Dedicated to: AngelMarieSantos3
Chapter 46: The Annual Maze Runner (Day 2)
Jewel's POV
Pag sikat ng araw ay agad na kaming umalis sa kweba, buong gabi namang naging mapayapa at walang umatake sa aming grupo.
Ngayon naman ay nagpasya kaming maghanap ng sapa o kahit ilog man lang upang makapaglinis kami ng katawan namin.
Medyo humihilab na rin ang sikmura ko pero ayoko muna kumain dahil bukod sa limitado lang ang pagkain namin, mahirap rin makipag laban habang mabigat ang sikmura.
Habang naglalakad kami ay may natanaw akong ilog at mukhang mabagal lang ang agos ng tubig doon, agad kong tinawag ang mga kaibigan ko para yayain sila sa nakita ko.
Nagmadali kaming pumunta sa ilog at nung nakarating na kami ay naramdaman kong kuminang ang mga mata ko dahil napaka linaw ng tubig at napaka presko ng simoy ng hangin.
Bago kami maligo ay ikinumpas ko ang kamay ko at pinalubutan ko ang buong ilog ng mga poison vines. Matulis ito at kapag natusok ka ay maaari mong ikamatay ang lason nito. Gusto ko lang naman makasigurado na ligtas at walang ibang tao na malapit sa ilog, upang hindi maantala ang paliligo naming apat.
Muli kong ikinumpas ang aking mga kamay at lumabas doon ang aking mga alagang seekers. Ito ay mga small ornament na kikilos para hanapin yung mga taong posibleng malapit lang sa pwesto namin.
"Tara na sa ilog habang wala pang tao. Nanlalagkit na pakiramdam ko." Sagot ni Skye.
Nagsimula na kami lumusong sa ilog para maghilamos ng aming katawan.
Sobrang sarap sa pakiramdam ang pagdampi ng presko at malamig na tubig sa katawan ko, parang lahat ng pagod at sakit ng katawan ko kahapon ay nawala dahil sobrang nakaka-relax ang magbabad sa ilog na ito.
Ipinikit ko ang mga mata ko para sandaling namnamin ang buong kapaligiran, kinuha ko na rin ang pagkakataon na ito para hanapin sa isipan ko ang mga alaga kong seekers.
Nakita kong patuloy na naghahagilap ang mga alaga ko, ngunit naka-agaw sa pansin ko ang mga kalalakihan na may mga armas at mukhang papunta sa ilog na ito.
Agad ko iminulat ang aking mga mata at sinenyasan ang mga kaibigan ko na umahon na at mag ayos dahil may paparating na mga tao.
"Sino?" Pagtatanong ni Kate.
"Puro mga lalaki at may mga armas." Pag sagot ko.
Nang makapag ayos na kami ay pumulot ako ng malaking dahon upang tawagin ang mga alaga ko, ayoko kasing iwan ko sila dito sa gubat.
Nang makabalik na ang mga alaga ko ay agad naming sinimulan ang paglalakbay para hanapin ang apat na espada.
---------------------------------------------------------------------
Tirik na tirik ang araw at mula kaninang umaga ay wala pa kaming kain kaya nagpasya kaming huminto sa isang malaking puno na may naglalakihang mga dahon.
Inilabas ko mula sa aking bag ang apat na piraso ng biskwit at tubig, kailangan kasi namin mag tipid dahil base sa aking naobserbahan ay wala akong masyadong makita na mga ligaw na hayop o kahit mga prutas man lang.
Nang matapos na kami kumain ay agad namin nilisan ang lugar na iyon dahil ayon sa aking mga alagang seekers ay may mga kalalakihan na patungo sa kinaroroonan namin.
Nakapagtataka lang na kanina pa sila sumusunod saamin mula nung nasa ilog pa lang kami, pero hindi ko maiwasan na mag alala dahil armado ang mga ito at higit sa lahat ay hindi namin sila kilala. Hindi namin alam kung ano ang plano nila saamin kaya maganda talaga na manatili kaming alerto sa kahit na anong oras.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa pinahinto kami ni Rain at seryoso itong nakatingin sa may likuran namin, lumingon rin ako at bigla kong naramdaman ang maraming presensya ng mga tao. Nag sensyasan lang kaming apat para maging invisible kami at walang makakita o makaramdam ng aming presensya.
Lumabas mula sa nagtataasang mga damo ang limang kalalakihan na may bitbit na malalaking baril, nagpalinga linga sila at makikita mong nabubuo ang mga katanungan sa kanilang mga isipan.
"Saan na napunta ang mga iyon? Hindi ba't sabi mo ay dito sila dumaan?" Inis na sabi nung isa.
"Alam kong dito sila dumaan kanina dahil naramdaman ko ang presensya nila at isa pa makikita mo sa lupa ang bakas ng kanilang mga sapatos kaya kampante ako sa sinagot ko saiyo." Pagsagot naman nung isa.
"Malilintikan tayo nito at nawala sila sa paningin natin, maghiwa hiwalay tayo para hanapin sila." Pag utos naman nung isang lalaki.
Dahil hindi nila kami nakikita ay pinagpatuloy pa rin namin ang paghahanap sa apat na samurai, tsaka na lang namin sila poproblemahin kapag may ginawa na sila saamin.
Medyo nakalayo na kami sa mga lalaki kanina nang may sumulpot na malaking agila, sobrang lakas ng hangin dahil sa kaniyang pakpak at makikita mong galit na galit ito.
Nagtinginan kaming apat at tumango senyales na tatapusin namin ang ibon na ito.
Ikinumpas ko ang aking mga kamay at mula sa ilalim ng lupa ay lumabas ang mga naglalakihang ugat ng mga puno, pinipilit kong abutin ang agila para
matigil nito ang malakas na hangin.
Nang maabot ko na ang agila ay inilabas ko ang mga nakatagong tinik sa ugat na iyon para tumusok ito sa agila, humuni ito nang sobrang lakas kaya napatakip ako sa aking tenga. Nakaririndi yung tunog dahil may pagka-matinis ang huni niya.
Nakita ko si Rain na kinokontrol ang mga ulap, mukhang binabalak nitong paulanan ng asido ang agila para tuluyan na itong manghina. Samantala si Kate naman ay naglabas ng mahabang linya ng apoy at pinalibutan nito ang agila, balak niya ata na sunugin ito para maging ulam namin mamaya. Si Skye naman ay kinokontrol nito ang hangin, nakausap ko siya kanina at nabanggit nito na aalisin niya ang oxygen pero ang agila lamang ang maapektuhan. Matapos ang ilang minuto ay walang buhay na ito na nakahandusay sa sahig, halos hindi na makilala dahil sunog ang buo nitong katawan.
"Ang brutal niyo naman." Naiiling na sabi ni Skye habang pinagmamasdan ang katawan ng agila.
"Ayon dito sa libro, ang ibon na ito ay nagtataglay ng kakaibang klase ng dugo." Pagsagot ko.
Agad kong kinuha sa aking bag ang isang syringe, kinuhanan ko ito ng dugo tsaka ko inilagay sa isang maliit na botelya.
"Aanhin mo dugo niyan, Jewel?" Naguguluhang tanong ni Kate.
"Gagamitin ko lang bilang isa sa mga sangkap sa eksperimento ko." Nakangisi kong sagot.
Nagsimula muli kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa mas matatayog na puno pero kulay ginto ang dahon nito.
"Ito na yung lugar na sinasabi ni HeadMaster, hindi ko inaasahan na ganito pala kaganda ang dahon ng mga puno na ito." Namamanghang
sambit ni Kate.
"Ang dami nitong mga puno, sana mahanap natin agad yung mga samurai para mabilis tayong makabalik." Nag aalalang sabi ni Rain.
Sinimulan na namin ang paghahanap sa apat na samurai nang biglang...
------------------------------------------------------------
TO BE CONTINUED...
HELLO!! ITS BEEN 8TH MONTHS SIMULA NUNG HULING UPDATE KO >__<
SOBRANG PASENSYA TALAGA DAHIL NAGING BUSY AKO NGAYON DAHIL SA THESIS AND WORK IMMERSION NAMIN, NGAYON NA LANG AKO NAKAPAG-UPDATE DAHIL BAKASYON NA NAMIN :D
ITS BEEN REALLY HARD FOR ME NA ITULOY YUNG PAG UPDATE SA STORY KASI SOMETIMES NAE-EXPERIENCE KO YUNG TINATAWAG NILANG "WRITER'S BLOCK." MGA PAGKAKATAONG WALA KANG MAISIP NA SENARYO PARA SA GINAGAWA MONG KWENTO.
PERO TATAPUSIN KO PA RIN TALAGA 'TONG CRYSTAL ACADEMY PARA MAJUSTIFY NAMAN ANG ENDING NITO HAHAHAHAHAHAHA.
SA MGA OLD READERS KO DYAN WAYBACK YEAR 2016, SHOUT OUT SAINYO :))
SA MGA NEW READERS KO, WELCOME SA AKING STORY, ISA KA NG GANAP NA CRYSTALLIANS!!
I HOPE NAGUSTUHAN NIYO ANG NEW UPDATE KO, DON'T EXPECT NA MAKAKAPAGUPDATE AKO AGAD PERO I'LL TRY MY BEST OKI?
STAY SAFE.
TAKE CARE OF YOURSELVES.
SEE YOU SA NEXT UPDATES.
UPDATE: JULY 6 2021