One Wicked Night | ✔️

Por Gorgeybelle

450K 9.8K 458

[COMPLETED] Her life changed because of that one wicked night. Paano niya maitatama ang lahat? Formerly: St... Mais

Prologue
Chapter 1: Elise
Chapter 2: Stranger
Chapter 3: Jen
Chapter 4: Unang hakbang
Chapter 5: Inbitasyon
Chapter 6: Party
Chapter 7: The evil plan
Chapter 8 & 9
Chapter 10: I lost it
Chapter 11: Tuso
Chapter 12: Justice
Chapter 13: Weird Feelings
Chapter 14: Am i.....?
Chapter 15: PT
Chapter 16: It was her!
Chapter 17: Escort
Chapter 18: Masquerade
Chapter 19: Oh no!
Chapter 20: Ang paghihiganti
Chapter 21: Revelations
Chapter 22: Am i the...
Chapter 23: Prove it!
Chapter 24: Not a Coincidence?
Chapter 25: Awtsuuu
Chapter 26: Hormones
Chapter 27: Promise
Chapter 29: Baby Stuffs
Chapter 30: Young and Naive
Chapter 31: Fell out of love
Chapter 32: Stay with me
Chapter 33: Living with Him
Chapter 34: Jealous
Chapter 35: Hard
Chapter 36: Elle's Wed
Chapter 37: Garter
Chapter 38: Panaginip lang ba?
Chapter 39: Sana
Chapter 40: YES!
Epilogue
Special Chapter

Chapter 28: She's back?

9.5K 220 8
Por Gorgeybelle

Hindi ko na na-edit. Sorry sa mga typos :)


×××

Today is our Graduation Day. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, nakahabol din ako para sa ranking students. Pang 2nd honorable ako. I am happy yet sad. Hindi dahil bumaba ang rank ko kundi magwawakas na naman ang isang yugto ng buhay ko. Mabilis lumipas ang panahon. Parang kailan lang noong freshman palang ako dito sa elite high school. Marami din akong nabuong mga magaganda at malungkot na alaala dito. Lahat yun, dadalhin ko na hanggang sa pagtanda ko.







Mapait akong napangiti kay vivian. Kakatapos lang ng aming martsa. Nagpakuha kami ng litrato habang nakatoga. Narito rin ang parents ko na super proud na proud sa akin. Bagama't bumaba ang rank ko ay madami naman akong nakuhang awards.




Lahat nag-iiyakan na para bang mamatay na ang isa't-isa. Natatawang nagka-iyakan din kami ni vivian. Para kaming tangang nagtatawanan habang pinupunasan ang luha ng bawat isa.



"Congrats sa atin best! Ang bilis ng panahon ano? Graduate na talaga tayo. Paano ba yan.. Mamimiss talaga kita." emosyonal na saad niya habang sumisinghot pa. Naiiyak pa rin siya at maging ako ay hindi ko mapigilan ang mapaiyak.



"Mamimiss ko din ang bestfriend kong shopaholic! Wala ng mangungulit sa'kin para magpasama sa pagshoshopping! Sa wakas, makakapagpahinga na ng tuluyan ang mga paa ko!" biro ko rito. Natawa naman ito.





"Best naman.." aniya habang natatawa pa rin. Niyakap niya ako ng mahigpit at gumanti rin ako sa kanya.






"Ano ba, hindi na makahinga yung inaanak mo." pabirong sita ko rito habang tumatawa. Agad naman siyang bumitaw. Saka mabilis na hinaplos ang medyo nagkakaumbok ko ng tyan. Mahigit tatlong buwan na rin kasi.



"Sorry, baby. Mamimiss ko kayo ng mommy mong super iyakin. Dibale, uuwi naman ako kapag kinasal na ang mommy at daddy mo." aniya habang humahagikhik. Agad ko itong sinaway dahil kung ano-ano ng sinasabi nito.


Hays! Mamimiss ko talaga si vivian. Mag-aaral na kasi ito sa ibang bansa. Kaya matatagalan siya roon. Siguro uuwi siya tuwing holidays. Bukas na bukas na ang flight niya. Kaya ngayon na kami nagdradrama dahil hindi ko na siya maihahatid bukas sa airport.



Masaya ako para sa kanya dahil unti-unti na niyang maaabot ang mga pangarap niya. At bubuuin niya iyon sa ibang bansa. Samantalang ako, wala pa akong ideya kung anong nakalaan sa akin sa kinabukasan. Siguro, titigil muna ako ng isang taon dahil kailangan ko munang maisilang ang anghel na nasa sinapupunan ko.



Bago kami umalis ay nagpasalamat muna ako sa mga teachers namin. Nagpasalamat ako sa kabila ng mga suportang binigay nila para sa'kin. Kung hindi dahil sa pagmomotivate nila sa'kin maybe i'm not here today.



Pagkatapos no'n ay umalis na kami at nagtungo sa isang resto para magcelebrate. With my mom and dad only. Hindi na nakasama pa si vivian at ang parents niya dahil maaga na silang aalis bukas para sa flight ni vivian. Nalulungkot parin ako tuwing naiisip ko ang bagay na yun. But i just kept in mind that i should be happy for her.




"Let's go sweetie." Saad ni mom na siyang nagpabalik sa aking ulirat. Tumingin ako sa paligid, narito na pala kami sa isang sikat na restaurant.


Tumango lang ako at inakay na ako ni mom papasok samantala si dad ay ipinark muna ang sasakyan.




Pagkapasok namin ay dinala kami ng isang waiter sa isang table. Nagulat ako ng makita ang parents ni gab doon pati na rin siya. Lahat sila ay nakangiti sa akin. Agad tumayo si gab at parents nito upang makipagbeso kay mommy at pati sa akin. At saka umupo na kami, umupo ako sa tabi ni gab. Dumating na rin si daddy at umupo na rin ito sa tabi ni mommy.



"Congrats, hija..You did it!" Masiglang bati sa akin ni tita menerva. Tipid akong ngumiti rito.



"Congrats elise, you did a great job!" Bati rin sa akin ni gab.



"Salamat." I said as i simply smile.


"What's running on your mind?" Tanong sa akin ni gab ng kumakain na kami at mapansing hindi ako masyadong kumikibo samantalang lahat sila ay parang hindi nauubusan ng pag-uusapan.



Our parents just talking about random stuffs like business, our baby's future and about my studies. But i don't understand anything because my mind was too preoccupied with the thought that vivian will be leaving tomorrow.




"I'm.. I'm just thinking vivian. Aalis na siya bukas." I can't help but to grimace.




"You'll gonna miss her, don't you?"




"Ofcourse, i'm gonna miss that crazy cousin of yours... Bigtime." I pouted.



Napapailing siyang ngumiti. "Don't worry, you can always communicate thru skype. And don't think too much, it's not good for our baby." He consoles. Nabaling ang tingin ko sa kanya.


Parang may parte sa puso ang biglang sumaya ng marinig ang pagtawag nito ng "our baby".



I heaved a deep sigh and just nodded.


"We'll see your OBGyne again tomorrow. Wala ka ng vitamins, diba?" Tanong nito sa akin. Makikita sa mga mata nito ang concern.



Nakalimutan kong paubos na pala ang vitamins para sa baby na inireseta ng OB-Gyne ko. Siya pa talaga ang nakaalala. Parang may humaplos sa puso ko just thinking at that thought. Kung ibang lalaki siguro hindi na iyon maiisip pa.




"Oo nga pala. Thank you ha."




"For what?" Aniya.



"For reminding me. Ikaw pa talaga ang nakaalala. Thank you.. Thank you for being here." Seryosong saad ko rito.



Masyadong na-ooverwhelm ang puso ko dahil sa mga pinapakita niya. May ibabait pa ba siya? I'm very sure that he will be a good father.



An ideal father and a husband. Swerte ng makakatuluyan niya. I know, hindi ako 'yun dahil hindi naman ako ang mahal niya. Pero parang meron pa ring parte sa akin ang gustong umasa.






Ang mahalaga ngayon, ang pagiging responsableng ama siya sa magiging anak namin.





//






GAB




"Kuya, 'kaw na ang bahala kay elise ha? Alagaan mo siya at yung baby niyo. Sayang.. hindi ko pa naman nakikita yung baby bump niya." saad ni vivian habang nakasimangot.


Narito kami ngayon sa NAIA dahil ngayon na ang alis ni vivian papunta sa states. Ilang minuto na lang sasakay na siya sa eroplano. Kasama ko sina tita at tito. Ako na ang nagdrive para sa kanila.

Hindi na nakasama pa si elise sa paghatid kay vivian dahil maaga nga ang flight ng vivian.


"Ofcourse, i will take care of her. Alagaan mo rin ang sarili mo doon. Don't entertain boys, okay?" i smiled at her as i pat his head.



She laugh at my gesture as she tries to remove my hand on his head.

"No time for boys, couz'. Don't worry." she laugh. "I-kiss mo na lang ako kay elise, ha? Sa lips..." she whispered as she grinned. Lokong bata 'to!

"Silly!" i laugh as i pinched her nose.


Aaminin ko, hindi kami ganito ka-close ni vivian noon. But because of elise, naging mas malapit ako sa pinakabatang pinsan ko. Mamimiss ko rin ang kakulitan niya.



"Bye mom and dad. Bye kuya gab.
" she said before she finally walks away with her bags and luggages.


Napabuntong hininga na lang ako habang tinatanaw siya papalayo. Sina tita at tito naman maluha-luha pa rin. Ito kasi ang unang beses na malalayo sila kay vivian eh.

"Tita.. Hindi pa siya mamamatay, okay? Hindi bagay sa inyo ang umiiyak eh. Baka dumami pa ang wrinkles ninyo." pambibiro ko kay tita. Sa wakas ay tumawa naman siya at pati si tito ay nakangisi rin habang umiiling.


"Kaw talagang bata ka, oo. Panira ka ng moment eh. Tara na nga at bago pa ako tuluyang maiyak dito." pagganyak ni tita.



Tatawa tawa rin ako. Paalis na sana kami ng may isang bulto akong naaninag di kalayuan na siyang nagpalis ng ngiti ko. Hindi makapaniwalang sinuri ko ito mula ulo hanggang paa. Sinisigurado ko lang na hindi ako namamalikmata. At nakumpirma ko ngang siya nga iyon. May kasama siyang isang lalaking foreigner at naka-akbay ito sa kanya. Mukhang masayang-masaya siya dahil kanina pa siya napapangiti sa mga pinagsasabi ng lalaking kasama niya. Pakiramdam ko'y may parte sa puso ko ang gumuho.



Elle already replaced me.. Pero bakit siya bumalik sa pilipinas agad agad?



×××

Lame!!! I know guys :( Huhu Votes and Comments pleaseeeee...

Continuar a ler

Também vai Gostar

77.7K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
6.8M 101K 68
Winiata Gonzales was living a normal life of a twenty three year-old. Pero dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang takbo ng kanyang buhay. She had...
1.3K 66 6
She wanted to be beside with him but the circumstances doesn't allow her. Will be able to be beside him? photo not mine, credits to the owner.
3.2M 5.9K 6
Highest Rank: #8 in General Fiction More typos and grammatical errors ahead. WARNING: Mature content.