Chapter seven: your name

5.3K 120 3
                                    

Amber's POV

Why am I doing this?

Matapos sabihin ni tita na kailangan ko ng boyfriend kagabi, umagang umaga pa lang ay kinaladkad niya na ako papunta sa dating centre na ito. Hanapin ko raw si Mr. Right. Nawalan na ako ng choice dahil ayokong pakasalan si Kaden Smith. Pesteng buhay ito.

Inayusan na rin ako ni mudra kanina. Makeups, hairstyle, manicure, dress ups, at kung ano ano pa na kinaiinisan ko. Si Cheska naman ay tuwang tuwa kanina habang pinapanood akong magbago ng anyo. Mukha na akong tao buset.

Pumasok na kami sa loob at pinaupo sa may girl's section. Bawat booth ay may pila ng mga kalalakihan. Damn, sino kaya ang gumawa ng centre na ito? Hanep maging cupido eh. Nang makaupo ako sa booth ko, nagulat na lang ako nang magsilipatan yung iba para pilahan ako. Napalunok lang ako sa kaba hindi dahil sa haba ng pila, kundi ang mga masasamang titig na binibigay sa akin ng iba pang mga babae.

Sana lamunin na lang ako ng lupa ngayon dahil nahihiya na ako.

"Lots of choices! Great! Have fun, dear." Sabi ni mudra saka ako hinalikan sa pisngi bago umalis. Namutla ata ako dahil sa hiya at awkward na ngumiti sa pila. Pinagpapawisan pa ako dahil yung iba ay may medyo katandaan na.

Sana nagonline na lang ako.

Ang unang umupo sa harap ko ay nakasalamin at may manipis bigote. Naka-hawaiian shirt ito at khaki shorts. Akmang hahawakan niya sana ang kamay ko pero sinamaan ko agad siya ng titig. Nakita ko kung paano siya napalunok sa kaba at naging isang linya ang labi.

John Leonard Luis Micandro Venudai Shailani Garner Henrietta D.C. San Jose

Halos masamid pa ako nang mabasa ko ang pangalan niya.

"Paano nagkasya yung pangalan mo sa NAT?" Unang tanong ko at napakibit balikat lang siya.

"Trust me, baby. Something's longer than my name that you would surely love." Nagsitaasan ang balahibo ko ng kindatan niya ako.

"Yeah, no thanks. NEXT!"

***

"Then I have this goldfish that I really love but my little sister flushed it so now I bought three turtles instead and blah blah blah." Halos bumagsak na ang ulo ko sa kakakinig sa pangalawang lalaki. Buong buhay niya na ata ay nakwento niya sa akin pati love story ng magulang niya nakwento niya na rin. Partida, ten minutes lang ang time limit pero nakwento niya ang lahat ng iyon under four.

"Jeez, can you stop talking? Teacher nga hindi ko pinakikinggan, sayo pa kaya. NEXT!"

***

"And your name is Levi Christian Roswell?" I asked once again. Pogi naman siya at ang lakas ng dating. Lahat na nga ng babae dito ay naiin-love sa kanya. Maliban sa akin.

"What do you say if we run away together?" Tanong niya saka hinalikan ang kamay ko. Agad ko namang binawi ito saka pinunasan. Sasagot pa sana ako ng hindi nang may biglang pumasok na babae na puro itim ang suot.

"Levi, you dipshit! You're in the wrong book!" Hinila nung babae yung tenga niya palabas.

"Call me!" Sabi ni Levi kaya awkward lang akong umiling. Indeed, ibang libro ito, Levi tsk tsk.

***

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang pagod. Tatlong oras na ang nakalipas at wala pa rin akong nahahanap na wastong lalaki. Akmang tatakas na sana ako nang may umupong lalaki sa harap ko.

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon