Chapter forty five: reunions

1.8K 44 3
                                    


Amber's PoV

"Sure ka ba diyan sa resulta? Baka naman sira yang ginamit mong test ha." Sinamaan ko ng titig si kuya Dimitree saka siya inirapan.

"Lalong masisira ang pagasa ko kung ganon nga." Sagot ko naman saka uminom ng tsaa. "Napaka-negative mo talaga."

He shot me a sad look, "concern lang."

Bumuntong hininga ako saka tinignan ang orasan. Malapit na akong sunduin ni Kaden mamayang alas dos ng hapon. Sa loob ng tatlong araw hindi ko pa rin nasasabi kay Kaden ang totoo. Hindi ko pa kayang sabihin iyon sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.

"Alam ba ng nanay nating magkasama tayo?" Tanong niya. Napailing lang ako. "Tanggap ko naman kung ayaw niya akong makita."

"Kuya, don't be like that. I'm a mother too, so I know how hard it is for not seeing our children in a long time." Napairap lang siya sa akin.

"And you became a mother at a young age because of her." Mapait niyang sabi. "I'm really thankful that Kaden took the time to find me so that I can finally meet you."

I squeezed his hand, "I know. Hindi pa rin ako makapaniwalang may kapatid ako."

"Hindi rin ako makapaniwalang may mga pamangkin." Natawa kaming pareho ng kapatid. Matapos kaming nagkita kaninang umaga dito sa cafe, nagsibuhos na kami ng sama ng loob sa nanay namin. Nalaman kong pinaampon siya ng nanay namin dahil hindi pa siya handang magkaroon ng anak.

And consider the fact that Demitree's my half-brother.

"Amber," seryosong tumingin sa akin si kuya, "you've been torturing yourself for several weeks now. Bakit hindi ka pa naglayas?"

"And leave Cheska alone?" I strongly shook my head, "I will never let my situation fall on my daughter. Kahit na maikasal na ako kay Kaden Smith, basta ba hindi nila kontrolado ang anak ko, gagawin ko ang lahat. And surprisingly, I'm willing to learn how to love Kaden."

"Pero nakilala ko si Sky---"

"Amber, let's go." Napalingon kaming dalawa ng kapatid ko nang biglang pumasok si Kaden. "Excuse us, Demitree. There's a mandatory meeting in the office. Ms. Paris Almante wants her company back."

Nagkatinginan naman kami ni Demitree. This is bad. Simula noong ipinalabas na sa media na ikakasal na ako kay Kaden, madaming bashers ang nagsabing ginagamit lang ng Santibañez Enterprise ang Omega Network para maging partner ang Smithsonian Corporation. Bumababa ang sales dahil nagkaroon ng boycott sa bawat teleseryeng kinabibilangan ni France.

Hindi na ako nagulat nang malaman kong gusto ng bawiin ni ate Paris ang kumpanya niya. It's normal to protect their own sibling.

"I'll see you in our wedding," niyakap ko si kuya at mapait na ngumiti.

"If there is one." Bulong niya bago humiwalay.

Sumakay na kami sa kotse ni Kaden at pumunta na sa opisina niya. Naghari ang katahimikan sa pagitan namin at sana magtuloy tuloy iyon. Baka madulas ako sa sikreto ko.

Nakarating na kami sa building niya't dumako sa conference room. Tumakbo si Kaden nang makita niya ang oras pero hindi ako tumakbo. Napatigil naman siya at kunot noo akong nilingon.

"We're running late, Amber." He begged.

"I'm not allowed to run."

Magtatanong pa sana siya pero may lumabas mula sa conference room. Si mommy. Napaiwas naman ako ng tingin dahil ayoko siyang makita. Kahit na siya pa rin ang totoong nanay ko, nawala ang respeto ko sa kanya.

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon