Crystal Academy: The Four Los...

By FlameSkyeLopez

613K 15.2K 665

Crystal Academy ay isang paaralan na para sa lahat ng mga taong may espesyal na katangian sa kanilang katawan... More

PLEASE READ (PART1)
Prologue
Chapter 1: Busy
Chapter 2: Missing (Part 1)
Chapter 3: Missing (Part 2)
Chapter 4: Missing (Part3)
Chapter 6:Introduction (Emerald Kingdom)
Chapter 7: Introduction (Sapphire Kingdom)
Chapter 8: Introduction (Pearl Kingdom)
Chapter 9: Welcome To Crystal Academy (Part 1)
Chapter 10: Welcome To Crystal Academy (Part 2)
Chapter 11: First Day Of School
Chapter 12: Meet The Royalties (Part 1)
Chapter 13: Meet The Royalties (Part 2)
Chapter 14: Questions
Author's Note
Chapter 15: Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 16: Terror Teacher
Chapter 17: Preparing For The Duel
Chapter 18: Kate Hernandez Vs. Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 19: Skye Lopez Vs. Ms. Sunako Yamasaki
PLEASE READ THIS
Chapter 20: Rain Martin Vs. Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 21: Jewel Scott Vs. Ms. Sunako Yamasaki
Chapter 22: Eurydice Valerio
Chapter 23: Unlocking Powers and Abilities
Chapter 24: The Mystery Book
ATTENTION
Chapter 25: Stalking (Part 1)
Chapter 26: Stalking (Part 2)
Chapter 27: Stalking (Part 3)
Chapter 28: Unveiling The Truth
Chapter 29: The UnderGround World
Chapter 30: First Mission
Chapter 31: Going Back To Mortal World
Chapter 32: Cambria Twins
Chapter 33: The New Student
Chapter 34: Aloof Twins
Chapter 35: Caught Off Guard
Chapter 36: The Clones
Chapter 37: The Dark Plan
Chapter 38: Go Hard Or Go Home (Part 1)
Chapter 39: Go Hard Or Go Home (Part 2)
Chapter 40: Preparation For The Annual Maze Runner
Chapter 41: Extreme Training (Part 1)
Chapter 42: Extreme Training (Part 2)
Chapter 43: Extreme Training (Part 3)
NOTICE ME‼️
Chapter 44: Extreme Training (Part 4)
Chapter 45: The Annual Maze Runner (Day 1)
Chapter 46: The Annual Maze Runner (Day 2)

Chapter 5: Introduction (Diamond Kingdom)

17.5K 498 28
By FlameSkyeLopez

Chapter 5: Introduction (Diamond Kingdom)

Kate's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na napatingin ako sa estrangherong lalaki na nakasama namin sa gubat.

"Well, Good Morning bitch! I'm Austin at susunduin kita ngayon." Maarte nitong sabi.

Bakla ba 'to?

Nako.

Sayang naman ang lahi niya kung ganun.

"I'm not gay. Sadyang ayaw lang kita na sunduin." Bagot nitong sagot habang nakasandal sa pinto.

"Bakit mo pa ako sinundo? Kung ayaw mo naman pala?" Mataray kong tanong.

"Paano ako tatanggi? Si HeadMaster na ang nag bigay ng utos saakin." Kamot ulo nitong sagot.

"Gumayak ka na. Susunduin pa natin yung tatlo mo pang kaibigan." Bagot nitong sabi.

"Ayaw mo ba munang pumasok? Tubig? Juice?" Pagsusuggest ko.

"Nah, I can manage." Cool nitong sabi.

"Okay, antayin mo muna ako after one hour." Nakangisi kong sagot.

"What?!" Exaggerated nitong sigaw.

"Bakit sobrang tagal naman? Anong gagawin mo sa banyo? Mag oorasyon?!" Pasigaw nitong sabi.

"Malamang maliligo! Obvious naman eh." Nakangisi ko pa ring sagot.

"Fine. Papasok na lang ako dito sa room mo." Inis nitong saad.

"Papasok ka rin naman pala. Ang dami mo pang satsat." Nakangisi ko pa ring sagot.

"Ano pa bang inaantay mo pasko? Maligo ka na pero kung gusto mo ak----" Naputol ang sasabihin niya ng bigla kong binusalan ng unan ang bibig niya.

"Shite Kudasai." Matalim akong tumitig sakanya sabay pasok sa banyo.

---------------------------------------------------------------------

Binuksan ko na ang shower at unti unting bumuhos dito ang malamig na tubig.

Mapapaisip ka na lang na pagkatapos ang engkwentro namin kay Psycho ay makakaligtas pa kami at lubos akong nagpapasalamat dahil natakasan namin yung baliw na yun.

Dapat talaga Psycho pangalan nun eh, hindi Psyche.

His name is far from his personality.

Akala ko iyon na ang pinakamalas na pangyayari na nangyari sa buong buhay ko.

Pero ngayon, may bagong daan nanaman kami na tatahakin.

Daanan na kung saan hindi madali para saamin na tahakin.

"Hoy! Tapos ka na bang magsenti dyan?" Inis nitong tanong.

"Anong senti ka dyan?!" Pagtanggi ko sabay labas sa banyo.

"Aray! Nanandya ka ba?! Alam mo naman na nandito ako sa pintuan ng bathroom mo?!" Nanggigil nitong sabi sabay himas sa namumula niyang ilong.

"Tss. Malay ko ba na nandyan ka?Pasalamat ka at yung pinto lang ang tumama sa pagmumukha mo." Bored kong sagot.

"Oh? Ano na? Hindi pa ba tayo aalis?" Nakataas kilay kong tanong.

"Sandali lang." Inis nitong sabi.

Kinumpas nito ang kamay niya at maya maya ay may ban-aid na ang ilong niya.

Pwede naman na i-heal na lang niya ang sarili niya kesa maglagay siya ng ban-aid.

"Ano bang pakialam mo? Sa gusto ko na ban-aid ang ilagay ko e." Mataray nitong sabi.

Dapat ko ng isarado ang isip ko.

Lagi na lang niya nababasa kung ano ang mga iniisip at sinasabi ko sa isip ko.

Lumabas na kami sa kwarto na pinanggalingan namin at lalo akong napahanga dahil sa napakavintage na itsura ng lugar na ito.

Akala ko ba ay nandito ako sa bahay ko?

Bakit nag iba yung interior design?

Habang naglalakad kami sa hallway ay kapansin pansin ang mga paintings na nakasabit sa ding ding.

Mukhang mga royalties ang nandoon sa paintings dahil lahat sila ay may mga korona at kapansin pansin na may isang bakante pa doon na hindi pa naipipinta.

"Austin? Bakit bakante yung isa?" Sabi ko sabay turo sa bakanteng frame.

"Hindi pa kasi bumabalik ang prinsesa ng lugar na ito." Malungkot nitong sabi.

"Naglayas ba siya?" Paguusisa ko.

"Hindi. Inilayo siya dito kasi may banta sa kanyang buhay." Pagsagot nito.

"Teka? Nasaan ba tayo ngayon?" Naguguluhan kong tanong.

"Wala na tayo sa Mortal World o mas kilala sa tawag na Earth. Nandito na tayo sa Immortal World o tinatawag namin na Crystal World dahil itong mundo namin ay may apat na kontinente." Mahaba nitong paliwanag.

"Yung apat na tinutukoy ko ay ang Diamond Kingdom na nasa Hilaga kung saan ay itong kinalalagyan natin ngayon, Pangalawa ay ang Emerald Kingdom na nasa Kanluran, Pangatlo naman ay ang Sapphire Kingdom sa Silangan at ang nasa Timog naman ay ang Pearl Kingdom." Paliwanag nito.

Napa-nganga na lang ako.

Unang una ay wala na kami sa earth.

Pangalawa nasa mundo na ako ng mga immortal.

Pangatlo wala akong alam kung bakit ako napadpad dito.

Nagulat na lang ako nang biglang may bumati kay Austin na sangkatutak na mga maids at guards.

"Good Morning, Master Austin!" Masaya nilang bungad saamin.

"Nakahanda na ba ang lahat? Kami ay aalis at pupunta sa kanluran." Seryoso nitong sabi.

"Opo. Nakahanda na po sa labas ang inyong Ferrari 488 GTB." Magalang na sagot nilang lahat.

Mukhang kagalang galang dito si Austin dahil tinawag siyang Master at higit sa lahat ay mayroon siyang marangya na sasakyan.

Akalain mo nga naman na siya pala ang nakabili ng Ferrari 488 GTB na bagong labas ng company namin.

Hindi ko pa pala nababanggit na ang business namin ay ang pagpoproduce ng mga sports car.

Si Dad mismo ang nakaisip na gumawa ng sasakyan at hindi ko akalain na siya pala ang nagmamay ari ng Ferrari Corporation.

Masyado kasing misteryoso si Dad.

"Tara na. Medyo malayo ang byahe natin." Tipid nitong sabi.

"Bakit hindi na lang tayo magteleport? Para hindi na tayo mahirapan." Bored kong tanong.

"Nakaka drain ng energy ang sobrang paggamit ng mahika. Tsaka mas maganda kung gagamit tayo ng sports car, hindi tayo darating doon na haggard." Nakangisi nitong sabi.

Napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Okay. Para malinawan ka at hindi maging bago dito sa lugar na ito. Nandito tayo ngayon sa Diamond Kingdom kung saan ang namumuno ay sina King Akimitsu Inoue (In-no-we) and Queen Akari Inoue and may dalawa silang anak na si Princess Cassandra Kate Inoue and Prince Jiro Austin Inoue."

Hala?! Bakit kapangalan ko siya?

"Galing sila sa angkan na ang mastery ay ang Fire Element. Lahat ng kayang gawin sa apoy ay nagagawa nila. Pero nang ipinagbubuntis na ni Queen Akari si Princess Cassandra Kate ay laging may banta sa buhay nila. Hanggang sa naipanganak na si Princess Casssandra Kate ay hindi tumitigil si King Vulcan Kristofides sa pagpapadukot kay Princess Cassandra Kate. " Malungkot nitong kwento.

"Si King Vulcan Kristofides naman ang namumuno sa buong Underground World kung saan sama sama ang lahat ng nagtaksil sa buong Crystal World. Dumating ang araw na manganganak na si Queen Akari habang si King Akimitsu naman ay nasa timog na bahagi ng Crystal World at may nagaganap naman doon na pagpupulong. Hindi nila alam na susugod pala sa palasyo si King Vulcan Kristofides kasama ang mga bampira at mangkukulam. Muntik na nilang matangay si Princess Cassandra Kate ngunit sadyang matalino talaga si Queen Akari dahil bago pa mangyari ang pagsugod ni King Vulcan Kristofides ay ipinaubaya na niya si Princess Cassandra Kate sa kanilang Mayordoma at asawa nito. Inutusan niya na pumunta silang tatlo sa Mortal World at doon tumira ng labing pitong taon." Mahaba niyang paliwanag.

Hindi kaya nagkataon lang na parehas kami ng pangalan at edad?

Siguro naman.

Impossible na ako yung tinutukoy ni Austin.

Teka.

Bakit nga pala magkapangalan si Austin at si Prince Jiro?

"Kaano-ano mo si Prince Jiro?" Nakataas kilay kong tanong.

"Malalaman mo rin." Makahulugan nitong sagot.

"Teka, Ano bang pangalan mo?" Paguusisa niya.

Bigla akong kinabahan at imbis na buong pangalan ko ay—

"Kate. Kate Hernandez ang pangalan ko." Maikli kong sagot.

Napatango naman siya.

"Malapit na tayo sa ating pupuntahan." Maikli nitong sabi.

Doon ko lang napansin ang pagkakaiba ng lugar na kanina lang ay tinatapakan ko.

Doon sa Diamond Kingdom ay puro apoy ang aking nakikita.

Hindi naman iyon masakit sa balat bagkus pakiramdam ko ay sanay na sanay na ako sa presensya ng apoy. Samantalang dito sa Emerald Kingdom ay puro tubig.

"Nandito na tayo."

Huminto kami sa isang medyo moderno na bahay na may limang palapag.

Agad akong bumaba sa sasakyan ni Austin at inantay ko na lang siyang bumaba.

"Bilisan na natin Austin! Bagal bagal?! Nasa buwan lang?!" Naiinis kong sabi habang nakapamewang.

"Tssz Magantay ka nga. Tulak kita sa pintuan e." Naiinis nitong sabi.

*Tok* *Tok* *Tok*

Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang lalaking kulay light blue ang buhok.

Teka, Sino itong lalaki na ito?

"Israel? Gising na ba?" Pagtatanong naman nitong kasama ko.

"Oo. Actually ready na siyang umalis." Sabi nito sabay tingin saakin.

"I'm Israel, Nice meeting you." Nakangiti nitong sabi.

"Kate. Kate Hernandez, Nice to meet you too." Tipid kong sabi.

"Sige na. Pumasok ka na muna dito sa bahay, kanina ka pa niya inaantay." Nakangiti nitong sabi.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko bago pumasok sa bahay ni Israel.

"Kate!" Masayang sigaw ni Rain.

"Tara at doon muna tayo sa kwarto, May sasabihin lang ako." Masaya nitong sabi.

Nung makarating na kami sa kwarto ay nagulat ako ng makitang ganun ang itsura ng kwarto niya.

Parehas na parehas ang itsura ng kwarto na ito sa kwarto niya sa mortal world.

"Ano ba yung sasabihin mo?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi kapani-paniwala na wala na tayo sa Mortal World." Malungkot nitong sabi.

"Hindi ako makapaniwala na nagising na lang ako dito sa kwarto na ito at bumungad saakin ang mukha ni Israel. Tapos ang dami niyang kinwento tungkol dito sa lugar na ito." Pagkukwento nito.

*Tok* *Tok* *Tok*

Ako na ang nagprisintang buksan ang pinto at iniluwa ng pinto si Austin at Israel.

"Aalis na tayo. Tara na." Tipid na sabi ni Austin sabay bumaling ito kay Israel.

"Salamat, Israel. Kita na lang tayo sa school." Nakangiti nitong sabi.

Nagulat na lang ako ng biglang nasa harapan na kami ng sasakyan niya.

"Dapat sinabi mo man lang na gagamit ka ng magic. Hindi yung nambibigla ka." Inis kong sabi.

"Aba! Nagmamadali na kaya tayo kaya pumasok na kayo sa loob ng sasakyan." Inis na sambit nito.

"Alam mong bago lang kami sa mga ganyang bagay tapos binibigla mo kami." Galit na sagot ko.

"O-oy tama na yan." Kinakabahan na sabi ni Rain.

"Siya kasi eh!" Sabay na sabi namin ni Austin.

"Tapos gaya gaya ka pa!" Sigaw namin parehas.

Tinaas ko ang hintuturo ko sabay sabi ng—

"Makyu!"

Halos mamatay matay naman sa kakatawa ni Rain dahil sa pagiging childish ko.

"Austin, Kate. Pasok na tayo sa loob ng sasakyan." Nakangiting sabi ni Rain.

------------------------------------------------------

▪Crystallian Knowzxc▪

-Shite Kudasai (Die Please)

Continue Reading

You'll Also Like

20.2K 1.1K 26
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
11.1M 501K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #02 β—’ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
30.5K 1.3K 66
Akira Alexies Jane Smith. Isang Mafia Queen at Gangster Queen. Isa siyang gay na may taglay na ganda meron siyang kulay pula na mata na nag sisimbolo...