Epilogue

3.4K 57 3
                                    


Third Person's PoV

Mabagal na pumasok si Amelia sa loob ng venue.

She glared at every single detail that this place have. The guests, the lights, the flowers, and the simple feast laid out by the corner. Napapalingon rin siya sa paligid niya at napa-pamilyaran ang mga ibang bisita dito. Gaya na lamang ang pamilya Almante na masayang kumakain sa table nila.

Nanginig ang mga kamay ni Amelia sa galit nang makita niya ang bride at groom na sumasayaw sa may dancefloor. Tumatawa ang magkasintahan kahit na mali mali na ang sayaw nila. Rinig na rinig din ang hiyawan ng mga barkada nila sa gilid at maski si Elle napapa-cheer din.

Susugod na sana si Amelia pero hinarangan siya ng isang binatang may dalang pagkain.

"Kain, 'ma." Ngumiti pa ito.

Napakurap ang matandang babae, "Dimitree? Anong ginagawa mo dito?"

Napakibit balikat lang si Dimitree at tinignan yung bagong magasawa. Lalong hindi makapaniwala si Amelia dahil imbitado rin pala siya dito.

"Alam mo, 'ma? Hindi ka pa ba kuntento sa pag-abandon mo sa akin?" Dimitree met his mother's eyes. "Hindi ka man lang natuwang nakita mo ulit ako."

"Palibhasa! Paano ako matutuwa kung ikinasal yaang kapatid mo sa lalaking hindi karapat dapat sa kanya!" Napatigil ang lahat nang napasigaw si Amelia. Kinabahan naman bigla yung bagong kasal at niyakap ang isa't isa. "Pangalawang beses na akong trinaydor--"

"'Ma, huwag dito." Tinakpan ni Dimitree ang bibig ng nanay niya. Sinenyasan niya si Amber na kailangan nilang magusap ng pribado. Tumango naman ang dalaga. Lumabas silang magiina at binitawan na ni Dimitree ang nanay niya.

"I can't believe this." Amelia groaned out loud. "You two are scheming against my back. How can you both do this to me?!"

"Take a guess, mommy." Sabi ni Amber. "Pinaampon mo kami dahil hindi ka pa handang maging nanay namin. And now you're acting like one by ruining our happiness!" Napaatras ang nanay niya dahil napataas ang boses ni Amber.

"Please, 'ma. Tama na yung ginawa mo sa akin. Just leave my sister alone." Dimitree stepped in front of his sister as if protecting her. "You forced her to have an heir. That's too much. Now you're planning to break apart her family. Now that's even worse. Can you even call yourself a mother after doing these cruel things to us? To her?"

Napatameme naman si Amelia. Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ni Dimitree sa kanya.

Niyakap ni Amber ang nanay niya, "I love you, mommy. Despite all of these things, I still love you. Pinagbigyan ko na kayo sa kasiyahan niyo. Now please allow me to be happy too."

Humiwalay sa yakap si Amelia at sinapo ang pisngi ng kanyang bunso. Unti unti siyang napapaluha bago tumango ng mabagal. She's finally accepting the fact that she was wrong. She is now embracing what her children wants in life as their mother. True happiness.

Napalingon silang tatlo nang may nagklaro ng lalamunan mula sa kaliwa. Napangiti lang si Amelia sa kanya't nilapitan para yakapin.

"You better make her happy." Bulong ng matanda kay France at natawa.

"Yes, ma'am." Bumaling siya sa kanyang asawa at nilahad ang kanang kamay. "Ready for their speeches?"

Tinanggap naman ito ni Amber, "as if may choice ako."

Amber's POV

Nagsi-upo kami sa mga pwesto namin at unang umakyat si Annie sa entablado. Nagkangitiian lang kami dahil pareho kaming hindi inasahang mangyayari ang araw na ito. Dati karamay ko lang siya sa mga kilig fantasies ko with France, now I'm married to him. An official Mrs. Almante.

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon