My Dream Gay

By xtraordinaryjne

120K 3.9K 301

Andrei Joanna Suarez dreaming to have a prince charming,a dream boy sabi ng iba.Pero pano kung ang prince cha... More

Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
MDG: Character's Profile 1
MDG: Character's Profile 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter

Chapter 24

1.5K 50 0
By xtraordinaryjne






Tok tok tok tok

Napalingon si AJ sa pinto ng kwarto nya. Ilang araw na din syang nakatengga sa loob ng kwarto nya. Kulang na lang ay amagin na sya doon. Minsan lang sya makalabas ng kwarto nya dahil na din sa kundisyon ng paa nya.

"Mam Joanna."
"Ito na po ang lunch nyo."

Saad ng katulong kay AJ habang binubuksan ang pinto at dahan-dahang pumapasok.

"Sige po."
"Pakilapag na lang po sa study table."
"Di pa po ako gutom."
"Maya ko na lang po kainin yan."

Wika ni AJ na nakahiga pa din sa kanyang kama. Nakapikit din ang mga mata nya.

"Naku. Mam."
"Kumain na po kayo."
"Kailangan nyo pong uminom ng gamot."

Pamimilit ng katulong kay AJ. Mahigpit kasi talagang bilin ng magulang ni AJ na dapat ay kumain sya sa takdang oras dahil na din sa paginom nya ng gamot. Para mabilis ang paggaling ng paa nya.

"Manang."
"Okay na po ako."
"Di na din po masakit ang paa ko."
"Umatake lang po ang sobrang pagkapraning nina nanay at tatay."

Saad ni AJ. Umupo na sya sa kama nya. Naisandal din nya  sa headboard ng kama nya ang likod at ulo nya. Napahinga ng malalim ang katulong. At napakamot na lang ng ulo dahil sa sinabi ni AJ.

"Sige po mam."
"Basta po kakainin nyo po ang lunch nyo."
"Balik po ako mamaya."

Yun na lang ang nasabi ng katulong. Napangiti ng malawak si AJ.

"Sige po manang."
"Salamat po."

Masiglang saad ni AJ. Malawak din ang ngiti nya. Para syang nakalaklak ng energy drink. Tumango lang ang katulong sa kanya at ngumiti ng pilit bago ito lumabas ng kwarto.

Nang makalabas ang katulong ay napatingin si AJ sa pagkain na nakapatong sa study table nya.

Buong araw na naman akong ganto. Nakakasawa na. I need to do something.

Saad ni AJ sa utak nya habang pinagmamasdan ang pananghalian nya. Tanghaling tapat na at araw ng byernes. Isang linggo na syang nasa bahay. Isang linggo na syang nabuburo sa kwarto nya.

Naipaling ni AJ ang kanyang ulo sa side table. Napatingin sya sa phone nya.

Kamusta na kaya ang bruhang yun?

Tanong nya sa utak nya. Ilang araw na din na wala syang contact kay andrei na bestfriend nya. Tinetext nya naman ito pero ni isang reply o tawag ay wala. Di tuloy mapigilan ni AJ na maguilty at malungkot. Naiinis din sya sa sarili nya. Naiinis sya dahil sa naging sagot nya kay andrei. Alam ni AJ na isang pagpapanggap din ang pagalok ng bestfriend nya sa kanya bilang maging girlfriend pero tinanggihan pa din nya ito.

Kinuha ni AJ ang phone nya at nagtype ng text para kay Andrei.

"Hoy!! Bruha!! Bakit di ka nagrereply?---Joanna"

"Textback.--- Joanna"

"May isang malakas na sampal ka sa akin pag nagkita tayo. Di mo na ako binibisita. Bored na bored na ako sa kwarto ko.--- Joanna."

Sunod-sunod na text ni AJ kay Andrei. Pabagsak nyang ibinaba ang phone sa kama. Nagsalubong din ang kilay nya.

Mabilis na naipaling ni AJ ang ulo sa phone nya. Tumunog kasi yun. Napatuwid sya sa kinauupuan nya. Mabilis nya ding inabot ang phone nya.

Tumatawag na ang bruha kong bestfriend. Mamumura ko talaga ito. Lagot sya sa akin.

Wika ni AJ sa utak nya habang kinukuha ang phone nya.

Napahinto si AJ ng makitang di pala si Andrei ang tumatawag kundi ang ina nya.
Naipikit nya ang mata nya. Nagbuntong hininga din sya bago sagutin ang tawag.

"Hello?"
"Nanay?"

Bungad ni AJ ng pindutin na nya ang answer botton. Dinig ni AJ ang ingay sa kabilang linya.

"Nak. Kumain ka na ba?"
"Yung gamot mo nainom mo na?"

Tanong ni tita luisa sa anak nyang si AJ. Napaikot ng mata si AJ sa naging tanong ng kanyang ina. Di talaga sya makalulusot sa kanyang magulang.

"Kakain palang nay."
"Wag nyo na po ako alalahanin."
"Okay na po ako."
"Gusto ko na nga pong pumasok."
"Nababato na po ako sa kwarto ko."

Pagrereklamo ni AJ sa kanyang ina sa kabilang linya. Natahimik naman ang kanyang ina. Tumahimik na din si AJ. Iniintay nya ang isasagot ng kanyang ina.

"Nak."
"Joanna.."
"Alam mo naman, di ba?"
"Di pa pwede.."
"Sige na. Kumain ka na para makainom ka na ng gamot mo."
"I love you anak."

Kalmadong sagot ni tita luisa kay AJ. Napabuntong hininga si AJ ng maibaba na ng kanyang ina ang tawag. Matapos noon ay maingat syang umalis sa kama at nagpunta sa study table para doon na kumain. Humawak na lang sya sa pwede nyang hawakan. Di na sya gumamit ng saklay.

---

Mabilis lumipas ang oras. Alas sais na ng hapon. Napagpasyahan ni AJ na lumabas sa kanyang kwarto. Inabot nya ang saklay na nakasandal sa may gilid ng kama nya.
Medyo nasasanay na sya sa paggamit noon. Mabagal nga lang ang kanyang paglalakad.

Napahinga ng malalim si AJ ng matapat na naman sya sa hagdan nila. Sa hagdan lang talaga sya sobrang nahihirapan.

Magsisimula na dapat bumaba si AJ ng napahinto sya dahil nagsalita ang kapatid nyang si Jacob sa likod nya.

"Ang tanda mo na ate pero ang tigas pa din ng ulo mo."

Napailing pa si Jacob ng sinabi yun. Tinaasan naman ni AJ ng kilay ang kapatid nya ng lingunin nya ito.

"Di ko kailangan ng opinyon mo."

Mataray na saad ni AJ sa kanyang kapatid. Di na nya pinansin ang kanyang kapatid na nasa likod nya. Bumaba na sya ng hagdan. Nakakaisang baitang palang si AJ ng tulungan sya ng kapatid nya. Napatingin sya sa mukha ni Jacob at palihim na napangiti.

Concern pa din ang loko.

Untag ni AJ sa kanyang utak habang pinagmamasdan ang mukhang kapatid nya.

Saktong pagbaba nila ng hagdan ay bumukas ang pinto at pumasok ang magulang nila.

"Good evening po. Nay. Tay."

Nakangiting bati ni AJ. Nakakawit ang kamay nya sa balikat ng kapatid nya. Lumapit sa kanila ang magulang nila at hinalikan sila sa pisngi.

"Good evening mga anak."

Bati ng ina nila. Nagmano si AJ at Jacob sa kanilang magulang. Sabay-sabay silang naglakad papuntang living room para makapagpahinga sa may sofa.

"Joanna. Anak."
"Kamusta na ang paa mo?"
"Iniinom mo ba sa oras ang gamot mo?"

Tanong ni Tito Johnny sa kanyang anak na si AJ ng makaupo na sila sa sofa.

"Yes. Tatay."
"Okay na po ako."
"Ang totoo po nyan ay kaya ko nang pumasok ulit sa school."

Wika ni AJ. Nagkatinginan ang magulang nila. Pinupush talaga ni AJ ang gusto nya. Ang kagustuhan na nyang pumasok kahit na may cast pa din ang paa nya. Sa kabilang linggo pa aalisin ang cast ng paa nya para makasigurado na tuluyan ng gumaling ang sprain nya.

"Nak. Nag-us----"

"Nay. Alam ko po yun. Pero gusto ko na po talagang pumasok."
"Ang dami ko na ding namimiss na lessons namin."
"Mahirap maghabol."

Putol ni AJ sa dapat sasabihin ng kanyang ina. Seryosong tinitigan ni AJ ang kanyang magulang na kaharap lang nya. Sa kabilang sofa nakaupo ang magulang nila at katabi nya ang kapatid na si Jacob.

"Joanna."

Tawag ng kanya ama sa kanya. Tinitigan ni AJ ang kanyang ama.

"Tay. Kaya ko po ito."

Pagaassure ni AJ. Napapikit ng mata ang kanyang ama at nagbuntong hininga.

"Okay. Sige."
"Sa monday ihahatid kita sa school."

Pagpayag ng kanyang ama. Umaliwalas ang mukha ni AJ. Abot tenga ang ngiti nya.

"Thank you po."
"Tatay."
"Nanay."
"I love you both."

Masiglang wika nya. Napangiti ang magulang ni AJ habang iiling-iling lang sa tabi nya ang kapatid nyang si Jacob.

---

Yes!! Excited na ako para bukas. Makakapasok na ulit ako.

Pagdidiwang ni AJ sa kanyang utak. Linggo ng gabi na. Nasa kwarto sya at nakahiga. Ayos na din ang gamit nya para bukas. Naging matulin lang ang araw. Araw ng sabado ay nasa bahay lang si AJ. Naging masunurin sya sa kanyang magulang at maging sa mga katulong. Nagpagood shot sya kaya naging mabait sya.

Maitext nga si bruha.

Saad nya sa utak nya habang masayang inaabot ang phone nya.

"Hey. Papasok na ako bukas. Kitakits.--- Joanna."

Text ni AJ kay andrei. Matapos nyang magtext ay binalik nya ulit sa table ang phone at masayang tinitigan lang ang kisame ng kwarto nya. Alam kasi ni AJ na di naman magrereply si Andrei sa kanya. Di pumalya si AJ na itext si Andrei pero kahit isang reply lang ay wala syang natanggap.

---

"Hey bro. Di ka pa ba uuwi?"
"Gabi na. May pasok pa tayo bukas."

Tanong ni Julius kay Andrei. Inisang lagok ni Andrei ang alak na nasa baso nya. Nasa isang bar sila. Wala pa ring tigil si andrei sa paginom. Pinagmamasdan lang sya ng mga kaibigan nya. Si Emman, Julius at kinneth. Sobrang stress si Andrei at di nya alam ang gagawin kaya dinadaan na lang nya sa inom.

"Umuwi kayo kung gusto nyo."
"Tsupe!!"
"Iwan nyo na lang ako dito."

Saad ni andrei habang tinititigan ang alak na nasa baso nya.

"Bro."
"Di ka namin pwedeng iwan dito."
"Tara na."

Wika ni Julius. Hinawakan nya ang siko ni Andrei at pilit na itinatayo. Marahas na inalis naman ni Andrei ang kamay ni Julius sa siko nya.

Nagpatuloy si Julius sa paghigit kay andrei. Napahinto lang sila ng biglang tumunog ang phone ni Andrei na nasa ibabaw ng lamesa. Napatingin sila doon. Dinig nina Emman, Julius at kinneth ang pag"tsked" ni andrei. Nagkatinginan ang tatlo.

Si Emman ang kumuha nung phone ni andrei. Nang makita nya kung sino ang nagtext ay napatingin sya kina Julius at kinneth. Sinulyapan nya din si andrei na umiinom.

"AM. Nagtext si AJ."

Kalmadong saad ni Emman. Ibinaba ni andrei ang baso nya at mariin na tinitigan si Emman.

"Wala ng bago dyan."
"Hayaan mo sya."

Seryosong saad ni andrei. Marahas nyang ininom ang alak sa baso nya. Napailing na lang si Emman. Binuksan na nya ang text ni AJ.

"Hey. Papasok na ako bukas. Kitakits.--- Joanna."

Malakas na basa ni Emman sa text ni AJ. Nagkatinginan si Emman at julius. Wala namang pakialam si Andrei. Abala lang sya sa alak nya. Napatingin naman si Kinneth sa phone ni Andrei.

Bruha ka talaga bestie!! Manigas ka dyan!!

Nangigigil na saad ni andrei sa kanyang utak habang humahagod sa kanyang lalamunan ang alak na kanyang iniinom.

"Papasok na sya bukas?"
"Di pa magaling ang paa nya."
"Hindi ba?"

Nagtatakang wika ni julius. Kina Emman at Kinneth sya nakatingin. Nagkibit balikat lang si Emman. Wala namang reaksyon si Kinneth. Dedma lang sya.

Tumagal pa sila ng kalahating oras sa bar ng mapapayag na nila si andrei na umuwi.
Si Kinneth na ang naghatid kay andrei.

"AM."
"Ano bang nangyayari?"

Tanong ni Kinneth kay Andrei. Nag mamaneho si Kinneth. Nakapikit naman si Andrei sa kanyang tabi.

"Wala to."
"Naiistress lang ako."

Plain na sagot ni Andrei na medyo paos. Nakapikit at nakasandal ang ulo sa upuan.

Matapos ang sagot na yun ni Andrei ay di na sila nagimikan. Naging tahimik lang ang byahe.

---

"Nay. Papasok na po ako."

Masayang paalam ni AJ sa kanyang ina. Nasa may living room sila. Katatapos lang nilang kumain ng almusal. Maagang umalis ang ama ni AJ dahil nagkaroon ng emergency meeting  sa opisina. Kaya di na sya naihatid. Wala namang pasok ang kanyang kapatid dahil may dadaluhan na conference ang mga guro sa school nila.

Tumayo ang ina ni AJ at inalalayan syang tumayo at maglakad palabas. Maagang nagising si AJ dahil sa sobrang kasabikan na pumasok muli.

"Kinneth Philip?"
"What are you doing here?"

Mataray na saad ni AJ kay kinneth. Nakataas din ang kilay nya. Nang makalabas sila ng gate ay nakita nila si Kinneth na nakasandal sa kotse. Nakasuot din ito ng shades.

Cool na cool na inalis ni Kinneth ang shades nya at tiningnan si AJ.

"Sinusundo ka?"

Lalong napataas ng kilay si AJ dahil sa naging sagot ni Kinneth.

"What?!"

Mataray na wika ni AJ. Di pa din nya ibinababa ang kilay nya.

"Pinapasundo ka sa akin ni AM."


************


Continue Reading

You'll Also Like

106K 2.8K 34
Kapag ba ang isang bakla na-amnesia, ma-aalala pa rin ba nyang bakla siya dati? Sana hindi." Yan ang isa sa mga katanungan at kahilingan ng babaeng h...
123K 3.3K 25
I woke up feeling like my head is going to burst anytime. I don't know what happened but as far as I can remember I'm at Eston's place with my school...
15.9K 827 13
Camille Joy wants to end things with Jovert who she had once flirted with. However, she's still bothered by him. Desperate to get rid of Jovert, she...
38K 1.1K 20
PROLOGUE A simple night for everyone is a disaster night for the two of them. A HANDSOME GAY and A BROKEN HEARTED GIRL No one expected what happened...