Chapter twenty six: boss

2.8K 83 0
                                    


Amber's PoV

Ganito pala kasakit iyon?

Kanina pa ako umiiyak sa tabi ng natutulog kong anak. Hindi na bumalik pa si France matapos niyang malaman ang totoo. Bakit pa ba ako umasang matatanggap niya ang magiging rason ng pagbagsak ng career niya? Malaking eskandalo rin ito para sa kanya.

"Mommy, stop crying." Buong palad na ni Cheska ang ginamit niya para punasan ang luha ko. "Daddy loves you naman ih. He'll come back."

I stared at her face blankly. She's all grown up now. I can't believe my baby is comforting me with my lovelife problems. Dinaig pa ako.

"You think so?" Tumango siya. Pinisil ko ang pisngi niya at ngumiti. She is indeed my happy pill.

Pumasok bigla si mudra na may ngiti sa mukha. Mudra, makisama ka naman sa mood kong malungkot oh.

"Go and win him back." Bungad niya. "Isn't this what you've always wanted? A complete family?"

Tumango ako ng mabagal sa tiyahin ko. Hinalikan ko na muna yung anak ko sa pisngi bago lumabas. Hindi pa tapos ang kontrata namin ni France kaya imposibleng mawawala siya ng ganon ganon lang. At imposible ring makakawala siya sa akin dahil ako na ang presidente ng entertainment na kinabibilangan niya. Iyon naman talaga ang pakay ko sa UK eh, ang mabili ang agency niya.

If he's being possessive over me, then I'm just returning the favor. I'm technically his boss now so I know all of his schedules.

Bumaba na ako ng taxi at pumasok agad sa loob ng building kung saan magaganap ang photoshoot. Pinindot ko agad yun UP button ng elevator. Alam kong nasa fourth floor siya ngayon.

The elevator doors opened and he's the first to welcome my sight. And her.

Nakakapit siya ng parang ahas sa braso ni France. Nagulat naman silang dalawa nang makita ako. Namuo ang galit ko para matakpan ang side na nasasaktan ako. Matapos niyang malaman ang totoo, tanggap ko pa kung iiwasan ako. Pero maghanap ng iba? Ibang usapan yun.

"Keira, if you don't take your arm off of my boyfriend I will forcefully tear it apart for you." Mariin kong sabi kaso hinigpitan niya lang lalo ang hawak niya. Lalo akong nagselos dahil hindi man lang siya pinigilan ng lalaking ito.

"You lied to him, remember? What gives you the right to talk to him?" Akala niya siya lang ang ngingisi. Kung alam niya lang.

"What gives me right? Ask your boss who owns this agency right now." Ngumisi ako lalo, "oo nga pala. I am your boss."

"W-wait what?" Sabay pa nilang tanong.

"That's right. Pumayag na rin si Ms. Paris Almante na bilhin ko ang agency niyo." Namewang ako, "besides that, I am the girlfriend here and the mother of his child."

Hinila ko na paloob ng elevator si France habang nakatulala si Keira. Sinara ko agad yung elevator at priness ang top floor. Sooner or later, it'll stop. Inutusan ko yung maintenance center kanina na patigilin muna ang elevator para makausap ko ng masinsinan si France.

"France," huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap. Casual lang siyang nakatayo nang nakabulsa ang kamay. "I admit that I kept this from you for years. Alam ko namang ikasisira ng reputasyon mo kapag nalaman mong may anak ka na pala. Alam ko ring importante para sayo ang career mo at naiintindihan ko kung gusto mong malinis lang pangalan mo. Alam ko ring gusto mong mamatay na isang bachelor kaya kita iniiwasan. Kaso France, ano bang magagawa ko kung binibigyan mo ako ng rason araw araw na mahalin kita?"

Umiiyak na ako, "sinusubukan ko naman talagang hindi mahulog sayo eh. Kaso ikaw itong laging bigla bigla na lang pinapabilis ang tibok ng puso ko. Akala ko maitatago ko na talaga ng husto sayo ang totoong nangyari kaso pinagtagpo pa rin tayo ng tadhana. Sa labas ng kontrata, inaamin kong mahal na kita, France."

Sinapo ni France ang pisngi ko at saka pinunasan ang luha ko gamit ng kanyang hinlalaki. Tinitigan namin ang mata ng bawat isa.

"I'll fully understand if you'll leave me soon." Humikbi nanaman ako. "At least alam mo na. Ayos na yun sa akin."

"It's not for me." He exhaled. "Now that you've told me truth, you've given me a stronger reason to stay by your side. And I promise you, I will never leave your side ever again. I will be a father to our child and that's a promise."

"P-pero, yung r-reputasyon mo?" Umiling lang siyang nakangiti.

"I don't care what the media would say. This is my life and my decision. It's none of their business if I settle down early with the girl I love." My lips hang open.

"M-mahal mo na rin ako?" Lumawak ang ngiti niya.

"Be my girlfriend and you'll find out." Napakurap ako. Is this a dream? If so, don't bother waking me up.

"Then I'll be your girlfriend." I said with a smile. "I'm curious."

"Then be curious for a bit longer." He said before leaning in to kiss me.

I smiled first before responding to his passionate kiss. Noon ko pa pinapangarap ito at heto kami ngayon. Siguro kung ako yung dating Amber, linilibing na ako sa sobrang kilig. A fangirl kissing her celebrity crush, look at that.

Humiwalay kami agad sa halik at pinagdikit ang noo namin.

"You're mine and only mine, I won't let anyone take you away from me." Napapikit ako ng mga mata sa sobrang saya. "Sundan na natin si Cheska habang sira pa itong elevator." Minulat ko rin lang agad saka hinampas siya ng malakas sa balikat.

"Bwisit ka talaga, France!" Hinampas ko siya ulit sa balikat. Namumula pa ako tangina. Tawa ng tawa yung mokong habang ako ay namromroblema. Mukhang tuluyan na ayang nasira ang elevator jusko.

^^Chapter End^^

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon