Chapter forty: expiry date

1.7K 46 2
                                    


Amber's PoV

Napatigil siya sa pagdribble at mabagal na lumingon sa gawi ko. Bakas sa mukha niyang hindi ako inasahang pumunta dito. Kahit na isang buwan lang ang lumipas na hindi kami nagkikita, it felt like years to me.

He just stood there frozen. Disappointment fills me since I expected him to hug me or at least crash his lips on mine. Pero wala.

Fifteen seconds.

Fifteen seconds lang niya ako tinignan bago pinagpatuloy ang pag-dribble. He scored three points.

"France," tawag ko ulit pero hindi niya ako pinapansin. Ako na lang mismo ang lumapit para yakapin siya. Napatigil naman siya sa pag-dribble at hinayaan akong yakapin siya.

Hindi ko alam kung anong reaksyon niya ngayon dahil nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. His sweet scent made me hug him tighter.

But he didn't hug me back.

"Okay ka lang ba? Pagod ka ba? Gusto mo ba ng tubig?" Sunod sunod kong tanong bago sinapo ang kanyang kanang pisngi. He looked at me with his lifeless eyes. "Gusto mo bang magpahinga?" Tanong ko ulit nang hindi siya sumagot.

Tumulo ang pawis mula sa temple niya at akmang pupunasan ko sana ito. Pero pinigilan niyang dumapo ang kamay ko sa pawisang balat niya. I got taken aback by what he did especially when he turned his back on me.

Halos maibaon na ang mga paa ko sa lupa dahil sa sobrang sakit. Parang wala lang sa kanyang nandito na ako at nagpatuloy lang sa paglaro ng basketball.

"F-france, okay ka lang ba?" Tanong ko ulit pero hindi ako pinapansin. "France..." my voice broke by the moment I said his name, "talk to me please. Are you okay?"

He kept on dribbling the damn ball.

"France, utang na loob at kausapin mo ako -"

"Gusto ko akong kausapin? Sige! I'll answer your question." Nanigas ako ng malakas niyang pinatalbog ang bola. "Ako? Okay lang? Sa tingin mo magiging okay ako matapos ang lahat? I'm this close of losing my career, I've been banned from seeing my daughter, then the woman I love is getting married to someone else!"

Huminga siya ng malalim bago napaupo sa sahig.

"I'm not okay. Does that answer your question?" Tumawa siya. "Tapos malalaman ko na lang na sa susunod na buwan na pala ang kasal niyo. Putangina, Amber. Sa tingin mo magiging ayos lang ako?"

"Neither of us expected this, France. Biglaan lahat ng ito. Sa tingin mo ba ginusto kong mangyari ito? I love you, France! You and not Kaden. Ikaw ang gusto ko at ikaw ang pakakasalan ko -"

"Stop it, Amber!" Napatigil ako nang taasan niya na ako ng boses. "Stop making it harder for me." He exhaled.

Lalapitan ko na sana siya pero tumayo siya agad para layuan ako. Another pang on my chest. Napahilamos lang siya ng mukha at buong tapang na tinignan ako.

"I want to break up with you."

I blinked twice.

I felt something stabbing my heart right now. Unti unting bumagsak ang mga luha ko sa sinabi niya.

"Y-you want to b-break up with me?" Nanginginig kong tanong. "Makikipaghiwalay ka sa akin nang parang wala lang ang lahat ng pinagdaanan natin?"

Tinalikuran niya lang ako para pulutin yung bola sa gilid. Sinubukan kong hindi himatayin sa sobrang sakit. Nanghihina ang mga tuhod ko at gusto kong mabura na.

"It's already in the past."

Bumalik sa akin ang mga alaala naming dalawa pero unti unting naglaho. Bigla kong naalala si Cheska at lalong kumirot ang dibdib ko.

"Paano na ang anak natin?" Tumigil si France sa pag-dribble para tingnan ako. His words slowly breaks me.

"Kaden will be a better father."

Napakagat na lang ako ng labi para pigilan ang pag-hagulgol. Napapikit ako ng mariin at sinubukang sabihin ang mga natitirang katanungan sa isip ko.

"Paano na tayo?"

Nag-shoot muna siya ng bola bago humarap sa akin ng walang emosyon.

"You deserve a man like Kaden. He'll treat you better for he is made for you." Bumuntong hininga siya. "Not me, Amber."

Binitawan niya ang bola at hinayaan niya itong gumulong kung saan. Tinalikuran niya na ako ng tuluyan at dumiretso palabas. Tinawag ko siya pero hindi niya na ako liningon.

"France..." tawag ko ulit pero patuloy pa rin siya sa paglalakad.

Napasabunot ako sa sarili at sinundan siya. Niyakap ko siya mula sa likod at binuhos na ang mga luha ko. Humagulgol na ako sa likod niya. Napatigil naman siya sa paglalakad at rinig ko rin ang mga hikbi niya.

"Stay please..." I begged.

"If only you..." he stopped himself from speaking further. "I need to go, Amber."

Buong lakas ko siyang niyakap para hindi siya makawala pero hindi na kinaya ng mga tuhod ko. Unti unting bumagsak ang mga ito sa sahig. Pinanood ko lang na mawala sa paningin ko si France sa sobrang labo na ng paningin ko dahil sa luha.

He's gone.

He officially left me.

And it's the fifth month of our contract. He officially ended it. Kahit na officially ng wala na ang kontrata, si Kaden pa rin pala ang bagsak ko.

Napahiga na lang ako sa sahig at doon na tuluyang lumuha. Tatlong oras na akong nakahiga doon at nawalan na ng pakialam sa anong mangyayari. Tanginang buhay ito. Tinitigan ko lang ang kisame at tinuro ito.

"Anong nangyari?" Tumawa ako ng malakas. "Paano nangyari iyon?" Napaiyak nanaman ako saka tinagilid ang ulo. "France... France... France..."

I kept on saying his name until my eyes are getting heavier.

"France..."

Tinatamaan na ako ng antok at hinayaan ko lang itong dumating.

"F-france..."

Napapikit na ako ng mariin. Bago pa man ako sakupin ng dreamworld, may narinig akong nagsalita pero hindi ko na matukoy kung sino.

"Let's get you home, baby."

^^Chapter End^^

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon