Chapter twenty three: Night One (Four Three)

3.5K 78 0
                                    


Poging poging France's POV

"Yieeee guchiguchigoooo~~ ang kyut moooo~" Nagpapa-cute pa si Kevin kay Cheska.

"You're cho kyuuut!" Nanggigil naman si Zayne sa pisngi ni Cheska. Kaso nasampal lang siya sa huli.

"Aampunin kita balang araw BWAHAHAHA!" Sinamaan ko lang ng titig si Ji nung akmang kakargahin niya na sana yung bata.

Ayaw pa nilang umalis kahit na nakarating na kami sa bahay nila Amber. Kanina pa nila pinapasaya si Cheska pero laging dedma ang resulta. Hindi ko na nga alam kung bakit pero hindi naman siya ganito noong una naming pagkikita.

"Ang cute mo talaga kagaya ko!" Akmang pipisilin sana ni Zayne ang pisngi ng bata pero nakagat lang ito. "Aray ko! Shee- sabi ko nga at bawal magmura." Tinigil ko ang paglisik ng mata.

"Cheska, sa gwapo naming ito hindi ka pa rin napapangiting nakikita mo kami." Dismayadong sabi ni Kevin pero na may halong puppy eyes. Hindi niya bagay kasi mas bagay sa akin.

"Tito France," napalapit naman ako agad sa kanya nang tawagin niya ako.

"What do you need, baby?" Matamis kong tanong kagaya ng ginagawa ko sa mga dramang ginaganapan ko.

"There are four ugly faces in front of me. I think I'm gonna throw up." Naging statwa kaming tatlo sa sinabi niya. D-did she just call u-us u-ugly? Maiintindihan ko pa kung sa tatlo pero bakit ako nadawit? Sa gwapo kong ito masasabihan ako ng pangit? Saan ba ako nagkulang?

"Do you need anything else other than being rude to my gorgeous face?" I asked nicely. My career as an actor is paying off.

"I'm hungry." She pouted. Sasagutin ko sana ng napakalakas ng loob na sabihin yan matapos insultuhin ang mukha ko. Kaso kasi mukhang naaapektuhan ako sa cuteness niya kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Okay then..." I felt disgusted. Para ko tuloy sinabi yung pangalan ng karibal ko. "Don't worry. Lulutuan ka ng pinakagwapong nilalang ng pinakamasarap na pagkain."

"Kaso, France, hindi ka maalam magluto -"

"Huwag mong sirain ang mood, Ji. Tara na sa kusina!" Pagpuputol ko kay Ji at hinila siya habang tinatakpan ko ang bunganga. Balak niya pa sanang umangal pero sinamaan ko lang siya ng titig. Very good, Ji.

***

"Pare, hindi kaya't anak mo yung bata?" Napatigil ako sa pagbabasa ng directions sa cookbook saka napalingon kay Ji.

"Paano mo naman nasabi?" I scoffed out loud. I scanned through the whole page to at least figure out how to cook shrimp tempura. Binabatil na ni Ji yung itlog nang nagsalita ulit siya.

"Magkamukhang magkamukha kayo ng bata. As in. France na France talaga ang mukha. Magkaugali pa kayo na masungit. Biruin mo yun? May mini version ka pala, dre." Natatawa niyang sabi. Binuhos ko na yung Panko sa may bowl at hinanda na rin yung flour.

"Impossible. Very absurd. Besides, hindi naman siya mabubuo kung hindi ko alam, 'di ba?" Napakibit balikat lang siya habang nagbabatil.

"Malay mo nalasing ka noon tapos nakasama mo si Amber." Memories started flashing from that night. Jamming in my car on the road, tripping on my lawn, deafening laughters. That's all I could remember. "Nagkalasingan ba kayo noon?"

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon