Crystal Academy: The Four Los...

By FlameSkyeLopez

613K 15.2K 665

Crystal Academy ay isang paaralan na para sa lahat ng mga taong may espesyal na katangian sa kanilang katawan... More

PLEASE READ (PART1)
Prologue
Chapter 1: Busy
Chapter 2: Missing (Part 1)
Chapter 3: Missing (Part 2)
Chapter 4: Missing (Part3)
Chapter 5: Introduction (Diamond Kingdom)
Chapter 6:Introduction (Emerald Kingdom)
Chapter 7: Introduction (Sapphire Kingdom)
Chapter 8: Introduction (Pearl Kingdom)
Chapter 9: Welcome To Crystal Academy (Part 1)
Chapter 10: Welcome To Crystal Academy (Part 2)
Chapter 11: First Day Of School
Chapter 12: Meet The Royalties (Part 1)
Chapter 13: Meet The Royalties (Part 2)
Chapter 14: Questions
Author's Note
Chapter 15: Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 16: Terror Teacher
Chapter 17: Preparing For The Duel
Chapter 18: Kate Hernandez Vs. Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 19: Skye Lopez Vs. Ms. Sunako Yamasaki
PLEASE READ THIS
Chapter 20: Rain Martin Vs. Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 21: Jewel Scott Vs. Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 22: Eurydice Valerio
Chapter 23: Unlocking Powers and Abilities
Chapter 24: The Mystery Book
ATTENTION
Chapter 25: Stalking (Part 1)
Chapter 26: Stalking (Part 2)
Chapter 27: Stalking (Part 3)
Chapter 28: Unveiling The Truth
Chapter 29: The UnderGround World
Chapter 30: First Mission
Chapter 31: Going Back To Mortal World
Chapter 32: Cambria Twins
Chapter 33: The New Student
Chapter 34: Aloof Twins
Chapter 35: Caught Off Guard
Chapter 36: The Clones
Chapter 37: The Dark Plan
Chapter 38: Go Hard Or Go Home (Part 1)
Chapter 40: Preparation For The Annual Maze Runner
Chapter 41: Extreme Training (Part 1)
Chapter 42: Extreme Training (Part 2)
Chapter 43: Extreme Training (Part 3)
NOTICE ME‼️
Chapter 44: Extreme Training (Part 4)
Chapter 45: The Annual Maze Runner (Day 1)
Chapter 46: The Annual Maze Runner (Day 2)

Chapter 39: Go Hard Or Go Home (Part 2)

8.1K 260 26
By FlameSkyeLopez

Chapter 39: Go Hard Or Go Home (Part 2)

Jewel's POV

Akmang susugurin na kami ni Arohi nang biglang sumulpot ang mga itim na kaluluwa.

"Umalis na tayo dito, sila na ang bahala saatin." Sigaw ni Johan.

Ito pala ang kapangyarihan nila.

Kaya pala nila magsummon ng mga kaluluwa, napaka angas.

Tumakbo agad kami sa likurang bahagi ng bahay ko kung saan nandoon ang malaking puno na magiging portal namin.

"Yohan and Johan, kayo ang magbukas ng portal, alam niyo raw yan." Hinihingal na sabi ni Skye.

"Kami na bahala sa mga asungot na susunod saatin." Nakangising sabat ni Kate.

Napatango na lang ang dalawa at pumwesto na agad sila sa malaking puno.

Kusang kumilos ang katawan ko at kumawala sa mga kamay ko naglalakihang mga sanga ng tinik.

Isinawalang bahala ko na ito kahit punong puno ng pagtataka aking isipan sa kung paano ako nagkaroon ng ganoon.

Biglang nagteleport ang apat na babae sa harap namin at ngumisi sila.

Bigla silang nagpakawala ng mga dagger kaya hinarang ko ang mga sanga ng tinik na lumabas saakin.

Nakita ko na lang na nagpakawala ng mga nag aapoy na bola si Kate at binato iyon sa apat.

Agad na may dinukot si Arohi sa bulsa niya at bigla itong hinagis saamin.

Umusok ang kapaligiran namin kaya ang ginawa ni Skye ay nagpakawala siya ng mga ipo ipo.

Nawala na ang usok kaya inalerto namin ang mga sarili namin.

Nakita kong nagpakawala si Rain ng mga kidlat at pinatamaan nito ang dulong bahagi ng likod bahay ko.

"Sorry, Jewel. Nakita ko kasi sila doon." Kamot ulong sabi ni Rain.

Agad akong nagteleport papunta kila Yohan at Johan at pinalibutan ko ang pwesto nila ng mga baging para hindi sila malapitan nung apat na mga babae.

Bumalik ako sa pwesto namin kanina at nagsimulang magpakawala ng kulay itim na bola si Relaira.

Sa sobrang bilis nilang umatake ay nadaplisan ako sa balikat kaya napaatras ako.

Nagaalalang tumingin saakin ang mga kaibigan ko pero nginitian ko sila.

Nagpakawala ako ng mga tinik at mabilis ko itong inatake kila Arohi.

Ngumisi yung tatlo kong kaibigan at tumango.

They choose to go hard instead of going home kaya inipon ko ang buong lakas ko tsaka ko binuo ang kulay berde na bola na may mga tinik sa loob.

Napakatingkad nito pero paniguradong masakit ang tama nito.

Nakita kong nakahanda na rin ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Kate na nakangisi.

Highschool pa lang kami pero tuwang tuwa talaga si Kate pagdating sa mga fantasy genre movies lalo na kapag may mga special effects ito.

Nangarap siya magkaroon ng ganoon at ngayon napasakamay na niya ang ability na yun.

Pinagsamang red and violet ang kulay ng bola ni Kate, si Rain naman ay kulay darkblue at sa loob noon ay may pa kidlat pa, habang si Skye naman ay kulay abo ang kaniyang bola at may umiikot na maliit na ipo-ipo sa loob.

Tumango kami sa isa't isa at doon ay pinaulanan namin ng atake yung apat na babae.

Pinapaulanan rin nila kami ng nagbabagang kulay itim na bola pero iniilagan lang namin iyon.

"Jewel!Bukas na yung portal, bilisan niyo!" Sigaw na sabi ni Yohan.

Napatingin ako kay Yohan at kinumpas nito ang mga kamay niya at nagpakawala siya ng mga anino papunta sa pwesto nila Arohi.

Nakita kong ngumisi si Yohan samantalang napapailing si Johan.

Maya maya ay natigil sa pag atake sila Arohi dahil kinokontrol ni Yohan ang anino nilang apat, kinumpas naman ni Johan ang kamay niya at lumikha ito ng maliit na portal.

"Papunta saan ang portal na iyan?" Hinihingal na tanong ni Skye.

"Papunta sa kawalan." Malamig na sagot ni Johan.

Lumakad papalapit saamin ang kambal at ramdam ko ang malakas nilang presensya.

"Ang ayaw namin sa lahat ng kakambal ko ay ang mga sinungaling, alam mo yan Arohi." Madiin na sabi ni Yohan.

Nakikita kong nahihirapan na silang huminga.

Kinumpas ni Kate ang kamay niya at nalagyan ng naglalagablab na lubid ang kanilang mga kamay at paa kaya lalong hindi sila nakakilos dahil nakagapos na rin sila.

Diniinan ni Yohan ang pagkuyom niya sa kamao niya kaya lalong nasakal sila Arohi.

"Dapat hindi na kayo binubuhay, mga masasama kayong nilalang. Gagamitin niyo pa kami sa kasakiman ng kaharian niyo!" Galit na sigaw ni Johan.

Kinumpas ni Johan ang mga kamay niya at nalagyan ng piring ang mga mata at bibig nila Arohi.

Nagpupumiglas silang apat pero wala na ring silbi iyon dahil wala na silang kawala.

Nagmukha silang mga isasalvage sa itsura nila.

Napatingin ako sa orasan ko.

6:30 PM

"We need to go." Pagbasag ko sa katahimikan.

Napatango sila Yohan at Johan at maya maya ay hindi na nagpupumiglas sila Arohi.

Gumawa ng malaking ipo-ipo si Skye at inihulog nito ang katawan nila Arohi sa ginawang portal ng kambal.

Gumawa si Rain ng mga ulap at pinaulanan niya ang buong likod bahay ko hanggang sa malinis ito at maalis ang mga kalat.

Muli akong sumulyap saaking bahay bago ko ibinalik ang aking paningin sa mga kasama ko.

Pinitik ko ang mga kamay ko at nagsisulputan ang mga bagong bulaklak sa bakuran ko.

Humangin nang malakas at nakita kong binitbit ni Skye papunta saamin ang mga gamit natin.

"We're good to go." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Nakakahilo itong dadaanan natin kaya lakasan niyo mga sikmura niyo baka maduwal kayo pagbaba natin." Natatawang sabi ni Skye.

Naunang pumasok sa portal si Kate at Rain na naghawak kamay, sumunod sila Yohan at Johan na magkahawak kamay rin at kaming dalawa ni Skye ang nahuli.

Nararamdaman kong umiikot ang kapaligiran ko.

Nakakahilo talaga dumaan sa mga portal.

---------------------------------------------------------------

Bumagsak ang katawan ko sa isang damuhan.

Kinusot kusot ko ang mga mata ko tsaka ko inayos yung salamin ko na kasing tibay ng bahay ko dahil hindi man lang ito nabasag sa pagkakabagsak namin sa damuhan.

Tumayo ako at nilingon ko ang kapaligiran.

Nakita kong nagpapagpag ang mga kasama ko ng kanilang mga damit.

"Welcome To Crystal Academy, Yohan and Johan." Pagwewelcome ko.

Napatingin sila saakin at sa malaking pintuan na nasa likod ko.

Nakita ko ang paghanga sa mga mata nila kaya napangiti ako.

Nagsimula kaming maglakad papalapit sa pintuan at ako na ang nagprisintang magbukas.

"Aita." Pagsagot ko.

Dahan dahang bumukas ang malaking
pintuan at bumungad talaga saamin ang fountain ng Crystal Academy.

Pumasok na kami sa loob at pinagtitinginan kami ng mga estudyante dahil may mga bago kaming kasama.

"Yohan and Johan, this will be your new home for now." Nakangiting sabi ni Rain.

"Ang ganda naman dito at ang gara ng mga gamit sa paligid. Napaka elegante at ang classic rin, para akong nasa sinaunang panahon pero may touch pa rin ng modernity." Humahangang sabi ni Johan.

Naglakad kami papunta sa Academic Building para puntahan si HeadMaster Mr. Edward Macrus.

Pagkarating namin sa loob ng Academic Building ay agad kaming sumakay sa elevator.

"Marunong na ba kayo magteleport?" Pagtatanong ni Rain.

"Hindi nga eh pero sana matutunan namin para hindi kami mahirapan kapag may mga kalaban." Kamot ulong sagot ni Yohan.

"Anong building pala 'to?" Pagtatanong ni Johan.

"This is Academic Building." Pagsagot ko.

"Hanggang labin dalawang palapag ito at sa unang anim na palapag ang mga nandoon ay ang Warrior Section, which means mga walang magic abilities pero nakafocus sila sa physical strength, defense and paghawak ng mga armas. Yung ikapito hanggang ika sampung palapag ang nandoon naman ay ang Magical Section, sila yung may mga
ability pero hindi gaanong kalakas kumbaga common ang ability nila kaya may iba sa kanila abg magkakaparehas, nakafocus sila sa mga potions and magic spells, habang ang ika labing isang palapag ay ang Advanced Section which means ang mga nandoon ay ang pag aaralan ang lahat ng binanggit ko and sila rin ay mga royalties habang ang huling palapag ay ang opisina ng ating HeadMaster." Mahaba kong paliwanag.

"Information overload naman iyan, Jewel." Natatawang sabi ni Johan.

"Himala talaga Jewel at hindi ka na matipid magsalita." Nakangising sabi ni Yohan.

"Pinaliwanag ko lang naman." Nakakunot noong sagot ko.

Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami at lumakad papunta sa kulay gintong pintuan.

"Come in."

Hindi pa kami kumakatok pero nagsalita na agad si HeadMaster.

Si Kate na ang pumihit sa doorknob at naunang pumasok.

"Good Day, Mr. Macrus!" Sabay sabay na bati naming apat tsaka nag bow.

Kahit naguguluhan ay nag bow rin ang kambal.

"Please have a sit." Nakangiti nitong sabi.

Umupo kaming apat sa mahabang sofa samantalang magkatabi sa magkahiwalay na single couch naupo ang kambal.

"I'm glad dahil naiuwi niyo ang Cambria Twins dito. Sabi ko na nga ba at hindi niyo ako bibiguin." Nakangiting sabi saamin ni HeadMaster.

"Good Day, Cambria Twins. I'm HeadMaster Mr. Edward Macrus." Magalang nitong pagpapakilala sa sarili.

"As you can Crystal Academy has many buildings, bukas ay ipapatour ko kayo sa kanilang apat para hindi kayo maligaw." Sabi ni Mr. Macrus tsaka bumaling saamin.

Napatango na lang kaming apat.

"This will be your keys, uniform, schedules, map, and allowance card. Ilalagay ko kayo sa Advanced Section dahil natatangi ang kakayahan niyo sa lahat. Ang allowance card niyo ay lalagyan namin ng pera every month for your monthly expenses at dahil kambal kayo ay magkasama kayo sa iisang kwarto para mapanatag kayo." Nakangiting sabi ni Mr. Macrus.

"Guys, ihatid niyo sila sa magiging dorm nila sa may pinakamataas na floor ng girls dormitory. Kakausapin ko yung bantay doon na si Yohan Cambria lang ang lalaking papapasukin doon." Paliwanag ni Mr. Macrus.

"Welcome to Crystak Academy kung saan ang mga may kakayahan, maabilidad, at matalino ang aming mga prayoridad." Nakangiting sabi ni Mr. Macrus sa kambal.

"Maraming salamat po." Sabay na sagot ng kambal.

Lumabas na kami sa opisina ni Mr. Macrus at tinahak na namin ang daan patungo sa Girls Dormitory.

---------------------------------------------------------------

Updated.

05-23-20

Hi! Sorry for the lame update hehe.

Continue Reading

You'll Also Like

248K 8.7K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
105K 3.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
11.1M 501K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #02 β—’ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
7.8M 248K 70
ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Selendria had innumerable questions on her...