Chapter forty nine: Ferrero Cliche

2.5K 46 5
                                    

A/n: so, who is Sky Ashlyn Ferrer?

Sky's POV

6 years old

Ang lalim naman ng iniisip ng batang ito. Makatitig sa damuhan wagas eh.

Kanina pa ako dumuduyan dito sa playground kaya kanina ko pa siya napapansing nakatulala. Pagkarating ko nandoon na siya. Parang luging lugi sa negosyo eh. I tilted my head sideways to get a clearer look on his face. Hmm, same din pala kami ng race. Linapitan ko siya nang nakatagilid pa rin ang ulo.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko. Mabagal siyang napatingala sa akin. Halatang malungkot siya base sa mga mata niyang walang emosyon.

"How do you know that I'm half-filipino?" He asked.

"Full filipino ako kaya automatic kong nade-detect kung sino ang mga kapwa pinoy ko. It's in the blood na rin." Napairap lang sa akin yung bata.

"You're in Boston. At least speak in English. These people might think that you're talking about them when you're speaking in our language." Napalingon naman ako sa mga Amerikanong napapadaan sa amin.

"Let them think what they want. Loyal ako sa lengguahe ko."

"Anong tagalog ng loyal?"

"Ay basta." Natawa kaming pareho. "Ako nga pala si Sky."

Linahad ko ang aking kamay at tinanggap naman niya ito.

"Kaden Smith." Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ikaw yung heir ng Smithsonian?!"

Napatango siya, "I'm guessing that your family is the owner of Ferrero Cliche."

"Ibig sabihin ba non ay mag-partners tayo?" Tanong kong nakangiti ng malawak. Hindi niya ako sinagot. "Alright! Sa akin ka na forever!"

"...but I have Amber." Malungkot niyang sabi. I put an arm on his shoulder.

"No worries. You have me naman."

Since then, Kaden and I are now in that stage called: bestfriends.

15 years old

Writer's block is the worst.

Kanina pa ako namomroblema sa magiging plot ng isusulat kong story. Bakit pa kasi ako nag-register sa writing contest na yan?! Argh! Napatingala ako mula sa laptop at tinignan si Kaden na naglalaro ng football. Nang masalo niya ang bola, napatingin siya sa gawi ko't kumaway. Napangiti lang ako pabalik at bumuntong hininga.

Kahit na ilang taon na kaming magkaibigan, hindi ko nakokontrol ang sariling mahulog sa kanya. You can't blame me since he treats me like his own girl despite there's a barrier called friendship between us. Iniisip ko na lang na walang malisya sa pagiging sweet niya sa akin dahil alam kong tinuturing niya lang ako na kapatid. Besides, he claims that he's in love with Amber.

He told me that he would marry Amber once he got back. You know how hard that is for me? Ako ang nandito para sa kanya pero si Amber pa rin ang iniisip niya. Pero wala akong magagawa kung talagang ang tingin niya sa akin ay tanging kaibigan lang. Love indeed does weird things to people. It makes people believe that they're in love even if they are really not.

Narinig kong pumito na yung coach nila kaya alam kong break na nila. Tumabi sa akin si Kaden nang pawisan. I tried my best not to look at him to restrain myself from blushing. His hand caressing my back is not helping.

A Deal with a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon