A Deal with a Star

Oleh despicableskye

214K 4.6K 165

After spending the night with her long-time celebrity crush, Amber woke up pregnant with his child. She hid t... Lebih Banyak

INTRO
Chapter one: Amber Yashelli Santibañez
Chapter two: what a night
Chapter three: two weeks
Chapter four: how it is
Chapter five: i'm sorry
Chapter six: misfortunes starts with F
Chapter seven: your name
Chapter eight: weak spot
Chapter nine: first 'complicated' date
Chapter ten: real or not real?
Chapter eleven: mallows
Chapter twelve: school part one
Chapter thirteen: school part two
Chapter fourteen: a night stucked together
Chapter fifteen: hot transferees
Chapter sixteen: so be it
Chapter seventeen: delusion
Chapter eighteen: paparazzi
Chapter nineteen: memory
Chapter twenty: ANJI part one
Chapter twenty one: ANJI part two
Chapter twenty two: one condition
Chapter twenty three: Day One
Chapter twenty three: Night One (Four Three)
Chapter twenty four: don't cry
Chapter twenty five: mine
Chapter twenty six: boss
Chapter twenty seven: Chessel part one
Chapter twenty eight: Chessel part two
Chapter twenty nine: seducing mistress
Chapter thirty: everything's okay
Chapter thirty one: Fame? Bring it on
Chapter thirty two: too wild
Chapter thirty three: Lorin
Chapter thirty four: dragon
Chapter thirty five: torture
Chapter thirty six: when boredom strikes
Chapter thirty seven: my first
Chapter thirty eight: who you are
Chapter thirty nine: I see you
Chapter forty: expiry date
Chapter forty one: teach me
Chapter forty two: i got you
Chapter forty three: one ride
Chapter forty three: if they see us
Chapter forty four: the engagement party
Chapter forty five: reunions
Chapter forty six : postpone
Chapter forty seven: Sky Ashlyn Ferrer
Chapter forty eight: my lover
Chapter forty eight: France's Plan
Epilogue
Author's Note

Chapter forty nine: Ferrero Cliche

2.5K 46 5
Oleh despicableskye

A/n: so, who is Sky Ashlyn Ferrer?

Sky's POV

6 years old

Ang lalim naman ng iniisip ng batang ito. Makatitig sa damuhan wagas eh.

Kanina pa ako dumuduyan dito sa playground kaya kanina ko pa siya napapansing nakatulala. Pagkarating ko nandoon na siya. Parang luging lugi sa negosyo eh. I tilted my head sideways to get a clearer look on his face. Hmm, same din pala kami ng race. Linapitan ko siya nang nakatagilid pa rin ang ulo.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko. Mabagal siyang napatingala sa akin. Halatang malungkot siya base sa mga mata niyang walang emosyon.

"How do you know that I'm half-filipino?" He asked.

"Full filipino ako kaya automatic kong nade-detect kung sino ang mga kapwa pinoy ko. It's in the blood na rin." Napairap lang sa akin yung bata.

"You're in Boston. At least speak in English. These people might think that you're talking about them when you're speaking in our language." Napalingon naman ako sa mga Amerikanong napapadaan sa amin.

"Let them think what they want. Loyal ako sa lengguahe ko."

"Anong tagalog ng loyal?"

"Ay basta." Natawa kaming pareho. "Ako nga pala si Sky."

Linahad ko ang aking kamay at tinanggap naman niya ito.

"Kaden Smith." Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ikaw yung heir ng Smithsonian?!"

Napatango siya, "I'm guessing that your family is the owner of Ferrero Cliche."

"Ibig sabihin ba non ay mag-partners tayo?" Tanong kong nakangiti ng malawak. Hindi niya ako sinagot. "Alright! Sa akin ka na forever!"

"...but I have Amber." Malungkot niyang sabi. I put an arm on his shoulder.

"No worries. You have me naman."

Since then, Kaden and I are now in that stage called: bestfriends.

15 years old

Writer's block is the worst.

Kanina pa ako namomroblema sa magiging plot ng isusulat kong story. Bakit pa kasi ako nag-register sa writing contest na yan?! Argh! Napatingala ako mula sa laptop at tinignan si Kaden na naglalaro ng football. Nang masalo niya ang bola, napatingin siya sa gawi ko't kumaway. Napangiti lang ako pabalik at bumuntong hininga.

Kahit na ilang taon na kaming magkaibigan, hindi ko nakokontrol ang sariling mahulog sa kanya. You can't blame me since he treats me like his own girl despite there's a barrier called friendship between us. Iniisip ko na lang na walang malisya sa pagiging sweet niya sa akin dahil alam kong tinuturing niya lang ako na kapatid. Besides, he claims that he's in love with Amber.

He told me that he would marry Amber once he got back. You know how hard that is for me? Ako ang nandito para sa kanya pero si Amber pa rin ang iniisip niya. Pero wala akong magagawa kung talagang ang tingin niya sa akin ay tanging kaibigan lang. Love indeed does weird things to people. It makes people believe that they're in love even if they are really not.

Narinig kong pumito na yung coach nila kaya alam kong break na nila. Tumabi sa akin si Kaden nang pawisan. I tried my best not to look at him to restrain myself from blushing. His hand caressing my back is not helping.

"What are you writing this time?"

"I hope I am actually writing something at this time." Sagot ko naman. Sumandal siya sa bench at uminom ng tubig. "Change your shirt. Magkasakit ka niyan eh."

"Yes, mom." He retorted with a laugh. Inabot ko sa kanya yung dinala kong pambihis niya. "Don't look."

"There's nothing to look at." I teased.

"Then watch." He pulled my face and forced me to look at him stripping.

"Kaden, naman!" Tumawa siya ng malakas at hinagis ang basang gym strip sa akin. Ugh! Gross! Kinuha niya yung ballpen na nakasabit sa may tainga ko't nagsulat sa bench na inuupuan namin. Hinayaan ko lang siya dahil alam kong ang hilig niyang mag-vandalize.

"Ano nanaman kayang ka-kornihan ang isusulat mo diyan? #AmDen? A plus K? O baka naman Amber Yashelli Santibañez-Smith?" Hindi niya ako pinansin.

"See for yourself." He grinned at me. Nagdalawang isip pa ako kung babasahin ko ba o hindi pero mukhang excited kasi itong lalaking ito. Binasa ko nga.

My bestfriend loves writing stories. But she sucks.

"Ang sama mo!" Hinampas ko siya sa may balikat at ngumiwi. Hanggang best friend na lang ba talaga ako? Kahit na inaakbayan niya na ako ngayon? Hanggang doon na lang ba talaga? Sa loob ng siyam na taon, ni-isang persyento wala man lang ba siyang nararamdaman sa akin?

"Tamara never expected that she would summon a servant just by dialing a random number without service." Nanlaki mata ako nang binabasa na pala ni Kaden yung sinusulat kong bagong story. Akmang aagawin ko na sana yung notebook ko pero sinusumpa ko na lang talaga yung tangkad niya.

"Huy! Akin na nga yaan! Ang bad mo talaga!" Tumatalon na ako para bawiin yung notebook ko pero sinusumpa ko rin yung mahaba niyang braso. Nakatingala siya habang nagbabasa kaya lalo akong naiinis. Kung ako tumangkad, ihahagis ko siya sa karagatan tss.

"He only wanted one thing in return for his full-packaged service--"

"Kaden naman!"

"Her beating heart--"

"Akin na sabi!" Napatigil naman siya para tignan ako ng seryoso.

"Hindi ko alam kung sadista ka ba talaga o sadyang mahilig sa patayan." Napairap lang ako sa kanya dahil ayaw niya pa rin ibalik yung notebook ko.

"Akin na kasi!" Inakyat ko na siya para bawiin iyon. Tawa naman ng tawa si Kaden at sinusubukang hindi mawalan ng balanse. Maabot ko na sana nang ma-realize kong magkatapat na pala ang mga mukha namin.

I blinked twice as to how our lips are a few inches away from touching. Napalunok naman ako sa kaba ng titigan niya ang mga ito.

"You know," sabi niya't dahan dahan akong binaba sa sahig, "write more stories that comes from the heart. Something that makes every single reader feel what the characters are feeling. Make them feel something worth feeling. Write from the heart, Sky. Your heart bears more stories than your brain."

Matapos non, tinawag na siya ng coach niya para ipagpatuloy ang football practice. Napahinga lang ako ng malalim at niyakap ang notebook ko. You're right, Kaden. You are right.

17 years old

Mamatay ka na sana, Kaden Smith.

Noon pa ata ako nagpaparamdam sa kanya pero lagi niyang binabalewala. Bahala siya sa buhay niya. Tanggap ko pa rin naman ang status naming 'bestfriends' pero wala na ba talaga akong pagasa? Makaakbay sa akin wagas. Makahalik sa noo wagas. Maski uminom sa iisang bote, wagas din. Bahala na siya! Peste!

Malakas kong sinara ang locker ko at bumungad si Kaden na nakasandal doon. Nakangiti siya ng malawak kaya napairap lang ako. Hindi mo na ako maida-daan diyan.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan? Para kang asong ulol." Sabi ko. Napatigil ako sa pagsibat nang abutan niya ako ng bulaklak. T-teka, hindi ba pangit na siya sa paningin ko?

"Happy Valentines," sabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko pero naudlot. "Is it alright if I ask you to look for a date for me? Not in a mood to find someone to bring for prom." Napairap ako at padabog na kinuha yung bulaklak.

"Ewan ko sayo." Sabi ko at iniwan na siya doon. Ayaw niyang maghanap ng partner dahil hindi niya raw kayang saktan si Amber. Tss. Andito naman ako ah, bakit hindi na lang ako ang ayain niya?

Tinapik ko yung babaitang pinaglihi ata sa kulay pink at binigay sa kanya ang bulaklak.

"Kaden's gonna pick you up at 7." Wala gana kong sambit at pumunta na sa class ko. Rinig na rinig ko hanggang dito yung tili niya. Sana all nabibigyan ni Kaden ng bulaklak.

Tinabihan ko si Kaden. Buset. Bakit kasi kaklase ko pa siya sa Physics?! Umuusog ako palayo sa kanya dahil masama ang loob ko. Ninakaw niya yung lapis na hawak ko at sinulatan yung papel na nakalatag sa desk.

Who's your partner for prom?

Tinignan ko lang siya saglit at umiling.

Not interested.

More like, no one's interested on me.

Napatitig lang siya sa akin ng panandalian bago nagsulat.

Then let's ditch prom and go to my house for a movie. What do you say?

Hindi ba dapat naiinis ako sa kanya?

Sure.

20 years old

"Wake up, sleepyhead." Ayos na sana kaso binato ba naman ang unan sa akin. Noon ko pang pinapangarap na mawala na si Kaden sa mundong ito pero hindi pa nangyayari. Now would be the right time if ever.

"Kaden fucking Smith!" Padabog kong kinuha yung unan ko at hinabol siya palabas ng bahay namin. Tawa naman siya ng tawa habang tumatakbo nang nakasuot lang ng hoodie at shorts. "Halika dito!"

"Nah, man. I treasure my life." Hinabol ko pa rin siya kahit sa ilalim ng ulan. Tsk. Umagang umaga tapos umuulan. Bigla na lang napatigil sa pagtakbo si Kaden at nilapitan ako. Agad ko naman siyang binato ng unan pero sinalo niya lang ito nang seryoso ang mukha. "Be still."

Aangal na sana ako pero hinubad niya ang kanyang hoodie at sapilitang pinasuot iyon sa akin kahit basa. Lumapit siya sa may tainga ko.

"Bakat." Namula naman ako agad dahil naalala kong puti pala yung pajama ko. "Nakakadismaya kaya takpan mo na lang." Lalo ko siyang pinalo sa balikat at tinalikuran.

Sa loob ng isang taon na magka-roommates kami, masaya ako. Kahit na si Amber lagi ang bukambibig niya, okay lang ako. Basta makasama ko siya sa bawat food war, movie marathon, sleepovers sa kwarto, ganon. Ayos lang dahil bestfriend lang naman ako.

Pero nakakasakit na.

****

Iniisip ko kung anong pwedeng gawing title ng bago kong libro. Napatingin ako sa TV at nakita ang litrato nina France Xavier Almante at Amber Yashelli Santibañez. Patok sila ngayon sa media ah. Damn, I wonder how Kaden's feeling right now after this?

"Damn it!" Napalingon na lang ako sa pinto nang malakas itong sinara ni Kaden. Pulang pula ang kanyang mukha sa sobrang galit. "I'm supposed to be her boyfriend! Not to that arrogant jerk of a celebrity!"

Nagulat na lang ako ng nagdadabog na lang siya bigla. Agad ko namang pinatay yung TV dahil pinapalabas yung interview nilang dalawa.

"Maybe she doesn't remember being in love with you." Sabi ko saka sumandal sa sofa. "What if she's really in love with France?" Sinamaan niya ako ng titig.

"So you're on his side?" He scoffed out loud. "Wow, the fact that you're my closest friend. You know what? Hindi mo rin lang maintindihan."

Dito na ako napatayo sa galit, "I know exactly how it feels, Kaden! Yung tipong binibigay mo na ang lahat para sa kanya pero hanggang ngayon hindi pa rin mahal? Alam ko iyon, Kaden. Ilang taon ko ng nararamdaman yan at palagi kong tinatanong sa sarili ko kung tama pa bang maghabol? Tama pa bang magmahal sa taong walang chansang mahalin ka pabalik?"

Kumunot noo siya, "What does that supposed to mean?"

"You know exactly what that means! I love you, Kaden! I love you! Ilang beses ko pa bang sasabihin yan para lang mapakinggan mo ako?! Amber doesn't love you. I do." Nagpunas na ako ng mga luha ko saka kinulong ang sarili sa kwarto.

Kaden, tama na. Ako na lang please. Ako na lang.

May kumatok sa pintuan ko at alam kong siya iyon. Hindi ko siya pinansin. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga ng malakas.

"I don't even know anymore, Sky." He exhaled. "There's a part of me that's telling me to let go of her. I don't know why I can't." Tumawa siya ng marahan. "Or why I should."

Yinakap ko lang ng maiigi ang akin unan. Masakit na. Huwag mo na ituloy, Kaden. Alam ko namang hindi mo siya kayang bitawan.

"But there's also a part of me that's telling me that maybe I'm in love with someone else. Is it possible to fall in love with two people? I don't know. I tried my best to chase after her but she's long gone. I don't want to fall for you, Sky. It's not because you're unattractive, hell, you're one of the prettiest girls I've ever met. Talented, even. But I don't want to hurt you, considering how I'm still stuck on Amber." Naririnig ko ang mga hikbi niya. "I don't want to hurt the person I care about the most. For all these years we've been together, it's impossible to not fall for someone like you. So I controlled myself, containing what I really feel towards you."

Napakurap ako. Is he confessing to me?

"I like you, Sky. But I don't want to fall just yet."

Bumaba ako sa higaan ko't pinagbuksan siya ng pinto.

"I don't want to hurt you." He says as he closed his eyes shut.

"I'm used to the pain."

He opened his eyes and swiftly pulled me closer to crash our lips. He said sorry in between our kisses that made my heart scream with infinite joy.

****

"So what do we do now?" Tanong ko kay France habang pinapanood namin si Amber na naglalakad patungo kay Kaden. Hinawakan lang ni France ang balikat ko.

"It's a nice day to ruin a wedding." Napatango lang ako at pinanood si France na tumayo. "I refuse to believe that she is in love with the man she is about to marry. She deserves to love someone who loves her and who is worthy of having her."

^^Chapter End^^

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

2.1M 61.2K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
117K 2.8K 20
What if your bestfriend asks you to stand-in for her on her wedding day para lang matakasan ang lalaking gusto ng mga magulang niya para sa kanya? Pa...
141K 3K 17
James Matthew Cirillo is the eldest son of Irish Hearts and Jeremy Cirillo. Dahil sa takbo ng love ng kanyang magulang ay ipinatupad ng tatay niya na...
13.6K 1.2K 43
Iisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagm...