"So.... Miss Suarez."
"How you feeling?"
"May sakit ka pa bang nararamdaman sa paa mo?"

Tanong ng doktora kay AJ. Nakapatong ang siko ng doktora sa lamesa at pinagsaklop nya ang dalawang kamay nya.

"I'm  feeling  better po doc."
"Wala na din po akong nararamdamang sakit sa paa ko."
"Feeling ko lang po ay naluom na ang paa ko dahil nakasimento ito."

Napatawa si AJ dahil sa huling sinabi nya. Napangiti naman si doktora razon. Abala naman si Kinneth sa pagtitig sa mukha ni AJ.

Ang ganda nya lalo pag ngumingiti.

Usal ni Kinneth sa kanyang utak.

"Okay."
"Are you ready?"
"Aalisin na natin yang cast mo."

Wika ng doktora. Napalabas ng ngipin si AJ dahil sa sobrang pagkakangiti. Tumango-tango din ito.

Tumayo ang doktora sa upuan nya at nagpunta sa isang hospital bed sa may gilid. Tumayo din sina AJ. Agad syang dinaluhan ni Kinneth. Di na nya ginamit ang saklay. Inalalayan na lang ni Kinneth si AJ papunta sa kama. Pagkaupo ni AJ sa may kama ay may dalawang nurse na pumasok. Isang babae at lalaking nurse. May dala silang mga gamit. Gamit yun para sa pagtatanggal ng cast sa paa ni AJ.

Pinagmamasdan lang ni AJ ang ginagawa ng doktora at ng dalawang nurse. Napatingin sya kay kinneth ng maramdaman nya ang kamay nito sa likod nya.

"Wag kang matakot."
"Andito lang ako."

Mahinang sabi ni Kinneth. Napataas naman sya ng kilay dahil sa sinabi nito.

"Sino bang may sabing natatakot ako?"

Mahinang pero mataray na saad ni AJ. Napapailing ng ulo na lang si Kinneth. May lumabas ding mumunting tawa sa bibig nya.

Tumayo na lang sa may gilid ng kama si Kinneth. Pinagmasdan lang nya ang ginagawa ng doktora sa paa ni AJ.

"Ayan."
"Miss Suarez pwede bang igalaw mo ang paa mo?"

Utos ng doktora kay AJ. Naalis na nila ang cast. Nagtagal lang ang pagaalis ng cast ng ilang minuto.

Agad na sinunod ni AJ ang inutos na yun ng doktora. Dahan-dahan nyang iginalaw ang paa nya. Pataas at pababa tapos ay dahan-dahan nyang iniikot iyon.

"Anong pakiramdam mo?"

Tanong ni Doc. Razon kay AJ habang inaalis ang gloves sa kanyang kamay.

"Mabuti na po."
"Di sya masakit."

May ngiti sa labing sagot ni AJ. Napangiti din si Kinneth sa may gilid.

"Sige. Subukan mong iapak sa sahig ang paa mo."

Nung una ay nagdalawang isip si AJ kung iaapak nya ang paa nya. Takot sya na baka di pa magaling ang paa nya pag iniapak nya yun. Tinitigan nya ang sahig na aapakan nya.

"Here."
"Let me help you."

Naiangat nya ang ulo nya at napatingin sa kamay ni Kinneth na nakalahad sa harapan nya. Napatingin pa ang doktora at dalawang nurse sa kanilang dalawa. Medyo kinikilig pa ang babaeng nurse dahil sa eksena nina AJ at Kinneth.

Hinawakan ni AJ ang kamay ni Kinneth. Pagkahawak nya doon ay bumwelo sya pauna para makaapak sa sahig. Ikinawit naman ni Kinneth ang kanang kamay nya sa bewang ni AJ at maingat na inalalayan patayo.

Dahan-dahang inilapag ni AJ ang paa nya sa sahig. Inalis nya ang kamay nyang nakakapit sa kamay ni Kinneth at unti-unti syang humakbang.

Inunang ihakbang ni AJ ang paa nyang walang injury. Nang ihahakbang na nya ang kabilang paa nya ay bigla syang na "out of balance". Mabilis na nasalo ni Kinneth si AJ. Naglanding ang likod ni Kinneth sa kama at nasa ibabaw nya si AJ.

"Okay ka lang?"

Napatitig si AJ sa mata ni Kinneth. Ganun din naman si kinneth.

"Yeah. I'm fine."
"Thanks."

Saad ni AJ sa mahinhin na boses. Hinawakan ni Kinneth ang balikat ni AJ at maingat syang umupo. Inalalayan nya si AJ na maupo sa tabi nya.

"Okay ka lang? Miss Suarez."

Tanong ng doktora. Lumapit ito kay AJ at hinawakan nya ito sa may balikat. Nagpaalam na ang dalawang nurse sa kanila at lumabas na ng  kwarto.

"Okay lang po ako."
"Kakaiba lang po ang naramdaman ko sa paa ko ng nabanat ito kaya nawala ako sa balanse."

Paliwanag ni AJ sa doktora. Pinaipod sya ng upo ng doktora at inutusan na ipatong ang paa sa kama para masuri ito.

"Normal lang yan."
"Dahil sa ilang araw na hindi mo nagalaw ang paa mo."
"Kailangan lang ay minamasahe ito  para maflex ang muscle."

Saad ng doktora habang binibigyan ng masahe ang paa ni AJ. Nakatingin lang si AJ sa kanyang paang hinihimas ng doktora.

"Anong pakiramdam?"

Tiningnan sya ng doktora ng tanungin sya nito.

"Much better po doc."

Ngumiti naman ang doktora ng marinig yun.

"Iho."
"Take care of your girlfriend."

Abala sa pagmamasahe ng paa ni AJ ang doktora ng sabihin yun. Napalingon naman si AJ kay Kinneth. Nagsalubong ang mga tingin nila. Ngumiti ng pilyo si Kinneth.

"I will po doc."
"I love her so much."

Saad ni Kinneth ng di inaalis ang tingin kay AJ. Nangunot ang noo ni AJ. Pinandilatan nya din si Kinneth ng mata. Nagtatangis ang ngipin nya.

"Ok. Good."

Wika ng doktora matapos masahihin ang paa ni AJ. Tumayo ito at bumalik sa kanyang lamesa. Naupo sya sa upuan nya.

Kahit na naiinis si AJ kay Kinneth ay hinayaan nya na lang itong alalayan syang makatayo at makalapit sa may lamesa.

"Thank you so much doc."
"We'll go ahead na po."

Nagpasalamat at nagpaalam na sila. Tumayo ang doktora at nakipagkamay kay AJ at Kinneth.

"It's my duty."
"Take care of yourself miss suarez."

Wika ng doktora. Ngumiti habang tumatango si AJ. 

"Thank you po doc."
"Una na po kami."

Paalam naman ni Kinneth. Ikinawit nya ang kamay nya sa bewang ni AJ at hinawakan ng kabilang kamay nya ang kamay ni AJ.

Manyak ka!! Tatamaan ka sa akin paglabas natin dito sa ospital.

Protesta ni AJ sa kanyang utak. hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ni Kinneth para ipaalam na galit sya.

Pinigilan ni AJ ang kanyang inis/galit hanggang makarating sila sa sasakyan. Di na nakarating ang ama ni AJ dahil sa meeting na di matapos-tapos.

Habang inaalis ang cast sa paa ni AJ kanina ay nagtext si Tito Johnny, ang kanyang ama. Nagsabi itong di na sya makakarating. Nagreply lang si AJ sa ama nya na okay lang sya at may kasama syang kaibigan. Pagpapatungkol kay Kinneth.

"Bastos ka!!"
"Manyak!!"

Pinaghahampas ni AJ ang dibdib ni Kinneth na makarating sila sa sasakyan. Nakasandal sya sa may pinto.

"Hey. Stop it."
"Ano bang pinagsasabi mo?"

Hinuli ni Kinneth ang mga kamay ni AJ. Kinulong nya yun sa kanyang mga palad. Marahas na kinuha ni AJ ang kanyang kamay. Itinulak nya din si Kinneth. Humarap sya sa pinto ng kotse para buksan yun. Agad syang pumasok at naupo sa upuan. Magkasalubong ang kilay nya habang nakaupo. Nakahalukipkip din sya.

"Where do you want to go?"

Bungad na tanong ni Kinneth ng makapasok na sya sa loob.

"Sa bahay."

Sagot ni AJ. Diretso pa din ang tingin nya sa unahan.

Inistart na ni Kinneth ang sasakyan nya at umalis na sila sa lugar na yun.

"Joanna. Look."
"I'm sorry."
"Di ko alam ang sasabihin sa doktor kaya sumangayon na lang akong girlfriend kita."

Pagpapaliwanag ni Kinneth. Para namang walang narinig si AJ dahil di sya nagsalita o nagbuka ng bibig man lang. Napahinga ng malalim si Kinneth.

Matapos ng tagpong yun ay wala ng nagsalita sa kanila. Nagfocus na lang si Kinneth sa pagmamaneho.

Halos isang oras ang tinagal ng byahe nila bago nila narating ang bahay ni AJ. Naipit kasi sila sa traffic.

"Bahala ka sa buhay mo."
"Puro lang naman kalokohan ang alam mo."
"Sabihin mo nga kung pano ako maniniwalang mahal mo ako kung yun ang nakikita ko sayo."
"Look kinneth."
"Kung gusto mong makipaglaro,,,, wag ako."
"Salamat at paalam."

Bumaba na sa sasakyan si AJ. Mabilis nyang tinungo ang gate nila. Bubuksan na sana nya yun ng pigilan sya ni Kinneth.

"The hell I am playing. Joanna."
"Seryoso ako."

Wika ni Kinneth habang nakatitig sa mata ni AJ.

"Kinneth?"
"Joanna....Baebae ko?"

Napalingon sina AJ at Kinneth sa gilid nila. Nakatayo doon si Andrei.

*********













Continue Reading

You'll Also Like

15.9K 827 13
Camille Joy wants to end things with Jovert who she had once flirted with. However, she's still bothered by him. Desperate to get rid of Jovert, she...
8.9K 861 35
Wade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warre...
195K 6.1K 66
Meet Ryan Velasco, isang lalaki na pangarap maging isang babae. Natupad ang lahat nang nais nya nang sya ay makapagtapos at magkaroon ng sariling tra...
1M 35.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.