Chapter twenty: ANJI part one

3.4K 89 0
                                    


France's POV

We're all bored.

Natambay kaming magbabarkada sa loob ng kwarto ko. May sari-sarili pa kaming mga mundo pero lalo akong nabobored. Hanggang ngayon ay iniiwasan pa rin ako ni Amber matapos kong sabihin sa kanya ang mga salitang iyon.

Lalo ata siyang nailang sa akin

Nasa sulok si Zayne na naglalaro ng Clash of Clans habang si Kevin ay may binabasang manga sa kanyang laptop. Kami naman ni Ji ay nasa sofa pero tutok na tutok siya sa kanyang cellphone. Tulala lang ako rito dahil hindi rin ako pinapansin ng tatlong pangit na ito.

"Guys, I'm bored." Sabi ko sabay tayo. Panandalian lang silang lumingon sa akin bago nagsibalik sa dating gawain. "Let's talk about something." Masiglang sabi ko pero dinedma pa rin ang gwapo. "Kakausapin niyo ako or masisira yang mga hawak niyong gadgets?"

Nagsitayuan silang lahat saka nagsiupuan sa sahig.

"Hoy France! Anong tinatayo tayo mo pa jan? Tsk tsk." Napakamot na lang ako ng batok saka tinabihan si Kevin.

"Anong paguusapan?" Tanong niya.

"Love life." Sagot naman ni Zayne na napapasilip sa iniwan niyang cellphone

"Sure. Ji, you're up first." Sabi ng pinakagwapong kaibigan nila / ako. Napakamot lang ng batok si Ji at bumuga ng hangin.

"Fine," klinaro niya ang lalamunan, "si Annie ang unang babaeng minahal ko." Wow. Shocker. I mean, it really is obvious that there's something between them. "Ganito ang nangyari noon..."

Flashback

Ji's POV

Naglalakad ako sa kalsada nang makita ko ang isang babaeng nakakagat labi habang nakatitig sa malalaking posters ng mga artista sa bintana. Yung mga litrato nila Alden Richards, James Reid, Daniel Padilla, Miguel Tanfelix, Jake Vargas, Enrique Gil. Psh, mas gwapo naman ako kesa sa mga yan. Unting panahon pa't maaabutan ko na rin ang level nila.

Napangiti na lang siya ng biglaan na naging dahilan para tumigil ang mundo ko. Tila ba nagbagal ang oras at kinailangan pang tumigil ang mga nadaang tao para lang tignan ang angking kagandahan niya.

Lalapitan ko sana siya kaso ano naman kayang sasabihin ko? Siguro mainam na ring gawin yung old fashioned way. Nakayuko akong patungo sa kanya at sinadyang banggain siya. Syempre sinalo ko siya agad para naman makadagdag points. Akala ko magpapasalamat siya nang bumuka ang bibig niya kaso -

"Aba at ang kapal mo nga namang bungguin ako?! Kung may nakikita kang babaeng titig na titig sa mga gwapong lalaki, that means na huwag mo silang lalapitan! Ka-holding hands ko pa lang si Daniel tapos blah blah blah." Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya basta't nakakausap ko siya.

"Ang dami mong satsat." Tanging sabi ko bago hinila ng kusa ang kanyang kamay. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinihila palayo ngayon.

"Hoy ano ba! Bitawan mo nga ako! Sige ka at sisigaw ako ng kidnapping." Pagbabanta niya pero hindi ko siya pinansin. Kung ano ano na ang kanyang sinasatsat kaya liningon ko siya.

"Manahimik ka't ililibre kita ng..." I trailed off. Lilibre ng ano, Ji? "Cotton candy." I said out of the blue. Nays wan, Ji. You will seriously buy a gorgeous girl a cheap cotton candy? Sounds fair.

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon