Crystal Academy: The Four Los...

By FlameSkyeLopez

613K 15.2K 665

Crystal Academy ay isang paaralan na para sa lahat ng mga taong may espesyal na katangian sa kanilang katawan... More

PLEASE READ (PART1)
Prologue
Chapter 1: Busy
Chapter 2: Missing (Part 1)
Chapter 3: Missing (Part 2)
Chapter 4: Missing (Part3)
Chapter 5: Introduction (Diamond Kingdom)
Chapter 6:Introduction (Emerald Kingdom)
Chapter 7: Introduction (Sapphire Kingdom)
Chapter 8: Introduction (Pearl Kingdom)
Chapter 9: Welcome To Crystal Academy (Part 1)
Chapter 10: Welcome To Crystal Academy (Part 2)
Chapter 11: First Day Of School
Chapter 12: Meet The Royalties (Part 1)
Chapter 14: Questions
Author's Note
Chapter 15: Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 16: Terror Teacher
Chapter 17: Preparing For The Duel
Chapter 18: Kate Hernandez Vs. Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 19: Skye Lopez Vs. Ms. Sunako Yamasaki
PLEASE READ THIS
Chapter 20: Rain Martin Vs. Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 21: Jewel Scott Vs. Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 22: Eurydice Valerio
Chapter 23: Unlocking Powers and Abilities
Chapter 24: The Mystery Book
ATTENTION
Chapter 25: Stalking (Part 1)
Chapter 26: Stalking (Part 2)
Chapter 27: Stalking (Part 3)
Chapter 28: Unveiling The Truth
Chapter 29: The UnderGround World
Chapter 30: First Mission
Chapter 31: Going Back To Mortal World
Chapter 32: Cambria Twins
Chapter 33: The New Student
Chapter 34: Aloof Twins
Chapter 35: Caught Off Guard
Chapter 36: The Clones
Chapter 37: The Dark Plan
Chapter 38: Go Hard Or Go Home (Part 1)
Chapter 39: Go Hard Or Go Home (Part 2)
Chapter 40: Preparation For The Annual Maze Runner
Chapter 41: Extreme Training (Part 1)
Chapter 42: Extreme Training (Part 2)
Chapter 43: Extreme Training (Part 3)
NOTICE ME‼️
Chapter 44: Extreme Training (Part 4)
Chapter 45: The Annual Maze Runner (Day 1)
Chapter 46: The Annual Maze Runner (Day 2)

Chapter 13: Meet The Royalties (Part 2)

10.8K 356 2
By FlameSkyeLopez

Chapter 13: Meet The Royalties (Part 2)

Skye's POV

"Huwag niyong kainin." Pagtutol ko.

Nagulat sila dahil sa biglaan kong pagsasalita.

"Bakit?" Nagtataka nilang tanong.

"Hindi natin pagkain 'to." Pagsagot ko.

Agad silang napatingin sa pagkain nila at gulat na napatingin saakin.

"How'd you know?" Gulat na tanong ni Kristen saakin.

"Una sa lahat, maniniwala ako na pagkain natin 'to kung heavy meal ito. I assume naman kasi na heavy meal ang kakainin natin kasi dinner na and why they will serve desert at the first place? As far as I know, sa huli siniserve yun." Mahabang paliwanag ko.

"Hmm, Okay. Ako na ang kakausap sa waiter para ibalik itong pagkain natin." Sabi ni Austin.

"Waiter!" Malakas nitong sigaw.

"Yes, Prince Austin?" Magalang nitong sabi habang nakayukod sa harap ni Austin.

"Hindi kami umorder nito. We are not expecting a desert." Maotoridad nitong sabi.

"Pero, Prince Austin? Pinagbilin po ng Mahal na Hari na bigyan ko po kayo agad ng desert kapag kumain po kayo dito." Magalang nitong sagot.

"Wala naman sinabi saakin si Ama tungkol sa ganitong bagay tsaka isa pa ay hindi naman iyon pumupunta sa Crystal Mall dahil may taga luto kami sa kaharian namin. Pero para makasigurado nais kong ipatikim saiyo itong ibinigay mo saamin ng mga kaibigan ko." Maotoridad nitong sabi sabay halukipkip sa harap nung waiter.

Unti unting sumilay ang ngisi sa labi nung waiter na iyon at maya maya pa ang dating maliwanag na restaurant na kanina ay kinalalagyan namin ay unti unting nilamon ng kadiliman at tanging itim lang ang makikita mo ngayon.

"What the fuck!" Naibulalas ni Kristen habang nakatingin sa kapaligiran niya.

"So, ito yung Hell Ground?" Naguguluhang tanong ni Israel.

"Mukhang ito nga at sa tingin ko ay isa sa mga alagad niya ang waiter na nakausap mo kanina." Plain na sabi ni Mitch kay Austin.

Agad akong humawak kay Kate ng maramdaman kong may humihila saakin sa kadiliman.

"Shit! Kate! Hawakan mo lang ako please!" Naiiyak kong sabi.

"B-bakit?" Kinakabahan nitong tanong.

"Parang may humihila saakin." Natatakot kong sabi.

"Fucking Tape." Galit nitong sabi.

At sa isang iglap ay nawala ang pakiramdam ko na parang may humihila saakin at kasabay nun ay ang pagkawala naman nina Austin sa harapan namin at kaming apat na magkakaibigan na lang ang natira.

"Well, Well, Well, Look whose here." Nakangiting sabi ni Psycho.

"Well, Well, mo mukha mo." Naiinis na sabi ni Kate.

Not now Kate.

"Woah, palaban pala ang isang 'to." Natutuwang sabi ni Psycho.

Pinasadahan niya ng tingin hawak hawak nitong matalim na kutsilyo.

"Tss. Ano ba ang kailangan mo samin at hindi mo kami tinitigilan?" Naiinis na tanong ni Jewel kay Psycho.

"As far as I know, wala naman kaming naagrabyado o nabigyan ng atraso." Naiinis na sabi naman ni Rain.

"Sakin, wala. Pero sakanya, meron." Makahulugan nitong sabi sabay lapit kay Kate.

"Sino ba kasi yan nang makilala naman namin?" Galit na sabi ni Kate.

"Hindi pa pwede, pero soon malalaman niyo rin." Nakangisi nitong sabi habang unti unting nilalapit sa mukha ni Kate yung kutsilyo.

Pinipilit kong kumilos ngunit hindi ko maigalaw ang buo kong katawan.

"Anak naman ng letse flan! Tulungan niyo ko dito!" Malakas na sigaw ni Kate habang sinusugatan ni Psycho ang mukha ni Kate.

"Argh!" Malakas na sigaw ni Kate.

Hindi tumitigil sa pagdudugo ang mukha ni Kate at naaawa ako para sakanya dahil medyo malalim ang pagkakahiwa nun.

Habang nakatingin ako kay Kate ay biglang nabaling ang atensyon ko kay Rain na todo ang iwas ng mukha sa kutsilyo ni Psycho.

"Oh c'mon, Huwag ka ng pachoosy, siguradong hindi ka magsisisi kapag nasira yang mukha mo." Sabi nito habang tumatawa ng nakakatakot.

Napaigik ako ng sinugatan niya ang mukha ni Rain.

Minarkahan niya ito ng malaking X sa kanang pisngi nito.

Maluha luha ako dahil hindi man lang ako makagalaw sa kinalalagyan ko.

Nagpipigil na lang sila ng luha para ipakita nila saamin na hindi naman masyadong masakit ang pagkakahiwa ni Psycho sa mga pisngi nila.

Nagulat ako nang nasa harapan na siya ni Jewel at nakangisi ito.

"Well, ikaw pa naman ang may pinakamagandang mukha sa kanilang apat kaso papangit na yan dahil susugatan ko na." Malakas nitong sabi sabay hiwa sa pisngi ni Jewel.

Gulat na gulat ako sa pangyayari dahil naiwasan pa ni Jewel ang kutsilyo na muntik ng sumira sa mukha niya.

"Mukhang minaliit mo yata ang isang Jewel Scott." Nakangisi nitong sabi.

Maya maya ay naramdaman kong kaya ko ng igalaw ang buo kong katawan pero mas pinili ko munang hindi gumalaw para masopresa ko si Psycho.

Malakas na sinipa ni Jewel ang tyan ni Psycho at agad nitong nilabas ang apat nitong baril na nakatago sa blazer niya.

Binato niya saamin ang tatlo niyang baril at agad naman namin itong sinalo.

Pinagsusuntok at pinagsisipa nina Kate at Rain si Psycho na halos hindi na makatayo mula sa kanyang pagkakalugmok.

"Letse flan ka! Ang ganda ganda ng mukha ko tapos sisirain mo lang!" Galit na singhal ni Kate kay Psycho.

"Oo nga, buti sana kung hindi maganda yung pagmumukha namin kaso maganda eh." Naiinis na sabi ni Rain sabay tadyak sa tyan ni Psycho.

"At higit sa lahat, huwag mo kaming minamaliit. Hindi mo alam ang kaya pa naming gawin." Makahulugan na sabi ni Jewel sabay kasa sa kanyang baril.

Kumasa na rin kami at agad namin itong tinutok kay Psycho.

"Well. Ang buhay ay parang gulong. Kapag suwerte ka, nasa taas ka, kaso ngayon malas ka at nasa literal na sahig ka pa talaga ngayon." Natatawa kong sabi sabay ngisi sa harap nito.

"Any last words?" Inis na tanong ni Kate.

"P-p-parating na si M----" Naputol ang sasabihin nito ng biglang bumalik sa dati ang lahat at ngayon ay nakatulala pa rin ako dahil sa mga pangyayari.

Who is M?

"Hey! You guys, Okay?" Pagtatanong saamin ni Israel sabay ngiti ng alanganin.

"Huh? May sinasabi ba kayo?" Pagtatanong naman ni Kate.

"Mukhang hindi nila narinig yung sinabi mo." Mahinang bulong ni Kristen kay Austin.

What?

Mahina lang yung bulong niya pero bakit ko naririnig?

Wth.

"Wait, nag order na ba tayo ng pagkain natin?" Pagtatanong ni Jewel.

"Yep kakatapos lang natin mag order." Pagsagot ni Mitch.

"Are you guys really okay? Its seems all of you are spacing out." Alanganing sabi ni Israel.

Napatango na lang kaming apat sa tinanong ni Israel.

"Uwi na tayo." Mahinang sabi saakin ni Rain.

"May mahalaga pa tayong paguusapan." Dugtong pa nito.

"Kain muna tayo ng dinner dito then tsaka natin pag usapan." Pagsagot ko.

----------------------------------------------------------------

"Uhm, Guys. Uwi na kami." Pagpapaalam ko.

"Hatid na namin kayo." Pagpiprisinta ni Austin.

"Huwag na tsaka isa pa kaya na namin yung mga sarili namin." Seryosong sabi ni Kate.

"Okay." Alanganin na pagsagot naman ni Austin.

"Maraming salamat sa libreng dinner. See you around guys." Pagpapaalam ni Rain.

Kumaway muna kami sakanila bago kami lumabas at nagmamadali na sumakay sa elevator.

Habang nasa loob kami ng elevator ay bigla itong huminto.

"Anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong.

"Wrong timing naman." Inis na sabi ni Rain.

"Bakit ngayon pa nangyari ito?" Dagdag pa nito.

"Dahil sinwerte ako." Malamig na sabi ni Psycho.

Wtf.

Si Psycho.

"Katulad ng sabi niyo, ang buhay ay parang gulong. Kapag nasa taas ka ay suwerte ka at napagkataunan nga naman na swerte talaga ako at ngayon naman ay nasa baba kayo dahil malas kayo." Nakangisi nitong sabi.

"Kung sa lugar ko ay napagkaisahan niyo ko. Pwes, dito ay wala na kayong kawala saakin." Natutuwa nitong sabi sabay labas ng kanyang kutsilyo.

"Uhm, Guys." Pagtawag ko sa atensyon nila.

"Well, wala tayong magagawa kundi ang lumaban sa hayop na 'to." Naiinis na sabi ni Jewel.

Unti unting lumapit si Psycho kay Kate at ang nakakainis ay nagawa pang ngumisi ni Kate sa harap ni Psycho.

"Pwe! Bad breath ka pala?" Nasusura na sabi ni Kate sabay dura sa pagmumukha ni Psycho.

"Peste! Hindi mo kilala ang kinakalaban mo?!" Galit nitong sabi kay Kate.

"You're Mr. Psycho, Right? The one and only crazy in this world." Natutuwang sabi ni Kate sabay senyas saamin.

Unti unti kaming lumapit sa likuran ni Psycho.

Akmang sasaksakin na namin siya ng biglang humarap siya samin at sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nasugatan niya kami sa mukha.

Sa sobrang gigil ko ay sinaksak ko siya sa likuran niya.

Lumingon siya saakin at ginantian niya ako ng ngiti.

Bakit parang pamilyar yung mga ngiti na iyon?

Unti unting nawala ang mukha ni Psycho at napalitan ito ng mukha ni Dad.

"A-anak, S-salamat a-at p-pinakawalan m-mo ako s-sa s-sumpa na b-binigay saakin." Nakangiti nitong sabi.

Unti unting bumagsak ang mga luha ko.

Nawala si Dad na parang abo at bumalik ang lahat sa dati.

"S-skye--" Naputol ang sasabihin ni Kate ng ngumiti ako ng mapait.

"O-okay lang. Wala naman tayong alam eh." Umiiyak kong sabi.

"Umuwi na tayo." Mahina kong sabi.

Paano nangyari yun?

------------------------------------------------------

Edited.

Continue Reading

You'll Also Like

148K 3.8K 43
| COMPLETED | | UNEDITED | Adriana Pierce, a girl who just fainted from overwork. When she woke up, she suddenly came from another world. And it's no...
7.8M 248K 70
ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Selendria had innumerable questions on her...
20.6M 759K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #01 β—’ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
30.8K 845 59
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...