Pag-ibig, Noon at Ngayon

By saggra725

576K 7.5K 3.7K

More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter. 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chaptet 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Epilogue

Chapter 47

7.1K 109 59
By saggra725

Naunang nagising si Jason, kung ano ang nakatulugan nilang posisyon , ganoon pa rin sila. Nakaunan sa dibdib niya si Sarah, nakadantay ang isang kamay sa may tiyan niya. Nakaramdam ng pag iinit ng katawan ang binata habang pinagmamasdan ang kasintahan.Naisip niyang oras na para  sa first shower of the day niya.

 

Nagising pa rin si Sarah kahit anong ingat ang ginawang pagbangon ng binata. Napabangon ito ng maramdaman ang init ng katawan ng katabi. "Anong oras na?"  Nahalata ni Jason ang pamumula ng dalaga. Napangiti ito at hinalikan sa noo ang kasintahan. "Good morning sweetheart. Tulog ka pa, maaga pa. Kailangan ko na lang bumangon bago mo pa ako masampal."  Bago pa nakapagsalita uli si Sarah ay nakapagsuot na ng pantalon ang binata, nginitian uli siya nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

 

Pagkalabas ni Jason ng kwarto ay isinubsub ni Sarah ang mukha sa unan. "Dear Papa God, bakit ang gwapo gwapo niya?" Pabulong na sabi ni Sarah. Sa isang banda ng isip niya ang gusto niyang  ay bakit napaka hot ng boyfriend niya kahit bagong gising.  Para lang model  kahit na kagagaling lang nito sa higaan. Boyfriend? May boyfriend na nga ba talaga siya? Boyfriend na niya si Jason Opsima?  Ohh Dear God, sana hindi ako nagkamali. Sana hindi niya isipin na ang dali naman niya akong napasagot. Sana hindi naman bumaba ang pagtingin niya sa akin lalo na nga at nakatabi ko na agad siya sa pagtulog. Napangiti ang dalaga, nakaramdam ng pagmamalaki at lalong paghanga kay Jason. Tinupad nito ang pangako sa kanya na matutulog lang sila. Naiintindihan na niya kung bakit sinabi ng binata na kailangan na niyang bumangon at lumayo sa kanya bago pa niya ito masampal.

 

Hindi na rin nakatulog si Sarah. Nanatili lang itong nakahiga. Bumangon lang ng maramdamang tapos ng mag shower ang binata. Siya naman ang tumayo at nag shower. Alas nuwebe pa ang appointment nila sa represantative ng titingnan nilang property. Alam din niyang gustong sumama ni Mr. Tagauchi sa kanila. Naalala niya si Georgina. Nakaramdam siya ng kunting awa dito. Parang nakikita na niya magiging reaction nito pag nalaman niyang walang nangyari sa mga plano niya. Naisip din niya kung ano ang plano ng mga Co sa kanya. Hindi pa niya natatanong si Jason tungkol duon pero malakas ang kutob niyang pagbalik ni Georgina sa Manila ay mas malaking bad news ang daratnan niya.

 

Nangiti si Jason ng marinig ang shower sa kwarto ni Sarah. "I can't wait the day that you will let me have shower with you." Bulong nito sa sarili. Sa ngayon kailangan niyang magtiis tiis kung ayaw niyang mawala ang tiwala sa kanya ng kasintahan. Darating din siya sa araw na yun. Nagbihis na ito , at umorder ng breakfast nila. Pagkatapos niyang maka order ay binuksan ang laptop. Nag email ito kay Neil, ibinalita ang naging pag uusap nila ni Sarah kay Mr. Tagauchi.  Sinabi na rin niya kung ano ang mga plano niyang gawin habang nanduon sila. Sa bandang huli ay sinabi din niya ang tungkol sa kanila ni Sarah.

 

"And last but not the least, this is probably the most important news I have for you. It is more on the personal side. I am a step  closer to call you Papa. Your princess agreed to be my girlfriend. Hope you are as happy as I am."

 

Nakangiti pa rin si Jason matapos na ma click ang send, alam niya magiging masaya din ang ninong niya para sa kanya.  Hindi niya inaasahan na makakatanggap agad ng sagot sa email niya.

 

"Congratulations! I know she is in good hands. I am happy  and remember , being a boyfriend of my princess is not easy. I expect her to be happy all the time,  if  you made her cry, that's because she is happy not because you hurt her. I am not going to threat you or anything of that kind, just reminding you, you know how much she means to me, she is my one and only daughter. I think that's pressure enough for you."

 

Natawa ng malakas si Jason. "Yeah right Ninong,  hindi mo ako tinatakot ng lagay na yun?" Sagot niya agad agad.

 

"Ok then , take it as a threat!"  

 

"I love her Ninong, sinabi ko na saiyo kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit ayaw mo sa akin, ipaglalaban ko siya. I know I can make her happy and I know she is my happiness."

 

"Good enough for me. Please don't tell her I threatened you."

 

Samantala, matapos makapag shower si Sarah ay tiningnan naman nito ang phone niya. Napansin niyang nag bli blink ito ng pula, that means may mga messages siya.  Una niyang binuksan ang text galing sa Mama niya.

 

"Balita ko ang lakas daw ng ulan diyan , may kasama pa daw kulog at kidlat. Kumusta naman ang unang gabi mo diyan anak?"

 

"Good morning Ma, paano mo namang nalaman na masama ang panahon dito?"  

 

"Tagal naming nag usap ng Ninang mo kagabi, sabi nga pala niya sana daw madalaw nyo sila, miss ka na daw niya."

 

"Miss ko na din siya, tawagan ko siya mamaya."

 

"Hindi mo sinagot ang tanong ko anak."

 

"Ma naman, oo na kumulog at kumidlat pero mali ka, mahimbing siyang nakatulog. Hindi ko siya inistorbo sa kwarto niya."

 

"Owww? naka survive ka ng walang katabi  kahit na sobrang lakas daw ng mga kulog at kidlat. So hindi ka na takot?"

 

Namumula si Sarah kahit na hindi naman siya nakikita ng Mama niya.  "Takot pa rin Ma, dito siya natulog sa kwarto ko." Pag aming sagot ni Sarah sa tanong ni Lena.

 

Hindi humihinga si Sarah sa paghintay sa sagot ng  Mama niya,  nagulat pa ito ng biglang mag ring ang telepono. Ang Mama niya.

 

"Pakipaliwanag nga anak kung ano ibig sabihin na  sa kwarto mo natulog si Jason."

 

"Ma, galit ka ba?" Nag aalalang tanong ni Sarah. Nagsisisi kung bakit nasabi pa sa ina na sa kwarto niya natulog ang bagong boyfriend.

 

"HIndi naman, may dapat ba akong ikagalit? Ilang araw na lang , 25 ka na, pero syempre gusto ko pa ring malaman kung bakit. Nanay mo pa rin ako pero kung ayaw mo pang ikuwento, hindi kita pipilitin kahit na gustong gusto kong malaman."

 

"Ma, pasimple ka pa. Sinamahan lang niya ako kasi nakita niyang talagang natakot ako. Sinamahan lang talaga niya ako, nakatulog din kami agad dahil na rin siguro sa pagod, puyat at nakainom ng kunti. Nag hang out kami duon sa kinakantahan  Shin at Yeng."

 

"Ok,".

 

"At saka , inamin ko na rin na mahal ko rin siya. Mahal ko siya Ma" ulit ni Sarah sa ina

 

"Hindi mo na ako kailangang kumbinsihin anak." Natatawang sabi ni Lena. "Basang basa na kita."

 

"Hindi ba ako mukhang easy easy Ma? Isang linggo pa lang halos kaming magkakilala."

"Anak, magtiwala ka lang sa nararamdaman mo. Wala ka naman sigurong natatapakan sa pakikipag relasyon mo kay Jason. Di ba? Wala naman siyang girlfriend na iiyak dahil sinagot mo na siya?"

 

"Hindi ako sigurado na walang iiyak Ma pero naniniwala akong wala siyang ibang girlfriend ."

 

"Ako din. Good luck anak , masaya ako para saiyo. Nakikita ko naman kung paano la niya alagaan. May tiwala ako sa kanya."  

 

"Thank you Ma, I love you."

 

"We love you too anak, teka gusto ka yatang kausapin ng Papa mo. Sandali lang." Ibinigay sa palapit na si Neil ang telepono.

 

"Good morning anak, bakit gusto na yata akong tawaging Papa ni Jason?"

 

"Pa?" Halos hindi makapag salita si Sarah sa narinig na tanong ng Papa niya.

 

"Binibiro lang kita anak , natutuwa ako sa nalaman ko. Kung meron mang isang lalaki sa mundong ito na ipagkakatiwala ko kayo ng Mama mo si Jason yun. Hindi ka nagkamali ng pinagkatiwalaan ng puso mo anak ."

 

"Sana nga Pa, thank you din po."

 

"Sige anak , alam Ko may meeting pa kayo this morning. May mga aasikasuhin din ako sa office."

 

"Sige po Pa, ingat po kayo ni Mama."

Paglabas ni Sarah ay may naghihintay na sa kanyang mainit na kape. Anduon na rin ang breakfast na inorder ni Jason. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi namalayan na nasa likod na niya dalaga. Dahan dahang lumapit si Sarah kay Jason at yumakap dito. “Sarap naman ng amoy ng breakfast natin.”

Nagulat man ang binata ay abot tenga pa rin ang ngiti nito ng humarap kay Sarah. Hinawakan ang dalawang kamay na yumakap sa bewang niya. Humarap ito sa dalaga. “Wala ng sasarap pa sa yakap mo. Ang sarap ng pakiramdam ng mga bating ganito.” Ibinalik ang mga kamay ng dalaga sa pagkakayakap sa bewang niya at niyakap din ito , kinabig palapit sa kanya. Tumingala si Sarah at nagtama ang mga paningin nila. Nangiti ang dalaga, habang kumikislap ang mga matang sinabi, “parang ngayon ka lang naman nayakap ng babae kung makapagsalita.”

 

Hindi na nakapagpigil si Jason at siniil na ng halik ang dalaga. Ang kamay si Sarah na nasa bewang ni Jason ay nalipat sa leeg ng binata. Hindi na maipagkakaila ang init na nararamdaman ng bawat isa. Nagkakatitigan ang dalawa ng maghiwalay ang mga labi para habulin ang mga hininga nila. “Huwag mo akong sasanayin ng ganitong pagbati sa umaga sweetheart, baka pareho tayong madalas na hindi na makalabas ng bahay.Pasalamat ka at kailangan nating nasa labas na ng villa na ito pagkatapos nating mag breakfast  kung hindi, hindi ka na makakatakas  sa pagkakayakap ko hanggang hindi ka pumapayag na pakasal na sa akin.”

 

“Sweetheart , hindi ko alam kung talagang gusto mo na talagang pakasal o ginagawa mo na lang biro yan. May tinatakbuhan ka ba? Baka naman may mga babae kang gustong takbuhan ha, ngayon pa lang sabihin mo  na hanggang maaga.”

 

“Kung meron man akong tinatakbuhan , hindi dahil may mga responsibilidad ako sa kanila, kung hindi gusto ko ng lumagay sa tahimik, ma enjoy yung buhay pamilya, yung alam kong pag uwi ko kahit gabi na, anduon ka, mayayakap ko sa gabi, yung regular, yung nararamdaman ko yung kaligayahang ganito, malaman ko lang na katabi kita, panatag na ako.”

Hindi makahinga sa mga narinig si Sarah. Nag uumapaw ang kaligayahang nararamdaman sa mga sinabi ni Jason. “Hinawakan ang mukha ng binata at dinampian ng halik ang labi nito. “Kain na tayo, hindi magandang paghihintayin natin si Mr. Tagauchi baka magbago pa ang isip nuon.” Tumalikod at kinuha ang kape sa lamesa. Umupo at inumpisahang kumain, “upo ka na rin Mr. Opsima, we have work to do.” Nilagyan ng pagkain ang plato para kay Jason.


“Alright future Mrs.Opsima, let’s eat.” Bago umupo ay hinaplos pa nito ang pisngi ng dalaga. "Ano gagawin natin pagkatapos ng trabaho?" Pilyong ngiti ni Jason bago sumubo na nakatitig sa dalaga.

Continue Reading

You'll Also Like

908K 8.6K 29
WARNING: SPG | R-18 | Mature Content paano nga ba kung magkita kayo ng ex mong nanloko sayo tatlong taon ng nakalipas, anong gagawin mo? kung an...
3.3K 110 52
Venice Allison Archibald Montague, who love to do flirtings and flings and born with naughty and witty personality. Flirting and flings are part of h...
21.6K 404 27
Loving is also accepting whatever your partner's beliefs, taking care his reputation and accepting all his worst. Isang simpleng babae lamang si Jean...
317K 5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...