INTRO

15.9K 252 13
                                    


Isa akong brat. Oo na inaamin ko na.

Lahat ng gusto ko ay nasusunod lalo na sa mga pagkaing paborito ko. I mean, masisisi niyo ba ako kung may kaya ang mga magulang at mga tiyahin ko? Pinalaki nila akong sanay na nakukuha lahat ng gusto. Pero sa halip nun, may gusto silang dapat magkaroon ako.

Boyfriend.

Hindi ko alam kung bakit pero gusto na nila ako makapaghanap ng jowa. Gusto na rin nilang magkaapo para naman daw may bagong heir sa kumpanya ng tiyahin ko. Hindi raw ata kasi para sa akin ang pwestong iyon ih. Aba malay ko sa mga yun.

Lahat ng bagay nakukuha ko pero yung tao na crush na crush ko talaga, hindi ako pinapansin. Patay na patay na patay ako sa kanya. Akalain niyo yun? Lahat ng litrato niya nasa kwarto ko. Lagi ko siyang pinapanood sa telebisyon dahil isa siyang sikat na sikat na artista na kilala sa buong mundo, samantalang ako, anak lang ako ng isang CEO sa kumpanya namin. Alam ko naman na magara ang buhay ko pero...T^T he's a celebrity and no doubt he is also rich and popular.

Kilalang kilala ang pangalan niya sa mga interviews, movies at television eries. May mga commercials pa siya ng iba't ibang mamahalin na brands.

Pero ang the best na part ay nakaenroll siya sa paaralan na pagaari naming mga Santibañez. Lagi  ko siyang nakikita araw araw kapag pasukan at siya ang dahilan kung bakit palagi akong kinikilig tuwing nakakasalubong ko siya siya. Lumalabas lagi ang fangirl side ko tuwing anjan na siya. Can't help it, patay na patay ako sa kaniya eh.

Ngunit sumapit ang gabing nagbago ang takbo ng buhay ko. Naglakad na siya--joke. May grasyang ibinigay sa akin. Wala siyang natatandaan ngunit ako meron. Masyado pa akong bata noon at umaasa akong pnanagutan niya... pero unang pumasok sa isip ko ang kaniyang reputasyon. Madaming 'francesters' ang babalatan ako ng buhay for sure.

Nung nalaman ko ang katotohanan sa likod niya, binawi ko na ang mga nararamdaman ko sa kanya. Isa siyang arrogant, possessive, coldhearted boy. Nawala lahat ng nararamdaman ko sakanya. He is not even that kind, malayo ang image niya sa TV sa image niya sa personal. Napakalayo na parang from NCR to Davao.

Then nangyare ito, imbis ako ang humabol sa kanya... siya na ang humahabol sa akin. Nagbago ang buhay ko at ito ang aking storya...

A Deal with a Star

A/N: be aware of incomplete sentences. Mabilis kasi ako magtype. Typographical errors, syempre dahil na rin sa kabilisan kong magtype. Wrong grammars, dahil na din sa pagmamadali ko dahil inaantok na ako. Tamad akong author eh hahaha.

If hindi interesting ang story for you, kindly not read it further. Lalo ka pong babangungutin.

Previous title: My Possessive Contract Boyfriend

THANK YOU!

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon