My Dream Gay

By xtraordinaryjne

122K 3.9K 301

Andrei Joanna Suarez dreaming to have a prince charming,a dream boy sabi ng iba.Pero pano kung ang prince cha... More

Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
MDG: Character's Profile 1
MDG: Character's Profile 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter

Chapter 17

1.8K 60 0
By xtraordinaryjne

Magkakasama silang kumain ng lunch. Naging maayos din naman ang pakikitungo ng prince 4 kay jainnah.

"Ahhmmm"

Napalingon si AJ kay jainnah. Abala naman sina Emman at julius sa pagkukulitan nila. Hinawakan ni AJ ang kamay ni Jainnah.

"Ano yun?"
"May problema ba?"

Tanong ni AJ kay jainnah. Napayuko si Jainnah dahil nahihiya sya.

"Kasi....."

Mahinang saad ni jainnah. Mas inilapit ni AJ ang kanyang mukha para marinig ang sasabihin ni Jainnah. Di nya marinig dahil maingay din sa cafeteria.

"Pwede mo ba akong samahan sa ladies room?"

Nahihiyang saad ni Jainnah. Napangiti ng malawak si AJ dahil sa sinabi ni Jainnah. Iniangat na ni Jainnah ang kanyang mukha. Inakbayan sya ni AJ at hinarap ang prince 4.

"Boys...Punta lang kaming ladies room."

Nilingon si AJ ng prince 4. Mariin pang tinitigan ni Andrei si AJ. Tumango na lang sina emman at julius kay AJ. Nagpatuloy naman si kinneth sa kanyang pagkain.

"Joanna."

May pagaalala sa boses ni andrei ng tawagin nya ang pangalan ng bestfriend nya.

"Drei. I'm fine."
"Daig mo pa si nanay kung mag-alala ka dyan."
"Ladies room lang kami."
"Sige na."

Tumayo na sina AJ at jainnah matapos sabihin ni AJ yun. Inalalayan sya ni Jainnah habang naglalakad sila.

Nang makarating sila sa ladies room ay agad na pumasok si Jainnah sa isang cubicle. Nasa harap naman ng salamin si AJ at inaayos ang kanyang buhok.

"Uhm..AJ?"

Tawag ni Jainnah kay AJ mula sa loob ng cubicle.

"Ano yun?"

Sagot ni AJ habang inilalagay ang natirang hibla ng buhok na nakahara sa mukha nya sa likod ng tenga nya.

"Thank you."

Mahinhin na boses na saad ni Jainnah. Unconciously ay napangiti si AJ sa sinabi ni Jainnah. Matapos nyang ayusin ang buhok nya, damit naman ang sinunod nyang ayusin.

"Para saan?"

Tanong ni AJ kay jainnah. Saktong pagtanong ni AJ noon ay lumabas na mula sa cubicle si Jainnah. Tiningnan ni AJ si Jainnah mula sa salamin. Ngumiti din si AJ dito. Lumapit naman si Jainnah kay AJ.

"Salamat sa pagtulong sa akin kahapon."
"Salamat din ngayon."
"Salamat."

Sincere na saad ni Jainnah. Sweet smile, ito ang binigay ni jainnah kay AJ. Binuksan din ni Jainnah ang fuset para maghugas ng kamay. Nilagyan nya din ng handsoap ang kamay nya.

Matapos maghugas ng kamay si Jainnah ay nagyaya na din itong bumalik na sa cafeteria. Lalabas na sana sila ng ladies room pero agad silang napahinto ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang apat na babae. Kilala ni AJ ang mga babaeng ito. Ang mga babaeng ito ang nakasabay nya sa greenwich ng kumain sya doon. Sila din ang humarang sa prince 4 sa JC Cafe noon. Maging sila din ang nambully kay Jainnah kahapon. At ang isang babaeng kasama nila ay ang may kasalanan ng nangyari sa kanyang paa. Di makakalimutan ni AJ ang pagmumukha ng mga bitch na nasa harapan nila. Di alam ni AJ ang mga pangalan ng mga ito pero alam nyang kasing panget ng ugali nila ang pangalan nila.

Nakaramdam ng kaba si AJ pero pilit nyang inalis sa utak nya yun. Tinatagan nya ang kanyang sarili. Hinawakan din ni AJ ng mahigpit ang kamay ni Jainnah.

"Oh...Girls... Looks who's here in the ladies room."

Saad ng isang babae na lumapit kina AJ. Halatang sya ang lider sa kanilang grupo. Umatras sina AJ at jainnah. Tumawa naman sa likod nung babae ang iba pa nyang kasama.

"Sino ba kayo?"
"Sorry..di namin kayo kilala."
"Wala kasi kaming kilalang mga panget."

Matapang na saad ni AJ. Di magawang ikurap ni AJ ang kanyang mata. Matalim lang na tinitigan ni AJ ang apat na babaeng nasa kanilang harapan. Nakayuko lang si Jainnah sa kanyang tabi. Mahigpit din ang hawak nya sa kamay ni AJ. Ramdam na ramdam ni AJ na takot na takot si Jainnah sa tabi nya, kahit naman sya,takot na takot na din pero tinatatagan nya ang sarili.

Tik

Dinig ni AJ ang paglock ng doorknob. Napatingin sya sa pinto pero bumalik din ang mga mata nya sa babaeng nasa harapan nya. Naglakad ulit ito palapit sa kanila ni Jainnah.

"Oh..We're sorry."
"Nawala ang manner namin."
"Nakalimutan naming magpakilala."

Saad nung babae. Inikutan nya sina AJ. Mataray din ang way ng pagsasalita nya.

"Girls."

Tawag nung babae sa kasamahan nya. Lumapit naman ito sa kanya. Pinalibutan nila sina Aj at Jainnah.

"Hayaan nyong makilala nyo kami."

Saad ng babae na pinaka lider nila. Nakatingin lang si AJ sa babae. Umuna muli ang babae tumabi ang tatlo pa nyang kasama sa kanya. Nagsalita na ang babae at nakatingin lang si AJ. Nagangat na din ng ulo si Jainnah.

"Shane Hidalgo"
"I'm the queen."

Lumapit ang babaeng nagpakilalang shane kay AJ at hinawakan nito ang mukha ni AJ. Napapikit si AJ ng maramdaman nya ang kuko ni Shane na bumabaon sa pisngi nya. Mas diniinan pa ni Shane ang pagkakahawak sa mukha ni AJ kaya mas lumubog ang kuko nya sa pisngi ni AJ. Inilapit nya pa ng konti ang mukha nya kay AJ.

"Kung ayaw mong magkaproblema ang buhay mo, layuan mo ang prince 4."

Pagbabanta nya kay AJ na nanlilisik pa ang mata. Nagkaroon ng kaba sa dibdib ni AJ pero di nya pinakita yun kay shane, sa halip ay ngumisi pa ito kay shane. Sa inis ni Shane ay sinampal nya ng malakas si AJ. Sa sobrang lakas ng sampal ay pumutok ang labi ni AJ. Agad na dinaluhan sya ni Jainnah. Inilayo nya si AJ kay shane.

"Tama na."
"Please."

Pagmamakaawa ni Jainnah sa babae. Sinuklian lang sya ng mga babae ng mapangasar na tawa. Lumapit pa ang isang babae sa pwesto nina AJ.

"I'm Clairrene Roman."
"The first Princess."
"And I hate pakilamera, like you."

Itinulak ni clairrene si Jainnah. Sa lakas ng tulak ay napatama sya sa lavatory. Napasambit pa si jainnah ng "ouch". Humarang si AJ kay jainnah ng magtangka muli si clairrene na lumapit dito.

"Kung gusto nyo ng away, ako na lang."
"Wag nyo ng galawin ang kaibigan ko."

Saad ni AJ. Napa"wooohhh" ang "bitches 4".

"Trying to be a hero.huh?"

Saad ng isa pang babae na kasama din sa grupo.

"By the way, I am Ingridd Santos."
"The second princess."
"Masakit pa ba ang paa mo?"

Bumaba ang tingin ni Ingridd sa paa ni AJ. Inilayo naman ni AJ ang paa nya. Si Ingridd ang may kagagawan kung bakit natwist ang ankle ni AJ. Sinadya nyang patidin ito habang naglalakad si AJ sa corridor.

Tsked
Di pa princess princess pa kayong sinasabi.
Mga mukha naman kayong demonyo.

Usal ni AJ sa kanyang utak. Mas pinalibutan sila ng "bitches 4". Mas iniharang naman ni AJ ang kanyang katawan kay Jainnah. Mas gusto nyang protektahan si Jainnah kaysa sarili nya mismo.

"Pabida ka masyado."
"Nakakairita ka talagang babae ka."

Saad ng isa pang babae na di pa nakakapagpakilala. Lumapit ito kay AJ at mabilis na hinawakan ang buhok ni AJ. Napangiwi si AJ dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman. Bukod sa sampal at sabunot na nakuha nya ay napaapak muli ang paa nya. Napahikbi si Jainnah sa likuran ni AJ. Nagsimula ng umiiyak si jainnah.

"Ito ang dapat sayo."

Saad ng babaeng hawak-hawak pa din ang buhok ni AJ. Hinigit nyang malakas ang buhok ni AJ at isinubsob nya si AJ sa sahig ng ladies room.

"Chienna Ravello, pangalan ko yan."
"Tandaan mong mabuti."

Matapos sabihin ni Chienna yun ay inapakan nya din ang paa ni AJ na injured.

"Aaaahhh!!"

Sigaw ni AJ dahil sa sakit. Nilapitan sya ni jainnah. Umupo na din si jainnah para magkapantay nya si AJ.

"Beginning palang yan."
"Wag kayong pahara-hara sa dinadaanan namin."
"Tara na girls."

Pagbabanta ni Shane kina AJ bago sila lumabas ng ladies room. Tumatawa din sila ng para mga nababaliw.

Nang makalabas na ang "bitches 4" sa ladies room ay inayos ni jainnah ang tayo ni AJ. Pinunasahan din ni jainnah ang luhang naglandas sa pisngi nya.

Habang inaalalayan ni Jainnah si AJ na makatayo at makaalis sa lugar na yun ay di naman mapakali andrei na nasa cafeteria pa din.

"Bat ang tagal nila?"

Tanong ni Andrei sa mga kaibigan nya. Nilingon sya nina emman, julius at kinneth pero nagkibit balikat lang sila.

"Bro. Diba nasa ladies room lang sila."
"Pabalik na siguro ang mga yun."
"Intayin na lang natin."

Si Emman ang nagsalita. Pero di man lang gumaan ang pakiramdam ni Andrei sa sinabi ni Emman. Parang mas lalo lang syang kinabahan.

"Magiisang oras na sila mula ng umalis dito at magpunta sa ladies room."

Sabay-sabay na napatingin sina Emman, julius at kinneth sa relo nila.

"Tara na, puntahan na natin sila."
"Iba na ang pakiramdam ko."

Tumayo si Andrei at agad na tinungo ang pinto ng cafeteria para lumabas. Nagkatinginan muna ang tatlo bago sinundan si Andrei.

Nang matanaw nila ang ladies room ay napansin nila ang mga estudyante sa labas ng restroom. Napatakbo sila. Hinawi nila ang mga estudyante at agad na pumasok sa loob ng ladies room.

"Kaya mo bang maglakad?"
"Ha?AJ?"

Dinig nina Andrei na saad ni Jainnah. Umiiyak muli si jainnah.

"Joanna!!"

Sigaw ni Andrei sa pangalan ng bestfriend nya. Napalingon si AJ at Jainnah sa pinto ng ladies room. Nakita nilang nakatayo ang prince 4 doon. Napansin din ni AJ ang pagaalala sa mata ni andrei ng tiningnan nya ito. Nilapitan agad sila ng prince4.

"Anong nangyari?"
"Sinong may gawa nito sa inyo?"

May galit sa tono ng boses ni Andrei. Nagagalit sya sa gumawa ng bagay na yun sa bestfriend nya.

"Wala to."
"Okay la---"
"Aahh!!"

Di natuloy ni AJ ang sinasabi dahil napasigaw sya ng hawakan ni Andrei ang paa nya.

"Dadalhin kita sa ospital."
"Malala na ang paa mo."
"Halika na."

Bubuhatin na sana ni Andrei si AJ matapos sabihin yun pero pinigilan sya ni Kinneth. Napatingin si Andrei kay kinneth ng may pagtataka sa kanyang mga mata.

"Ihanda mo na ang sasakyan."
"Ako na ang magbubuhat sa kanya."

Walang emosyon na saad ni Kinneth. Lumuhod si kinneth at dahan-dahan na binuhat si AJ, bridal style. Napatulala lang sa tabi sina emman at julius. Nagtaka si Andrei sa kinilos ni kinneth pero agad nya ding sinantabi yun at agad na lumabas ng ladies room at nagtungo sa parking lot.

Sinundan naman ng tingin ng mga estudyante sina kinneth habang buhat si AJ. Nakasunod lang si Emman, julius at jainnah sa likod nina kinneth.

"Ang clumsy mo talaga."

Saad ni Kinneth kay AJ. Sinamaan ni AJ ng tingin si kinneth.

"Cease fire muna."
"Wala ako sa kondisyon para makipagtalo sayo."

Saad ni AJ. Napangisi lang si kinneth sa sinabi ni AJ.

"Magpagaling ka."
"Mamimiss kong asarin ka."

May pilyong ngiting saad ni Kinneth. Nakatingin lang si AJ ng diretso sa mga mata ni Kinneth. Kumabog ang dibdib ni AJ ng ulitin ni Kinneth ang sinabi nya.

"Mamimiss kita."


*************

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 79.2K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...
1.5M 52.2K 45
Stacey Desire Zulueta is a well known playgirl in their school. Kilala sya sa labas at loob ng SU. Many are head over heels with her. She has a beaut...
1.7M 47.3K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."