Chapter thirty one: Fame? Bring it on

2.8K 79 1
                                    


Amber's POV

Chance is sailing smoothly in the media.

Lots of people have speculated that my relationship with him is over. Yun nga ang number one na tanong ng netizens eh dahil ang dami nilang litratong magkasama sila sa labas. Pero ang hindi nila alam ay sinusubukan pa rin akong kontakin ni France.

Hindi ko nga ang sinasagot.

Masama ang loob ko masyado para kausapin siya. Pero kahit na hindi ko siya pinapansin, I hired a few people to look after him. If he's the possessive one then I might as well be the protective one. I just don't trust Chessel. Whatever she's up to, I am for sure her target.

Kasalukuyan akong nasa opisina ni mama ngayon bilang isang intern. Pero hindi lang 'intern' ang posisyon naging ko dito kundi special-intern-that-gets-to-do-whataver-she-wants. Although I'm still trying to do my best to learn so I can take over my parents' jobs.

May itina-type pa lang ako sa laptop ko nang biglang may pumasok na hindi man lang nakatok.

"Appointments?" Tanong ko nang hindi siya tinitignan. Striktong sinabi sa akin ni papa na kailangan ng appointment or at least man lang isang notice bago ako makipagusap sa bisita.

"I don't need one." Agad akong tumingala kay ate Paris. "Hey there, sis-in-law."

"Ate! Hindi ko man lang alam na dadalaw ka!" Masayang sabi ko saka siya niyakap. Next time po mag-appointment ka please para di ka istorbo, I thought.

"I have something urgent to ask you." Humiwalay siya sa yakap at dumako sa office chair ko. So sino dito ang next COO ng kumpanya? Ako o siya? "Is it true na hiwalay na kayo ng kapatid ko?"

"Ha...tdog?" Nagdikit ang mga kilay ko sa taka.

"Chessel told me so through the phone. And get this, cellphone pa ni France ang ginamit para tawagan ako. So I went to France -"

"Pinuntahan mo si France?!" Nagulat pa si ate sa pagtaas ng boses ko. "Hehe sorry. Go on."

Klinaro niya ang lalamunan saka tinaas ang mga paa sa desk ko. Wow, never ko pang nagagawa yan sa desk ko.

"Anyways, I went to France to buy this super expensive cologne and - here smell it!" Linahad niya ang kanyang wrist pero tumanggi ako nang may respeto.

"Err, what does that have to with France?" Kumibit balikat siya tapos inamoy ang kanyang wrist.

"Wala. Stress reliever ko ang cologne na ito eh." Ah eh okay? Napatango tango na lang ako. "By the way, so totoo nga ba?"

"Well..." I trailed off, "sabihin na lang natin na nag...away kami?" Pagaamin ko.

Napasinghap si ate Paris at nilapitan ako para hawakan ang mga balikat ko. I think she's gripping too tightly.

"Break na kayo?!" Ang kulit din naman ni ate Paris.

"I honestly think that it can still be resolved but -" as if on cue my phone rang. Tinignan ko yung caller ID at nabasa yung pangalan ni France.

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon