Chapter twenty four: don't cry

3.1K 83 1
                                    


France's POV

Kinaumagahan, pumasok ako sa loob ng kwarto ni Cheska at naabutan siyang naglalaro sa iPad. Ayos! Ayos na ito para makibonding na rin kasama siya.

"Hey, baby." Tawag ko bago tinabihan siya. "What are you playing?"

[Bagong gising ka ata, France ah. Pugad hairstyle ka ngayon]

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naka-Skype videocall pala yung magpinsan. Na-concious ako bigla at inayos ang buhok ko. Narinig ko pang nagtatawanan yung dalawa kaya't lumambot nanaman ang puso ko.

Pero masama pa loob ko.

"By the way, hindi mo pa nasasagot yung tanong ko." Sabi ko. Napaisip isip naman siya at kunot noong tumitig sa camera.

[Alin doon?]

Ngumisi ako, "ikaw bahala kung alin doon."

[Hoy! Nanliligaw ka pa lang diba!]

"Cheska called me 'daddy' last night! Yun lang naman yung kundisyon hindi ba?"

Namumula na siya, [Manahimik ka jan, France! Nasa harap natin yung bata oh.]

Speaking of, "Bakit Franceska pangalan ni Cheska?"

Napatameme lang siya camera tapos klinaro ang lalamunan. It's clear that she is hiding something from me. Narinig naming nagring yung phone niya.

[I need to go, France]

"You're avoiding me."

[Hindi kita iniiwisan, promise! Kailangan ko lang na umalis kasi may meeting pa ako. Para sayo ito kaya unting tiis na lang]

"What does that supposed to mean? Amber? Amber!" Pinigilan ko ang pagmumura nang patayin niya na yung tawag. Napalingon lang ako kay Cheska na abot tenga ang ngiti. I wonder what this kid's smiling about.

"Sucks to be you, tito France." Inirapan ko siya.

"Oh please. Everybody wants to either like me or be me." Siya naman ngayon ang umirap.

"Then I'll be you na lang po." She murmured before going straight to the bathroom.

*****

I look so gorgeous!

Nagpose ulit ako sa harap ng salamin ng fierce. Pinaigting ko pa ang aking panga para mala-greek model ang hitsura. Kinindatan ko muna ang refleksyon saka tinuro ito.

"You are a star, France." I told myself. "You are nothing but perfection." Ngumisi pa ako sa salamin at umikot para magpose ulit.

"Tito France, isang oras niyo na pong kausap sarili niyo. Late na po ako." Napatingin ako kay Cheska sa kanyang reflection.

"I thought you'd start calling me 'daddy'?" Takang tanong ko.

"Tito, I'm late na po."

"Sabagay pwede rin namang 'daddy pogi'. It has a nice ring to it."

"Tito..."

"Or like 'the most handsome daddy', I would love to hear that from you everyday."

"Tito, I'm late na."

"Pwede rin namang 'good looking daddy' -"

"Daddy France, I'm late na po! Please lang!" Napatigil ako sa pagiisip pa ng pwedeng itawag sa akin. "Mommy never drove me to school late. So please, dad..."

Napatitig lang ako kay Cheska na nangingiyak iyak na. I just made her cry. Bumigat ang loob kong panoorin siya ng ganito. Nilapitan ko na lang siya't binuhat para yakapin.

"I'm sorry. Daddy will never make you cry ever again." Gamit ng isang kamay, kinuha ko na yung bag niya saka lumabas na ng mansion nila. Ipinasok ko na siya sa kotse saka nagmaneho na patungo sa school niya.

Hawak kamay kaming lumabas ng kotse at hinatid ko na siya sa kanyang classroom. Madaming napapalingon sa amin kaya naman nagpapasalamat ako sa disguise ko. Malaki ang suot kong sumbreo at saka nakashades. Nakatakip rin ng surgical mask ang aking bibig para walang makakilala sa akin. Mahirap na kung dudumugin ako ng mga nanay kapag kasama ko si Cheska.

"Daddy," she called out in a soft whisper, "I wanna pee."

Napatango lang ako at hinayaan siyang dalhin ako kung saan yung comfort room nila. Bibitawan ko na sana kamay niya para makapasok siya pero gusto niya pa akong hilain paloob. Kid, you've got to be kidding me.

"Go ahead. Hindi kasi pwede pumasok si daddy jan sa loob." Maraming kababaihang maiihi lalo kapag pumasok ako doon. Napanguso muna siya bago matapang na pumasok sa loob. "Atta girl!" I cheered in a low voice.

Napasandal na lang ako sa pader para hintayin si Cheska na matapos sa business niya. Grabe rin pala at ang hirap maging single parent. Bigla kong naalala yung nakasulat sa diary na pinalaki si Cheska na magisa dahil hindi nito kilala ang kanyang tatay. Ganito pala kahirap nun kapag walang partner.

Kahit na pagpapanggap lang ito sa loob ng ilang linggo, medyo naiilang pa rin ako na magkaroon ng kunwaring anak. Siguro nga at hindi pa ako handa sa ganoong sitwasyon at never kong pinangarap na magkaroon ng sariling pamilya. Pagkauwi ni Amber, paniguradong mawawala na ang pagpapanggap na ito dahil mukhang magiging akin na siya. I guess Cheska would be my cousin-in-law?

Napatingin ako sa orasan at nakitang maglilimang minuto na ang nakalipas. Ayos lang ba si Cheska sa loob? Baka naman na-iflush na siya?

Then I heard noises from the inside...

"I will tell my mommy that you're bullying me!" Matinis na sigaw ni Cheska at umiyak ng malakas. Pinigilan ko ang sariling huwag pumasok sa loob dahil pangbabae ito. Malaking eskandalo ito kapag nahuli ako ng ibang tao.

But I need to defend her!

"Aww, nasaan naman ang daddy mo? Oo nga pala. You don't have one. Kawawa ka naman, Cheska." Malditang sabi ng isa pang bata. Kinuyom ko ang aking mga kamao. This is why I hate bullies.

"Tito France is here..." mahinang sabi ni Cheska. Parang kumirot ang puso ko sa panghihina niya. She knows that I'm not her father so mentioning me is just an empty promise.

"You mean your babysitter? Nakakahiya ka naman, Cheska. Such a baby." Sabi ng isa pang batang babae. Lalong kumulo ang dugo ko. Wala na akong pakialam kung palikuran ito ng kababaihan basta masugod ko lang sila.

"You two!" Tinuro ko sila at tinanggal ang suot kong disguise. Pumagitna ako para maprotektahan yung alaga kong nakakapit ngayon sa balakang ko. "Get your facts straight! I am not a babysitter! I'm the France Xavier Almante! I am Franceska's dad!"

Natakot naman bigla yung mga bullies at nagsitakbuhan palabas. Malalim ang bawat paghinga ko kaya mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Pinakalma ko muna ang sarili bago lumuhod sa tapat ni Cheska na umiiyak pa rin.

"Don't worry, kiddo. I'm here." I used my thumb to wipe her tears then kissed her forehead. So this is what it feels to be a father.

I love it.

^^Chapter End^^

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon