Chapter five: i'm sorry

4.8K 146 4
                                    


Amber's POV
Four months of pregnancy

So ganito pala ang mabuntis.

Ilang linggo akong pabalik balik sa may palikuran para magsuka. Sobrang sensitibo lahat ng senses ko. Nung isang linggo, pinalayas ko lahat ng tauhan sa bahay namin dahil sa sobrang tapang ng pabango nila. Pero pinabalik ko rin lang sila kasi namimiss ko sila agad.

Then something new got into me. Bigla ko kasing nahiligan ang marshmallows. Lagi akong nagpapabili sa mga magulang ko o kaya'y yung mga personal driver ko. Naiiyak ako tuwing walang marshmallows sa pantry namin.

Apat na buwan na simula nung nasabi ko na ang lahat kay Annie at sa mga magulang ko. Si mama lang ang nakakaalam kung sino ang ama kasi wala naman silang pakialam kung sino basta merong apo. At saka baka huntingin pa nila sa bahay nila o kaya'y iimbitahin nila rito para magpasalamat. I don't look forward to either of those.

Andito ako ngayon sa kusina nagpapaturo kay mama't mudra kung paano ba talaga magluto. Baka sakaling wala akong kasama dito sa bahay, may alam kong mailuluto. Lahat na ata ng mga specialty nila alam ko na kung paano lutuin. Kaya lamon naman ako ng lamon matapos akong magluto.

Five months of pregnancy

Napapikit ako ng mariin nang lagyan nila ng gel ang tiyan ko. Ang lamig kasi tapos nakakakiliti. Imbes yung anak ko ang sisipa, baka ako makakasipa sa obgyne eh. Kasama ko yung mga magulang ko na ngayo'y nakafocus sa screen. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil desperado na talaga nilang makita ang apo nila.

"Lalaki po." Napatalon sa saya si papa. Napangiti lamang si mama pero dismayado dahil gusto niya babae ang apo nila. Samantalang ako naman ay walang imik dahil iniimagine ko na nandito rin yung tatay ng anak ko. Masaya rin ba siya kung may mini France? Teka, bakit ko nanaman siya iniiisip?! Bahala siya sa career niya.

"Yes! Rarami pa ang Santibañez!" Napayuko ako at napapikit ng mariin. Kung alam lang siguro niyang may anak siya, may magmamana ng apilyido niya.

"No, I think it's a girl." Tinignang maiigi ng doctor yung screen saka napatango. "Congratulations, Ms. Santibañez. You have a girl." Masayang sabi nung doktora pero peke lang akong ngumiti. I mean, masaya naman ako dahil may anak akong babae. Pero siguro mas sasaya ako kung buo kaming pamilya.

Napahiyaw at napatalon talon naman si mama, "Yes! May isasama na akong magshopping tapos ime-make over ko siya tapos ipapasok ko siya sa modelling classes tapos sisikat siya tapos blah blah blah." At ayun na nga, dumakdak na ng dumakdak ang matanda at nagplaplano na rin ng future ng anak ko. Aba't bibilhan pa nga niya daw ng catwalk pero hindi ako pumayag.

Seven months pregnancy

Nakahiga ako sa may kama habang nanonood ng TV. Hinahaplos ko rin kasi ang tiyan ko habang napapangiti. Natutuwa rin ako tuwing tumatadyak yung anak ko kahit na nakakagulat at medyo masakit. Nakaisip na nga ako ng pangalan niya na konektado sa pangalan ni France. Pumayag na rin yung mga magulang ko sa pangalan na naisip ko.

Medyo tutol nga si Annie kasi lalo raw akong masasaktan kung iyon ang pangalan niya. Pakialam niya ba. Yung anak ko lang ang tanging pruweba na may nangyari nga sa amin ni France.

"Mahal kita, at hinding hindi kita susukuan. Kahit na umabot ng ilang taon, hinding hindi kita bibitawan. Sa akin ka lang, intindi mo? Ako lang ang nararapat na mahalin ka."

Napangiti ako nang sabihin iyon ni France sa ka-loveteam niya. Pinapanood ko kasi yung bago niyang palabas. Ang tanga ko rin ano? Hahaha! Pinapangarap kong sana dumating ang panahong sa akin niya rin sasabihin yan. Ano ba ang magagawa ko? Wala kundi umiyak.

"Anak oh, ayan si daddy mo. May bago nanamang ka-loveteam haha. Masaya naman siya kahit wala tayo. Ayos lang iyon sa atin diba? Kakayanin ko naman na palakihin ka magisa eh. Ganon kita kamahal, baby. Hinding hindi kita bibitawan o kaya'y magsisising naging nanay mo. Hinding hindi kita papabayaan kahit kailan. I love you with all of my heart." Hinaplos ko ulit ito. Ganito parati ang gawain ko bago ako matulog. Kinakausap ko siya lagi para hindi niya maramdamang wala siyang magulang. Ako na nga lang ang meron siya, kaya hindi ko makakayang iwan siya.

"Magkakaroon ka ba ng girlfriend France? Ito ang patok na tanong ng mga francesters ngayon." Bumaling ako sa TV nang marinig na nagiba na pala ang programa. Pinanood ko kung paano umayos ng upo si France saka natawa ng marahan. Lumapit pa ako sa TV para pakinggang maiigi ang sagot niya.

"If ever mahahanap ko si perfect girl." Natawa lang ako sa sagot niya. Who am I to kid? I'm just a dumb girl who he impregnated. Napahiyaw naman yung audience kaya lalong napangiti si France.

"Meron pa silang tanong, France. Kung baka sakaling nakabuntis ka ng isang fan, ano ang gagawin mo?" Teka! Pinariringgan ata ako ng interview na ito ah! Napakamot siya ng ulo sa gulat dahil narinig niya nanaman ang tanong na yan.

"Hmm, that will never happen. I mean, I will never do that in the first place because I'm too busy in school and at work. I want to live my whole life as a succesful bachelor and would always be available to my fans." Kinindatan niya pa ang camera kaya napatili naman ang mga tagahanga niya. Bumuhos nanaman ang mga luha ko saka binato ng unan ang TV.

Busy? Busy?! Aba manloloko itong gagong ito ah! Pumunta nga siya sa bar namin tapos busy?! So paano ko na nga masasabi sa kanyang may anak na siya kung masyado siyang busy para panagutan ito?!

Binato ko nanaman yung TV ng kung anong mapupulot kong gamit hanggang sa mabasag ito. Pinunit ko na rin lahat ng posters niya dito sa kwarto ko at hinagis kung saan.

Walang hiya ka, France. Walang hiya kang artista ka.

"Franceska, anak. Mukhang hinding hindi mo na makikilala ang daddy mo..." Malungkot kong sabi.

Franceska Yacielli Santibañez, I'm sorry kung lalaki kang walang daddy.

^^Chapter End^^

Natatawa lang ako kasi yung names nila eh hawig sa real name ko. Wala skl.

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon