She's Dating The Gangster

By SGwannaB

8.2M 163K 55.2K

Unedited version of She's Dating the Gangster. More

She's Dating The Gangster
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 41

83.6K 1.7K 994
By SGwannaB


Athena's POV

"ATE!! Ano bang nangyayari sayo?? Kanina ka pa dyan paikot ikot sa upuan! Hinde ako maka focus sa pinapanood ko kasi napapatingin ako sayo!" sabi ni Carlo habang nakatayo siya.

Umikot na naman ako sa sofa. Hinde ako mapakali sa nangyayari sa buhay ko ngayon.
"ATE!!! ANO BAAAA!!" sabay kamot niya ng ulo. Lumapit siya sa akin tapos hinila ako pabangon.

"Umupo ka na lang ha?? Hinde ko mapanood yung pokemon ng maayos eh!"

"Ang tanda tanda mo na pokemon parin pinapanood mo. Halos magkasing tangkad na nga kayo ni oppa eh." humiga na naman ako sa sofa

Ngumuso si Carlo, "Hinde lang naman pambata yung pokemon noh!! Meron nga mas matanda sakin nanonood ng pokemon eh!"

"Whatever you say, dork."

"Wag ka ng umikot, ha? PLEASE??"

"Pag hinde ako umikot baka mabaliw ako! gusto mo bang mangyari yun??" umupo sa may paanan ko si Carlo, "hinde ko na nga alam gagawin ko eh!"

"Bakit? Ano ba kasi nangyari?? Si ungas na naman ba?" tanong ni Carlo sakin habang nakasalubong yung kilay niya.

Hinde pa rin niya kayang maging kaibigan ulit si Kenji dahil sa nangyari sa aming dalawa. Hinde na

niya binabanggit yung pangalan ni Kenji dahil umiinit yung ulo niya pag naalala niya yung nangyayari. Wow, parang siya yung naloko noh?

"Ate? Bakit natutulog ka ng gising??" hinampas hampas ako ni Carlo sa may paa ko, "Ano na nangyari?? Bakit ba ang wirdo mo ngayon? Tama ako noh?? Yung mokong na yun na naman!!"

"Hinde siya! Bakit ba siya yung una mong naisip?? SIYA LANG BA YUNG TAONG GUSTO KO?!"

"Oo. Obvious ba." sabi niya na may seryosong mukha. "YA!!!!!!" napatayo tuloy ako sa pagkahiga ko ng di oras. "ANO!!!!!" sigaw ni Carlo
"YA!! SHIKURUWO!!!"

Napatingin kami ni Carlo sa may likuran namin. Nakita namin si Sara at Oppa mukhang nairita dahil sa ingay namin ni Carlo.

"Mianhaeyo. / Sorry po." sabay naming sinabi ni Carlo sa kanilang dalawa. Pag sorry namin bumalik ulit sila sa kanya kanya nilang kwarto.

"Ikaw kasi eh!" sabay ulit naming sinabi tapos natawa bigla kami
"Di nga, seryoso. Ano nangyari?" napatingin ako sa taas, baba, kaliwa at kanan. Nagkamot ng ulo si

Carlo

"Kasi.. ganito yun.. May kaklase ako, tapos may gusto siyang lalaki yung lalaking yun may girlfriend na eh may gusto rin sa kanya yung lalaking gusto niya dati tapos ngayon may lalaking lagi siya nakakasama tapos kaibigan yun nung lalaking gusto niya kaya nagkakasama parin sila tapos yung lalaking gusto ni--"

"Ulitin mo nga. Hinde ko naintindihan. From the top. Pati kung ok lang, bigyan mo sila ng pangalan."

"Ganito may kaklase ako, yung friend kong yun meron siyang gustong lalaki, si Mr. X."

"Oh anong kinalaman mo dun sa friend mo at kay Mr. X?"

"Hinde pa ko tapos pwede?" tapos ngumiti sa akin si Carlo. "Si Mr. X dating may gusto dun sa kaklase ko pero ngayon may girlfriend na siya. So yung classmate ko nalungkot ng sobra sobra. Nung mga araw na malungkot siya may nagcocomfort sa kanya, si Mr. Y."

"Ano ba yan. X, Y, meron pa bang Z??" hinampas ko si Carlo sa ulo

"Pwedeng makinig ka na lang? Kasi kung lagi kang sisingit hinde ko na lang itutuloy." Tinakpan ni Carlo yung bibig niya ng kamay. "Asan na ba ako?.. Ah! Kay Mr. Y. So si Mr. Y lagi niyang sinasamahan yung classmate ko, AS IN LAGI SILANG MAGKASAMA. Tapos Nung valentine's day, akala nung classmate ko sa bahay lang siya kasi wala naman siyang bf para magkadate sa gabi tapos lahat nung nagtanong sa kanya na gusto siya maka date tinanggihan niya."

"So lumabas sila nung Mr. X? Tama ba ko?" tanong niya sa akin habang nakangiti

"May girlfriend nga diba? Kaya yung nagyaya sa kanya si Mr. Y. Eto pa yung nakakatuwa dun eh.. Nung pagtapos ng dinner date nila meron pa raw last na surprise si Mr. Y, flowers!! Siyempre hinde naman niya ineexpect yun eh, kasi nga friends sila. At hinde lang iyon, friend din siya ni Mr. X."

Napa snap si Carlo, "Parang yung kakilala ko ganyan din ah!" "Oh?? Sino??"
Ngumiti siya sa akin, "Ikaw."

Tinuro ko sarili ko, "Ako? Talaga?" napaisip ako, "hinde ah, baka nagkataon lang. Classmate ko to eh."

"Sige na nga. Tuloy mo na lang."

"Ayun nga.. Teka! kukuha lang ako YanYan!" tumakbo ako sa may cabinet sa kusina tapos kumuha ng YanYan. Nakita kong tumayo rin si Carlo tapos nagmadali rin kumuha ng YanYan at may hinalungkat sa fridge. "Ako rin kuha mo ko ng juice!!"

Bumalik na ako sa may couch tapos umupo si Carlo bumalik ng may dalang isang YanYan, isang v- cut, isang piatos tapos dalawang zesto. Nilagyan na niya ng straw yung zesto ko at inabot na niya to sa akin.

"Game kwento na." binuksan niya ung Yanyan at nag simula ng kainin ito

"San na nga ba ulit ako?.. Ok alam ko na. Nung prom naman magkadate sila ni Mr. Y, tuwang tuwa yung classmate ko nung tinanong siya ni Mr. Y, hinde niya nga alam kung bakit siya natutuwa eh.. basta after nung valentine's day nag iba na raw yung tingin niya kay Mr. Y. Nung prom, hinde niya first dance si Mr. Y dahil kay Mr. X. Pero ok lang naman sa kanya yun. Ang sweet sweet nga nila nun eh.. Alam ko kasi nkita ko silang dalawa!"

"Kilala ko ba yung classmate mo, si Mr. X at Mr. Y?" tanong niya habang umiinom ng zesto at nakahawak sa YanYan niya.

I shrugged, "I don't know. Anyway, Yun nga, at last nakasayaw niya na rin si Mr. Y, pero si Mr. X laging napapatingin sa kanya tapos mag ssmile! Eto namang classmate ko natuwa. Siyempre..hinde ko alam! Basta natuwa lang siya."

"Matutuwa talaga yun kasi nakatingin sa kanya yung taong gusto niya eh! Kahit naman ako pag ganun yung situation matutuwa ako. Cloud nine yun noh!"

"Eto na nga yung catch dun eh.. Masaya yung classmate ko kasi ok na sila nung Mr. X, akala niya ok na siya, pero parang magulo pa. Pag nakikita niya si Mr. X ng malayuan nasasaktan siya, pagnaiisip naman niya napapasmile siya tapos pag magkatabi sila bumibilis tibok ng puso niya. Pero.." napaisip ako sa kasunod na sasabihin ko

"Pero..?"

"Naguguluhan siya. Kasi tuwing naiisip niya naman si Mr. Y gusto niyang makasama siya.. tapos pagnakikita niya pa kinikilig siya. Pag magkasama sila ang saya saya niya.."

Hinde nagsasalita si Carlo, patuloy pa rin siya sa pagkain niya ng v-cut habang nakatingin siya sa akin. Ako naman tinuloy ko yung pagkain ko ng YanYan.

Naguluhan ata sa kwento ko si Carlo. Ang haba kasi nung kwento eh bakit ba hinde ko na lang iniklian?

"Tanong ko lang." sabi ni Carlo habang ngumunguya
"Ano?"
"Ano bang gusto mong malaman?"
"Hinde ko nga rin alam eh. Hinde ko nga alam kung bakit ko kinuwento sayo eh! pambihira."

Kinuha ni Carlo yung zesto niya tapos uminom, "Alam mo, sa tingin ko na-iin love na yung 'classmate mo' kay Mr. Y. At the same time, I think.. mahal niya pa rin si Mr. X. kasi ang sabi mo, bumibilis yung tibok nung puso niya pag katabi niya si Mr. X tapos pag nakikita niya pa siya ng malayuan sumasakit naman yung puso niya."

"Ganun? Bakit mo naman nasabing na-iin love na siya kay Mr. Y kung mahal niya pa pala si Mr. X?"

tanong ko naman.

"Kasi, pag naiisip nung 'classmate mo' si Mr. X napapasmile siya, pero pag naiisip niya naman si Mr. Y gusto niya siyang makasama siya. Tapos pag magkasama sila ang saya saya niya, eh pag katabi naman niya si Mr. X diba nasasaktan siya? And last, nakikita niya pa lang yung Mr. Y kinikilig na siya, what more kung magkausap sila o mag holding hands o mag kiss, diba?"

"Sa bagay.." sabay kagay sa YanYan ko.
"Bakit? In love ka na kay Lucas?" tanong niya sa akin habang naka smile, as in malaking smile,

"Ate aminin mo na.. secret lang nating dalawa yun.. promise."

"HINDE NGA AKO YUN ANG KULIT MO!!! CLASSMATE KO NGA!! CLASSMATE!" tumayo akong tapos tumalikod, "DYAN KA NA NGA! MAGAARAL NA KO! WALA KANG SENSE KAUSAP!"

Pumasok na ako ng kwarto ko tapos binuksan yung physics book ko. magmemorize na lang ako ng mga formula.

"Na iin love.. tss. Ang kulit niya! Sinabi na ngang classmate ko yun eh!"

Naisip ko bigla si Lucas. Hinde ko kasi siya nakasama ngayong arawdahil niyaya siya nung Marymount friends niya na gumimmick. Tss. Thursday na Thursday gigimmick.

Tiningnan ko yung cellphone ko baka kasi nag text na siya or tumawag. Disappointed. Walang tawag o text galing sa kanya.

Tinext ko siya pero hinde siya nag rereply. Inintay ko pa rin. 20 minutes ng nakalipas wala pa ring message. Hinde ko na nakayanan tinawagan ko na siya.

Aish. He's not answering!!! Ano kayang ginagawa niya ngayon.. may girls kaya? Bakit ba kasi malalakas yung tugtog sa mga lecheng bar na yan eh!!

Pinagpatuloy ko na lang yung pagaaral ko pero hinde ko parin matanggal sa isip ko si Lucas.

"Baka nanchichicks.. Bakit ba kasi hinde niya ako niyaya eh.."

Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko, unang pumasok sa isip ko 'IT'S LUCAS!!!'

Pero pag tingin ko sa screen

Calling..

+63917801****

Parang familiar sa akin yung number pero hinde naman siya nakastore sa phonebook ko. inanswer ko yung call nila

"Hello?"

"Na ya.." [it's me]
"Tae Sung oppa?"
"Aniyo.."
"Noo goo?" hinde siya nagsalita, "Kenji?" [who?] "Mismo! Hehe"

"Pano mo nalaman number ko?"

"Secret!"

"Parang yung dati lang ah.. yung una tayong nagkakilala haha ganito rin eh."

"Oo nga eh.."

"Ano nga palang kelangan mo?"

"Wala. Sige babay na! Kita na lang tayo bukas!"

"Sige! Bye"

"Bogoshipo, bogoshipda." [I miss you, I want to see you.] "An--"

Binaba na niya yung phone.
Bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi niya. Bakit ganun.. Kenjiya.. Why are you confusing me..?

Hinde na ako nakapag aral dahil sa phone convo namin ni Kenji. Ano na naman kayang gusto niyang sabihin sa akin? Pero.. nung sinabi niya yung mga yun.. parang.. bigla ko siyang gustong makita..

Hinde ko namalayan na nakatulog na pala ako. pagmulat ko ng mga mata ko mataas na ang sikat ng araw at naririnig ko na yung boses at katok ni Carlo.

"Ate gising na!"

"Gising na." sabi ko.

Bumangon na ako at nagpunta na sa bathroom pala maligo. Habang naliligo bigla ko na naman nalala yung boses ni Kenji. Totoo ba yun? Hinde ba talaga ako nananaginip? Parang hinde kasi kapanikapaniwalang nakausap ko siya.. at ang nakakagulat sa bago kong number.

Nung gabing yun rin kaya.. totoong nangyari? Pero.. bakit parang panaginip lang yung lahat?

"Athena.. sorry.. naguguluhan kasi ako ngayon eh.. pati tuloy ikaw nasasaktan ko.. alam kong hinde mo ako maiintindihan kasi nasasaktan ka pa.." tumigil siya sa pag sasalita niya

Nakatingin lang ako sa kanya nung time na yun, hinde ako makapagsalita, hinde ako makapagreact sa mga sinasabi niya

"Bakit ayaw mong magsalita? Hinde mo ba ako tatanungin kung ano yung gumugulo sa akin? Hinde mo ba ako sisigawan kasi sa mga ginagawa ko sayo?"

'Gusto.. gusto kong malaman lahat ng naiisip mo ngayon, lahat ng gumugulo sayo.. Kenji sabihin mo lang sa akin yung totoo maiintindihan ko lahat, lahat lahat..' sabi ko sa sarili ko. hinde ko alam kung bakit ganun.. bakit hinde ko masabi kay Kenji yung gusto kong iparating..

"Sa ngayon, hinde na muna kita makakasama.. Mawawala muna ako sa tabi mo.. Kaya mo naman diba? Ikaw pa.."

Naiyak ako bigla sa mga sinabi niya, 'Hinde ko kaya.. Mahina ako..' gusto ko ulit iparating sa kanya pero hinde ko masabi

Hinawakan niya kamay ko at inilapit ito sa mga bibig niya, "Saranghae" sabi niya habang nararamdaman ko yung patak ng mga luha niya sa kamay ko [I love you]

'Nado saranghae..' patuloy pa rin yung pagtulo ng luha ko. [I love you too]
"Uhnjena.. youngwonhee.." tapos dahan dahan niyang binibitawan yung mga kamay ko. sinubukan

ko ulit hawakan yung kamay niya pero palayo na siya ng palayo sa akin [always..forever..] 'KENJIYAH!! KA JI MA!!' hinahabol ko pa rin siya pero ang layo na niya. patuloy pa rin ako sa pag

iyak, 'Ka ji ma... Ka ji ma..'

"Athena nandito na tayo."

Napatingin ako sa paligid ko, nasa school na nga kami. Nakita ko si Carlo nasa labas na ng kotse iniintay ako. Binuksan ko yung pintuan at lumabas na ako. Inakbayan ako ni Carlo at naglakad na kami paakyat ng stairs.

Hinde ko talaga matandaan kung lahat ng nangyari noon panaginip o totoo. Hinde ko na halos alam yung pag kakaiba nung dalawa..

Pagdating namin sa 2nd floor nag hiwalay na kami. Habang umaakyat pa rin ako ng hagdanan

naramdaman kong may kumalabit sa akin sa right side ng balikat ko. nung lumingon ako nakita ko si Lucas kasama si Kenji.

Ngumiti sa akin si Lucas, "Morning!"
"Good morning!" nakangiti kong sinabi kay Lucas. Nung napatingin ako kay Kenji ngumiti ako sa

kanya, "Morning.."

"Morning.."

Inakbayan kaming dalawa ni Lucas, "Pano mga paps, mauna na muna ako sa inyo ha?"

Tinanggal niya yung kamay niya sa balikat namin at nagmadaling tumakbo paakyat sa classroom.

"Ano na naman kayang problema nun.. Hinde na nga siya nag reply pati tumawag tapos ang wirdo pa niya kumilos.."

"May sinasabi ka ba?" napatingin ako kay Kenji. nagsmile siya bigla, "ok ka lang ba?" I nodded.

"Akin na nga yang mga libro mo. Ako na lang mag dadala." Kinuha niya yung mga bitbit kong libro, "sabi ko naman sayo mag backpack ka na lang para hinde hassle eh. hinde ka talaga marunong makinig noh?"

Ngumiti siya pagtapos nung sentence na sinabi niya. OMG. Bakit parang.. may butterflies sa tummy ko? Hinde ko na naman maintindihan yung sarili ko. Teka, bakit sarili ko yung hinde ko maintindihan!? Dapat siya yung hinde ko maintindihan ha!! Grabe to.. Parang nung pag gising ko biglang nag bago yung lahat eh. Mahabang tulog lang ba talaga yung nangyari?

Nakaramdam na lang ako biglang may humampas ng ulo ko
"Aish! Jjinja!" sabay himas sa may noo ko. pag tingin ko sa kanya nakatakip yung bibig niya pero

namimita mong nakangiti siya "YA!!! Moosoon il ittni??" [Damn; What's wrong with you??]

Tinanggal niya yung kamay niya sa bibig niya. Nakita ko na tuloy yung tinatago niyang ngiti

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!! Buti na lang pala kasama mo ako kung hinde baka kanina ka pa naaksidente!"

"Sino ba kasing nagsabi sayo na samahan mo ko?? Nakakaakyat naman ako ng hagdanan kahit hinde kita kasama noh!"

"Buti nga sinasamahan kita eh!!! ANO BANG PROBLEMA MO!!!"

Tumigil siya sa pag lalakad kaya napatigil na din ako, "BAKIT KA SUMISIGAW?! INAANO BA KITA?!"

"HINDE AKO SUMISIGAW! GANITO LANG TALAGA AKO MAGSALITA!"

Nagtitinginan na sa amin yung mga tao sa paligid namin.

"Teka. Hinde naman dapat tayo magkasama ah? Siguro may kelangan ka sakin noh?! Kaya may pabuhat buhat ka pa ng libro ko!"

"Wal-- AMP! WALA! ANG FEELING MO! ETO OH!" binigay niya bigla sa akin yung mga buhat niyang libro ko, "Sayo na! ikaw na magbuhat niyan! Tss."

"Talaga! Dyan ka na nga!"

"Talaga!!!!" sabay talikod niya
TALAGA NGA NAMAN!! AISH!!! Ano nanaman kayang problema nun?! May patalitalikod pa! hinde

naman naglalakad palayo! Naka stand by lang si ungas! Aish! "HE!! Baboo!!" tinalikuran ko rin siya tapos umakyat ng stairs

"HE KA RIN!" Nung tumingin ako sa likod ko nakita ko siyang nag lakad papunta sa may side stairs. Dun siya siguro dadaan. Ang kapal talaga ng mukha nun!! Hinde ko naman siya gustong makasabay sa pag akyat noh!! Baka isipin pa ng mga tao na nagkaayos na kami! PWEDE BA!!

"Athena ang aga aga nakasimangot ka na kaagad."

"Oo nga. May problema ka na naman ba?"

"OO! Yung lecheng lalaking yun!! Akala mo kung sino!! Bakit ba kasi kelangan pati yung Juliet mamatay! Grrr!!" nag madali na akong mag lakad, "Papalitan ko yung plot! Imbis na simpleng pagkamatay lang ang mangyayari dyan sa Romeo na yan papahirapan ko siya. Akala niya!" tapos nag evil laugh ako

"Nawawala na ata sa sarili si Athena." narinig kong sinabi nung kaklase ko. tiningnan ko siya ng masama tapos bigla lang siyang ngumiti kaya nag patuloy na ako sa pag lalakad ko. Huh! Wala na akong panahon pang makipag talo sisiguraduhin kong aaprubahan nila Grace yung gagawin kong ending!

Buong recess time ginagawa ko lang yung ending. Pinag isipan ko ng mabuti yung madugong mangyayari sa Romeo na yan.

Lunch break

"Athena hinde na pwedeng palitan pa. Na aprubahan na ni Miss yung ginawa namin kaya kelangan mag stick tayo dun." Sabi sa akin ni Axis

"AISH!!! Fine!! Basta lang maunang mamatay yung Romeo na yan! Nasa akin ang huling halakhak! Hinde ako susunod sa kanya!"

"ATHENA!!!"

"Joke lang." I zipped my mouth then walked back to my chair. Kinuha ko na yung bag ko tapos lumapit kay Lucas. "Iniwan mo ako kanina dun sa hayop na yun! Hinde ka ba naaawa sa akin?? Bumabalik siya sa pagtrato niya sa akin dati! Mas gusto ko pa ata yung nagiiwasan kami eh!"

Sa totoo lang.. mas gusto ko ata yung ganito kami. Kasi ang hirap nung nag iiwasan kayo tapos iisa lang yung group of friends niyo.. Aish talaga naman!

"Edi masaya. Ibig sabihin wala ng gap sa inyong dalawa." Sabi niya habang naka smile, "Baka naman maging kayo ulit nun.."

"Aish. Pano na si Mr. Y? Mas maguguluhan yung classmate ko."

"Mr. Y? Classmate? Sino yun?"

"Never mind. Tara na baba na tayo. Iniintay na nila tayo sa canteen."

Nagpunta na kami ni Lucas sa canteen para maglunch kasabay ng BnF masters. "Nasan si Grace?" tanong ko sa kanila

"Nasa office. Susunod na lang daw siya." tapos sumubo si Kirby ng kanin, "bumili na kayo ng pagkain."

Tumango kami ni Lucas. Binaba na namin ni Lucas yung bag namin sa may upuan pagtapos kumuha ng pera. Pagtalikod namin nagulat kami sa taong nasa likod namin

"Wow. Napasyal ka? Aray!!" napatingin ako kay Jigs na nakatingin naman kay Sara, "bakit mo ko

kinurot?? Nagtatanong lang naman ako eh!! Ngayon lang kaya siya ulit lumapit satin dito ng lunch!"

"Kenj sumabay ka na kela Lucas at Athena sa pag bili ng pagkain."

Napatingin sa akin si Kenji tapos ng grin siya. AISH!! Ayan na naman siya! Nakakaikon talaga yung ngiting yun! Tss. Wag niya akong mamaliitin! Kayak o siyang labanan ngayon!

"Tara na Lucas." Hinila ko siya para hinde na sumama sa amin si Kenji
"Teka lang!!" napahinto kami sa paglalakad, "dun ako bibili eh." tumuro siya sa kabilang side nung

canteen.

"Ganun? Sige.. sasamahan na lang muna kita bumili.." nag lakad kami papunta sa kabilang side ng canteen at nakasalubong namin si Kenji

Ngumiti na naman siya tapos sumabay sa amin sa paglalakad. Talaga naman!! MY God.

Habang tumitingin si Lucas ng kakainin narinig at naramdaman ko ng kumulo yung tiyan ko. Aish. Bakit ngayon pa!

Hinawakan ko yung tiyan ko, "Konting tiis na lang.."
"Gutom ka na ba? Dapat kasi hinde mo na ko sinamahan dito eh. Wala ka bang napili dito??"

umiling ako, "pano yan?? Meron pang 2 sa harapan ko?" "Ok lang.. iintayin na lang kita."
"Tara. Samahan na kita dun."
"Ayan sasamahan ka na daw ni Kenji."

Tumingin ako kay Kenji. Aish. Ayan na naman. Ngumiti na naman siya! hinila na niya ako paalis ng pilatapos nagpunta sa kabilang side ng canteen. Hinde ko alam kung bakit wala akong napili dun sa binibilhan ni Lucas! Eh madalas naman dun din ako kumakain. Bakit ba kasi ngayon pa ko nag crave ng pasta eh.

"Sige na iwanan mo na ko. Kaya ko naman mag isa eh. Bumili ka na ng kakainin mo."

"Kaya mag isa? Eh kanina lang magkasama tayo halos binabangga mo na lahat ng tao eh."

Binabangga!? May nababangga pala ako kanina. Pero wala naman akong maramdaman nun! Pati ano naman kung nakakabangga ako kanina? Tss. Paki alam niya ba!!

"Ano naman?!"

"Baka matapon pa yung pagkain mo! saying naman. Pati kawawa yung matatapunan."

"Kenji. Look. TWO months na akong ganito. MAG ISANG bumibili ng pagkain ko. So ibig sabihin, sanay na ko ngayon na ganito set up. O kaya si Lucas ang kasama ko."

Napayuko si Kenji. Masyado atang masakit yung nasabi ko. Tss. Mas masakit kaya yung ginawa niya!! Bakit ako maaawa?! Sino ba siya?? Ok fine. Si Lucas nakakasama ko sa pagbilibili ko. Ayoko lang masanay ulit na siya yung makakasama ko. Ayoko ng umasa pa ulit.

Bumalik na ako sa may lamesa namin tapos umupo sa tabi ni Lucas. Nung nakabalik na si Kenji napatingin siya sa akin tapos sinesenyasan niya ako na umusog. Aba! Boss ba siya?? Sino siya para utusan ako ng ganun!

Hinde ko siya pinansin at patuloy lang sa pag kain ko.
"Kenji hinde ka ba uupo?" tinanong siya ni Jigs. "Dito na ka oh." Umusog si Jigs sa may kaliwa niya.

Kung minamalas ka nga naman. Nakatapat ko pa tuloy siya. Hinde ko na lang sya pinansin at pinag patuloy yung pag kain ko. Maya maya naramdaman kong may tumapak ng paa ko. Nung tumingin ako kay Kenji naka yuko lang siya, kumakain na parang walang nangyari.

Hinde ko na yun pinansin kaya pinag patuloy ko yung pag kain ko. Maya maya naulit na naman yung pag tapak niya sa paa ko.

"YA!!!" tumayo ako tapos tiningnan siya ng masama. "WTF is wrong with you???"

Nagtinginan silang lahat sa akin pati na rin yung mga tao na katabing table namin. Napapikit na lang ako tapos umupo ulit. Pinapahiya ko pa pati sarili ko para sa kanya amp! Hinde niya bang naiisip na dapat iniiwasan niya ako ngayon?? Bakit ba siya nanggugulo pa!!

"Wae geu rae?" tanong naman sakin ni Sara, "moo soon iliya??" [what's up?; What's the matter?]

I shook my head then continued eating my food. Nag madali akong kumain para maka-alis na ako sa harap ng hayop na yan. Saktong pagtapos na pagtapos ko tumayo ako at kinuha ko na yung bag ko

"Mauna na ko sa inyo!" nag wave na ako tapos nag madaling maglakad palabas ng canteen.

Napatigil ako sa pag lalakad ko tapos napaisip. "Teka. Bakit ako yung kelangan umalis?! Siya yung matagal na nawala dapat siya yung umalis! Pero... Ako naman talaga yung singit dun eh.." napayuko ako tapos nag lakad ulit, "Nakakaasar talaga."

"Ang tindi pala nung epekto sayo nung pag bbreak natin noh? Kinakausap mo na ngayon yung sarili mo.. Tsktsk.." Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Kenji nakangiti sakin. "Tara samahan mo muna ko."

Hinila niya ako papunta sa may faculty room tapos dumeretso kami sa table ni Miss Cena, yung adviser namin.

"Yes Mr. Delos Reyes?"

Humawak si Kenji sa may stomach niya, "Miss Cena ang sakit sakit na ng tiyan ko. Kanina pa ko sumusuka.. Sabi sa akin ni Mommy pag hinde ko na raw kaya mag paalam daw ako sa inyo para umuwi na, tatawagan ka na lang daw niya o kaya ni Kendi.."

"Okay. You may go home now. I'll just inform your teachers about your situation."

Sinama niya ako dito sa faculty para ipakita niya sa akin acting skills niya? Tss. Ano namang paki alam ko! I can do that too!!

"Thank you miss." nag smile si Kenji tapos humarap sa akin
Napatingin naman sa akin si Miss Cena, "Do you need anything Miss Dizon?" "Huh?" napatingin ako sa kanya, "Oh, that, Kenji drag--"
"MISS! She's Juliet right? That's why she will accompany me!" biglang singit ni Kenji Napasmile bigla si Miss Cena, "Right. What's Romeo without his Juliet."
"But Miss--"
"EXACTLY! THANKS MISS!! YOURE THE BEST!" singit ulit ni Kenji
"Get well soon, okay?" tapos nag smile si miss
"Pero Miss hinde--" while doing that 'hinde' hand gestures.

"I WILL! BYE MISS!" tapos hinila ako ni Kenji palabas ng faculty room.
Hinde niya parin binibitawan yung kamay ko at hinde pa rin siya tumitigil sa pag hila sa akin

hanggang sa makalabas kami ng school.

Ano ba tong problema niya?!?! Bakit kelangan ako pa isama niya ha? Pwede namang si Kirby o si Jigs o si Lucas! Pati may girlfriend siya! Bakit hinde yun yung isama niya?? Bakit kelangan ako pa?!

"Bitawan mo nga ako!! Ano na naman bang problema mo?? Kung ayaw mong pumasok pwes, wag kang mandamay! Hinde ako kautlad mo noh!" binitawan na niya yung kamay ko tapos ngumiti sa akin.

"Eh bakit sumama ka sa akin??"

Sumama!? Ako?? Sumama sa kanya?! My God! May sakit na ba siyang limot?!

"Sinong sumama sayo?! Hinila mo kaya ako dito! Teka san ba tayo pupunta?"

"Mag de-date."

"Date lang pala eh. Bakit hinde mo sinabi sa akin ng maag-- DATE?!" 

Continue Reading

You'll Also Like

25.8M 1.1M 107
Escaping from his responsibilities as a future duke, Terron Dashwood moves to the Philippines, hoping to live a simple and humble life. But when he c...
775K 40.2K 60
β€’ BOOK LAUNCH on April 25-28 at the Philippine Book Fest β€’ Featured in WattpadRomancePH's Official Reading List! β€’Highest Ranking: #1 Savior *** One...
7.3M 191K 35
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
7.4K 274 28
Apple is an ordinary student who was suddenly reincarnated into an unknown story because of that weird handsome guy who looks like a Broccoli. _____...