My Dream Gay

xtraordinaryjne द्वारा

120K 3.9K 301

Andrei Joanna Suarez dreaming to have a prince charming,a dream boy sabi ng iba.Pero pano kung ang prince cha... अधिक

Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
MDG: Character's Profile 1
MDG: Character's Profile 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter

Chapter 30

1.6K 58 11
xtraordinaryjne द्वारा





"Ibang level ka na."
"Mr. Loverboy."

Inakbayan ni Emman si Andrei pero mabilis din nyang inalis ang kamay nya sa balikat ni Andrei. Humarap sya kina Andrei at AJ. Lumapit sina Julius at Kinneth. Nasa kaliwa si Julius ni Emman habang nasa kanan naman si kinneth. Katapat nito si AJ. Mariin nyang tinititigan si AJ. Nakayuko lang si AJ dahil sa hiya.

Hawak-hawak ni Andrei ang kaliwang kamay ni AJ.

"Congrats. AM. Bro."

Pagbati ni Julius habang tinatapik nito ang balikat ni Andrei. Pinalipat-lipat ni Andrei ng tingin si Emman at Julius.

"Magtigil kayo."
"Wala akong napalang tulong sa inyo."

Napasipol si Emman at napaiwas ng tingin  si Julius dito.

"Magtagal sana kayo."

Napalingon sila kay Kinneth dahil sa sinabi nyang yun. Nagsalubong ang kilay ni Emman at Julius habang may pagkalito naman sa tingin ni Andrei. Napaangat ng ulo si AJ. Napadako ang mata nya sa mata ni Kinneth na kaharap lang nya.

"Anong ibig mong sabihin? Kin."

Tanong ni Julius. Kay kinneth lang na mukha sila nakatingin.

"Sabi ko."
"Magtagal sana si AM na maging karelasyon ang panget na lampa na yan."

Umiwas ng tingin si Kinneth kay AJ. Tiningnan nya ang mga kaibigan nya lalo na si Andrei. Nangunot lalo ang noo ni AJ habang di nya inaalis ang tingin kay Kinneth.

"Goodluck. AM."

Tinapik lang ni Kinneth ang balikat ni Andrei at umalis na sya pagkatapos. Naglakad sya habang nakalagay ang kamay nya sa bulsa ng pants nya.

Nilingon ni Emman at Julius si AJ. Tiningnan nila kung anong reaksyon nito. Nakita nila kung gano kagusumot ang mukha nito.

"Wag mo na lang pansinin yun. AJ."
"Bitter lang yun."
"Wala kasing girlfriend."

Pagpapakalma ni Julius kay AJ. Inikutan lang sya ng mata ni AJ. Inalis ni AJ ang kamay nya sa kamay ni Andrei at nauna ng maglakad.

"Follow her. Bro."

Wika ni Emman kay Andrei. Di sila gumagalaw sa kinatatayuan nila. Pinagmamasdan lang nila ang paglalakad ni AJ.

Di sinunod ni Andrei ang sinabing yun ni Emman bagkus ay nanatili lang sya sa kanyang kinatatayuan.

Bwisit na Kinneth yun!! Sinasabi ko na nga ba e. Pinaglalaruan lang nya ako kagabi.

Naguusok ang ilong ni AJ dahil sa inis. Grabe din ang panggigigil nya sa kanyang saklay. Habang naglalakad ay parang manunuwag na toro si AJ.

Napahinto si AJ ng makaharap na nya ang hagdan. Napatingin siya mula sa baba hanggang sa taas ng hagdan.

I can do it. Fighting!!

Pagpapalakas ni AJ sa kanyang sarili. Inilipat nya ang isang saklay sa kabila para mas madali syang makahakbang. Mahigpit ang kapit nya sa railings ng hagdan.

"Like I said before."
"Tawagin mo lang ako pag di mo kaya."

Napatuwid ng tayo si AJ ng marinig nyang magsalita si Kinneth sa likuran nya. Ramdam nya ang pagtitig ni kinneth sa kanya kahit na nakatalikod lang sya dito. Parang tumatagos yun sa kanyang kaluluwa.

Naglakad si Kinneth papunta sa harapan ni AJ ng di inaalis ang tingin dito. Dahan-dahang iniangat ni AJ ang ulo nya para tingnan si Kinneth. Nagsalubong ang kilay nya.

"Di kita kailangan."

Malutong na saad ni AJ. Napangiti si Kinneth dahil sa tinuran na yun ni AJ. Lalong nalukot ang mukha ni AJ.

"Yan din ang sinabi mo dati, pero anong nangyari?, kinailangan mo pa din."

Sagot ni kinneth. Nakapwesto sya sa ikatlong baitang ng hagdan. Nasa baba naman ng hagdan si AJ. Nakatunghay sya kay kinneth.

"Pagsinabing kaya ko, kaya ko."
"Get out of my way."
"Mr. Kinneth Philips."

Mataray na saad ni AJ. Seryoso ang tingin nya kay Kinneth. Matalim ito na parang kutsilyo.

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan bago muling magsalita si Kinneth.

"Okay."

Plain na sagot ni Kinneth. Tumalikod na sya kay AJ at nagsimula na syang umakyat. Nakatingin lang si AJ sa likod ni Kinneth habang umaakyat ito.

Nakalimang baitang na si Kinneth ng bigla syang huminto.

"I'm serious. Joanna."
"I'm deadly serious."
"Mahal kita."

Di malakas pero di rin masyadong mahina na saad ni Kinneth. Sa unahan pa din sya nakatingin. Di na nya nilingon si AJ.

Naglakad  na si Kinneth pagkatapos nyang sabihin yun. Natulala naman si AJ.

Sumasakit ang ulo ko sa mga pinag--

"Bae. Buhatin na kita."

Napalingon sya sa likuran nya ng makita si Andrei doon. Kasama nito si Emman at Julius.

Agad na binuhat ni Andrei si AJ. Di na nya inintay ang magiging sagot nito. Automatic namang ikinawit ni AJ ang kamay nya sa leeg ni Andrei. Iniabot naman ni Andrei kina Emmana ng saklay ni AJ para sila ang magdala.

Habang paakyat sila ng hagdan ay nakamasid lang sa taas si Kinneth. Pinagmamasdan lang nya si Andrei habang buhat nito si AJ.

Ako dapat ang nagbubuhat sayo.

Usal ni Kinneth. Di nya inaalis ang tingin nya sa dalawa. Nakasubsob lang ang mukha ni AJ sa dibdib ni Andrei dahil sa matinding hiya.

Nang mapansin ni Kinneth na malapit na sina Andrei sa taas, agad syang umalis at nagdiretso na sa paglalakad. May ibang estudyanteng binabati sya pero di nya ito pinapansin.

"Ibaba mo na ako."
"Kaya ko na. B-b--baebae."

Wika ni AJ na hirap na hirap bigkasin ang endearment nila. Nagblush pa sya pagkatapos nyang sabihin yun.

"Wahahahahahaha "

"Hahahahahahaha."

Napatingin si Andrei at AJ kina Emman at Julius na wagas kung makatawa.

"Para kayong teenager na ewan."
"Hahahaha."
"Grabe kayo mahiya sa isa't-isa."
"Hahahahaha."

Saad ni Emman na di pa din tumitigil sa pagtawa. Hawak nya pa ang tyan nya. Nakahawak sya sa railings ng hagdan. Si Julius naman ay nakatuon ang kaliwang kamay sa pader. Ang kanang kamay naman nya ay nasa tyan nya. Nangingilid na din ang luha nya dahil sa grabeng pagtawa.

Habang abala sina Emman at Julius sa pagtawa. Masama naman silang tinitingnan ni Andrei at AJ.

"Di kayo makakatawa ng ganyan pag hinulog ko kayo sa hagdan na yan at mabalian ng tadyang."

Seryosong-seryoso na saad ni Andrei. Tinuro nya pa ang hagdan. Agad na napahinto ang dalawa sa pagtawa. Napatingin sila sa hagdan.

"Chillax. Dude."
"We're just having fun."

Wika ni Emman. Itinapat pa nya ang dalawa nyang kamay sa harap ni  Andrei.

"Having fun?"
"Eh kung matuwa din akong balian kayong dalawa."

Saad pa ni Andrei. Sabay na itinaas ni Emman at Julius ang dalawang kamay nila. Hudyat na suko na sila.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Kusa namang tumatabi ang mga estudyante na nasa may corridor

"Ang swerte nya."
"Biruin mo...."
"Girlfriend sya ni Andrei...."
"Isa sa prince 4."
"God!!! Kainggit sya!!"

Malakas na saad ng isang estudyanteng nalampasan nila. Nagkatinginan naman si Emman at Julius at nagngitian ng marinig yun.

Jusko!!! Di ko alam kung pano ko nagagawa ang mga bagay na ito. Kahit sa sariliketch ay kinikilabutan ako.

Pagwawala ni Andrei sa utak nya. Napalingon sya kay AJ na katabi nya. Nakayuko pa din ito.

Baebae..... Nakuha ko lang sa word na "bestfriend" at "babe". Ang baduy pero ang cute din namang pakinggan.

Saad ni Andrei sa utak niya. Ang totoo ay nakuha nya ang endearment na yun kahapon habang pauwi sya sa kanila. Kinuha nya yun sa salitang "bestfriend" at "babe".

Pinadulas ni Andrei ang kamay nya sa bewang ni AJ. Hinigit nya ito palapit sa kanya. Gulat na gulat naman ang reaksyon ni AJ ng tingnan nya si Andrei.  Matamis na ngiti lang ang pinakita ni Andrei. Magkaakbayan naman si Emman at Julius sa likod nila at malokong nakangiti.

"It's a celebration."

Wika ni Emman habang di inaalis ang tingin kina Andrei at AJ. Napalingon si julius kay Emman.

"Yeah. Later."
"Nangangamoy Haven Bar."

Pilyong ngiti ang nakasilay sa mukha ni Julius. Binanggit pa nya ang paboritong bar nila.

Nagapir sa isa't-isa si Emman at Julius.

Pagpasok sa room nila ay nagdiretso na sila sa upuan nila. Kita nilang nakapikit si Kinneth. Nakatukod ang siko nito sa lamesa at naka patong ang pisngi nya sa palad nya. Bored na bored ang itsura nya.

Walang imik naman ang mga kaklase nila. Pinagmamasdan lang ang kanilang kilos habang umuupo sila sa kanilang upuan.

---

"Queen."
"Sila na."
"What's our plan."
"We need to do something."

Tanong ni Ingridd. Nasa gym sila sa locker room. Naglilinis sila. Napahinto si Chienna at Clairrene sa pagmamap ng sahig. Lumapit sila kay Ingridd na nakasandal sa locker.

Napahinto si Shane sa pagwawalis at hinarap ang tatlo nyang kaibigan.

"Relax girls."
"Nakaplano ang lahat."
"Just wait for the perfect time."

Ngumiti si Shane. Ngumiti ang tatlo sa isa't-isa. Nagapir sila at bumalik na din sa ginagawa nila.

Magenjoy ka ngayon pero darating ang panahon na iyak ang mararanasan mo. Andrei Joanna Suarez.

Wika ni Shane sa kanyang utak. Maarte nyang tinatap ang mga daliri nya sa braso nya. Nakataas din ang isang kilay nya.

---

"Anong gusto mong kainin? Baebae?"

Napalingon si AJ kay Andrei. Tapos na ang klase nila. Nasa corridor sila at patungo na sa cafeteria para kumain ng lunch.

Ang lakas makablush ng baebae nya. Gosh!! Nahihiya ako!!

Sambit ni AJ sa utak nya. Di nya mapigilan na mahiya  everytime na maririnig nya si Andrei na tinatawag sya sa endearment nila na yun. Bumibilis din ang tibok ng puso nya.

"Bae?"

Tawag ni Andrei muli kay AJ. Napahinto si AJ sa paglalakad at nilingon si Andrei.

"H-ha?"

Hirap na hirap na sagot nya. Napangiti si Andrei ng makita nya ang mukha ni AJ.

"Nahihiya ka ba?"
"Ang cute mo. Bes--... Baebae."

Pinisil ni Andrei ang pisngi ni AJ. Para namang dumaloy sa katawan ni AJ ang bolta-boltaheng kuryente ng gawin yun ni Andrei.

"Ewan ko sayo."

Iniwas ni AJ ang mukha nya at nauna ng naglakad kay Andrei. Dinig nito ang pagtawa ni Andrei.

"Ang cute mo talaga. Baebae ko."

Saad ni Andrei. Lalo namnag namula ang pisngi ni AJ dahil sa narinig nya. Tinungo pa nya ang mukha nya para itago ang mukha nyang pulang-pula.

Bwisit kang bakla ka. Ginayuma mo ata ako. Alam kong bakla ka pero bakit ang lakas pa din ng appeal mo sa akin.

Napahinto muli sya ng matapat na naman sya sa hagdan.

"Halika na."
"Baba na tayo."
"Baebae ko."

Walang pasabi ay binuhat na sya ni Andrei. Di nya agad napansin na nasa likod na pala nya ito.

"Bruha ka."
"Anong drama ba ito?"

Seryosong wika ni AJ. Napatingin si Andrei dito. Huminto sila sa pagbaba. Nasa kalagitnaan sila ng hagdan.

"Enjoyin na lang natin."
"Bestie."

Wika ni Andrei.

Sa narinig na yun ni AJ parang may napunit sa puso nya na di nya maipaliwanag.

Nagtitigan sila saglit. Ngumiti pa ng pilit si AJ para ikubli ang sakit na nararamdaman nya.

Nagpatuloy na sila sa pagbaba ng hagdan. Ibinababa na din ni Andrei si AJ ng marating na nila ang dulo.

Walang imik na naunang naglakad si AJ. Nagtutubig na ang kanyang mata at ayaw nyang ipakita kay Andrei yun. Ayaw nyang ipaalam sa bestfriend nya ang nararamdaman nya. Takot sya. Takot na layuan sya nito.

Pinagmamasdan lang ni Andrei si AJ habang naglalakad ito sa kanyang unahan. Napahinto sya sa paglalakad ng kita nyang huminto din si AJ sa paglalakad.

"Andrei."

Tawag ni AJ dito. Napasinghap si Andrei ng marinig yun. May kakaiba sa tawag na yun. Di nya mawari kung ano pero biglang huminto ng ilang segundo ang pagtibok ng puso nya.

"Sige."
"Let's just enjoy this relationship."

Nakangiting nilingon ni AJ si Andrei pero mabilis din nya itong iniiwas. Sa pagharap nya sa unahan ay may luhang naglandas sa kaliwang mata nya. Mabilis nyang pinunasan yun.

Ang sakit pero dahil sa sakit na nararamdaman ko.... Nalaman kong mahal ko na talaga sya.

Pinikit ni AJ ng madiin ang mata nya para pigilan ang muling paglabas ng mga luha nya.

Habang patuloy sa paglalakad si AJ ay nanatili lang si Andrei sa kanyang kinatatayuan. Nakaramdam sya ng matinding sakit ng marinig nya yun mula sa bestfriend nya. Nahihirapan syang huminga at parang ang bigat sa loob ng mga narinig nya.

Ano bang nangyayari sa akin?

********

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

15.6K 262 183
Bible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verse...
105K 4.9K 44
"All she wanted was to be genuinely cherished." Others see Ara Cee Concepcion as nothing more than a spoiled brat. But in fact, she can be down to e...
13.1K 636 106
Allie Rose Garcia, is a girl with a jolly personality, lovable and an always positive girl, but.. that was all before when she think no one will leav...