Chapter forty four: the engagement party

1.8K 46 0
                                    


Amber's POV

Tumabi ako kay Kaden nang magsimula ng magsimula ang emcee. Si Kaden sana ang magsasabi ng welcome speech pero naabutan niya akong nagpapakalasing sa bar kanina. His worriness got over.

"He's staring," bulong ni Kaden sa may tainga ko. I glanced quickly then back at Kaden.

"Then let him."

Bahala na. Kung sa pinsan ko siya makakaramdam ng saya, edi hahayaan ko lang. Bakit ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong hindi na ako mahal? Masakit pa rin pero wala na akong magagawa.

****

Nasa tapat ko siya.

Nasa may harapan kami ni Kaden nang may hawak na champagne glass. We're about to say our thanks to the guests. Gusto kong magsalita rin sa mikropono pero baka iba ang masabi ko lalo na't nasa tapat ko lang siya.

I kept my eyes fixed on the floor with no intention of looking up. I don't want to see him like this.

France, you promised to stay. You promised to marry me. You promised that you'll be a good father to our child. You promised that you'd love me forever. Pero bakit ka naging ganito, France?

Mahal kita kahit na ipinagpalit mo na ako.

Mahal kita kahit na sumuko ka na sa akin.

Mahal kita kahit na sinasaktan mo na ako.

France, mahal kita.

Gusto kong isigaw iyon sa harap ng maraming tao. Si France ang gusto kong makasama dahil siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganito. Siya ang nagparamdam sa akin na hindi ko na kailangang magbago para isang tao. Sa lahat ng lalaking mamahalin ko, sa isang mayabang na artista pa. Pero kahit na ganon siya, minahal ko pa rin siya bilang siya.

Pero bakit niya ako ginaganito?

"Amber!"

Bakit sa pinsan ko pa? Bakit hindi na lang ako, France?

"Amber!"

Bakit kailangan mo akong ipagpalit sa iba? Hindi na ba ako worth it na ipaglaban?

"Amber!"

France naman...

France...

"Amber-"

"FRANCE!!!" Napatakip pa ako ng bibig nang maisigaw ko ang pangalan niya. Sa pagkatingala ko, mukha agad ni France ang nakita ko. He seems to be surprised as well as the other guests.

Napalingon ako sa katabi ko para humingi ng tulong. Hindi ko man lang alam kung anong pinaguusapan nila pero sagot ko France. Nakakahiya.

"Alright, people." Sabi nung emcee saka marahang natawa. "Mukhang excited na si Ms. Santibañez sa magaganap nilang honeymoon sa France."

W-what?

"That's true. Sa France nga." Nakisakay na lang din si Kaden sa pagkadulas ko. "Paris. You know, City of Love."

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon