Chapter four: how it is

4.7K 132 1
                                    


Amber's POV

Nababaliw na ata ako.

Simula nung nakita ko yung resulta ng pregnancy test, hindi ko na alam kung tatawa ba ako o maiiyak. Kanina pa ako umiiyak habang tumatawa. Ang gulo ko na nga eh. Umiiyak ako kasi masisira na ang reputasyon niya, natutuwa kasi hindi na ako iistorbohin nila mama't papa at saka ang ama ng dinadala ko ay si France Xavier Almante. Masyado pang maaga para mabuntis ako pero ito...

Wala na.

Sasabihin ko pa ba kay Annie? Baka huwag na. Bahala na nga't makalabas na. Nadaanan ko nanaman yung mga litrato ni crush kaya sinubukan kong huwag pansinin ito. Bumaba na ako't naabutan sina mama't papa na todo ang ngiti sa akin sa may sala. Nanoot ang noo ko saka tinignan kung sino yung kausap nila. Nasurpresa ako dahil si France ang nandoon. Gusto kong bumalik sa taas para magayos kaso nakita niya na akong ganito.

"Oh thank goodness you're here!" Mama exclaimed before putting an arm over my shoulder. "Positive ba?" She asked and I only stared at her. She smiled widely.

"Good! I'll tell them-"

"No!" Pinigilan ko si mama na makalapit sa pamilya ni France. Naririto rin kasi ang parents niya eh kaya lalo akong nahihiya. Mabuti na lang at busy sila sa paginom ng tsaa at di kami naririnig.

"Why not? Hindi ba ito ang pangarap mo, anak? Ang makasama siya?" Sinamaan ko siya ng tingin. How the hell she would think that a popular celebrity would want to settle down with the likes of me?

"'Ma, please lang. Mas gusto ko pong tago ang impormasyong ito. Please lang po. I'll tell him na lang kapag ready na ako." Pagmamakaawa ko at mabagal siyang tumango. Mapait siyang ngumiti sa akin saka niyakap.

"Sure, honey. Anything for you." Matamis niyang sabi bago kami lumapit sa kanila. Napako ang mga mata ko sa pwesto ni France. Ang gwapo niya kasi ngayon-well, araw araw naman eh. Nakat-shirt lang siya ng puti saka jogging pants na itim. Kumikinang pa yung suot niyang dog tag. Nang napalingon siya sa akin, agad naman akong umiwas saka klinaro ang lalamunan.

"France honey, would you like to give us adults some privacy?" Tanong ni Mrs. Almante. "Will you hang out with Amber in her room for a while if that's alright?" Napalingon sa akin yung babae kaya napalunok ako sa kaba. B-bakit sa kwarto ko? Madaming hindi pwedeng makita doon! Nakakahiya!

"S-sure." Nautal pa ako sa sobrang kaba. Tumayo na si France at binulsa ang mga kamay niya. Hindi ko alam kung style ba iyon o sadyang magulo ang buhok niya. Bagay naman niya kahit papaano. "I can show him around instead." Sabi ko at napatango sila.

Nakayuko ako habang naglalakad kasama siya. Dumako kami sa garden at sabay kaming umupo sa may swing na may bubong. Nasa tapat kami ng fountain at pinanood namin ang pagagos ng tubig. Gusto kong sabihin na sa kanya na magiging tatay na siya ng anak ko pero napigilan ko agad ang bibig ko.

"Star section ka 'no?" Unang tanong na naisip ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko sa sobrang hiya. Anong klaseng tanong yan?! Alam ko naman ng nasa star section siya eh! Tss!

"...yeah." Kunot noo niyang sagot habang nakatingala. Tinignan ko rin kung ano yung tinitignan niya doon at nanlaki mata.

F + A = <3

Aisht! Last year ko pa cinarve sa kisame yan! Nakakahiya!

"M-may naaalala ka ba kagabi?" Tanong ko para hindi niya na pagtuunan ng pansin iyon. Napaisip naman siya saka napakamot ng ulo.

"None, why?" Natawa siya ng marahan. "Well, except sa pagiging sobrang lasing natin, wala na akong maalala pa." Halos makapusan ako ng hininga nang marinig ko nanaman ang boses niya. Argh! Patay na patay talaga ako sa lalaking ito Napangiti rin ako sa ginhawa. Mabuti na lang at wala talaga siyang maalala kagabi.

"Ahh kasi nahulog mo ako sa hagdan kagabi. Alam mo, masakit pa rin hanggang ngayon iyon." Natawa kaming pareho.

"Haha I'm really sorry about that." Klinaro niya ang lalamunan niya, "By the way, bakit dalawa ang parents mo?" Takang tanong niya.

"Ah ehh..." napakamot ako ng ulo, "Yung totoong magulang ko ay sina Robert at Amelia Santibañez, yung kasaup ng mga magulang mo ngayon. Sila talaga yung CEO at COO ng kumpanya namin. Samantalang yung nagmamayari ng school natin ay si tita Bernadette ko, mudrabells tawag ko doon. Magkambal kasi sina papa at mudra ko. Pareho pa nga sila ng hinihiling eh..." hindi ko na sinabi na APO ang gusto nila kasi baka madulas ako.

Napatango tango naman siya, "Kaya pala. Actually, we're here because we'll be your company's new advertisers. Especially me."

"Ah, kaya pala." Akala ko pa man din. T-teka, bakit ako umaasa na ako ang dahilan kung bakit nandito siya? Aisht! Kaya ang hirap umasa sa crush ko eh. Bumuntong hininga ako, "France."

"Hmm?" It's now or never to ask.

"If ever may nabuntis ka, hindi ko sinasabing playboy ka ha, anong gagawin mo?" Tanong ko. Napatitig lang siya bago napakunot noo.

"Wow, you're the first to ask me that. Paparazzi ka ano?" Biro niya pero peke akong tumawa. Klinaro niya ang lalamunan niya, "Ano nga ba ang gagawin ko?" Aba malay ko, ako ang nagtatanong eh. "Honestly, hindi ko alam. Hindi ko kasi makita ang sarili ko na may nabuntisan lalo na kung gusto kong maging bachelor hanggang sa pagkamatay ko."

Bakit parang bumigat ang dibdib ko. Napahinga ako ng malalim at saka pekeng tumawa muli.

"Pananagutan mo ba if ever?" Napasandal siya sa swing saka pinaandar ito.

"If that would ever happen, which it won't, it depends on how stable my career is." Pinalikod ko ang kamay ko bago ito kinuyom hanggang sa mamuti ang mga knuckles ko. Napatango tango na lang ako kahit na pinipigilan ko ang sariling umiyak.

"I see how it is." Tanging sabi ko. I pressed my lips into a thin line before looking down. "Tara na, baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Sabi ko saka agad na tumayo't inunahan siya sa loob. Hindi ko muna kayang maharap siya. Depends on his career? Wow. Okay. Napakagaling mong tatay tss.

Hindi na ako nagpaalam sa kanila't dumiretso sa kwarto ko. Humiga ako sa may kama at tinitigan ang litrato ni France. Pinunasan ko ang mga tumulong luha saka binuhos nanaman lahat ng sakit. Napakatanga mo kasi, Amber! Ayan! Inom pa!

Nagvibrate yung phone kong nasa nightstand kaya kinuha ko agad ito.

Annie is calling...

Sinagot ko ito agad, "H-hello, beh." May unting katahimikan bago nagsalita yung best friend ko.

[Tell me everything.]

^^Chapter End^^

I basically changed the whole chapter hahaha! Enjoy!

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon