Chapter 18: Masquerade

9K 218 7
                                    


GAB

Hindi ako mapakali habang masuring tinitignan ang itsura ko sa rearview mirror ng kotse ko. Hindi ako mapakali habang panay ang tingin ko sa buhok ko kung maayos o kaya naman sa mukha ko kung may dumi ba? Panay din ang ayos ko sa suot kong tuxedo dahil parang hindi ako makahinga.

Narito ako ngayon sa labas ng bahay nila Elise at hinihintay siya. Ngayon na kasi yung birthday party ni Vivian at inutusan niya ako na sunduin na raw yung bestfriend niya.

I glanced at the rear view once more time then I checked if my car's aircon is working properly and it was. But why am I sweating so bad? Gusto ko na ngang tanggalin tong maskara kong tumatakip sa mga mata ko eh— yes, Vivian chose a masquerade party.

Damn! Bakit ba parang hindi ako mapakali? Hindi naman ako ganito dati eh. I'm always confident when it comes to women. But this time, I don't know what the hell is happening to myself!

Maganda kaya yung Elise? Mabait kaya siya? Masungit? May boyfriend na kaya siya?

Agad akong natawa sa huli kong inisip. Seriously?

When did I become a pedophile? For goodness' sake she's just a kid!

ELISE

"Ang ganda-ganda niyo naman po, Ma'am Elise!"

"Ikaw ba yan, Ma'am Elise? Hindi po kita nakilala. Ang ganda mo!"

"Para kayong dyosa, Ma'am!"

Puri ng aming mga kawaksi nang makita akong pababa sa hagdan. Sa pagkakatitig nila sa akin ay parang bang manghang-mangha sila sa akin.

"Salamat po." Napangiti naman ako.

Nagsuot ako ng white beaded chiffon sheath dress. Bahagyang nakalitaw ang cleavage ko. Pilit ko ngang tinataas kasi naasiwa ako eh, kaso bumababa pa rin. Si mommy pala ang pumili ng dress ko—as usual. Yung buhok ko naman, parang kay elsa sa frozen. Hindi na ako masyadong naglagay ng make-up kasi naka-maskara rin naman ako. Masquerade party nga kasi yung birthday theme ni Vivian. 

"Ah... Ma'am, nandoon na po pala yung sundo niyo sa labas. Kanina pa po kayo hinihintay ni pogi." bungad sa akin ng aming security guard.

Ay! Oo nga pala, nakalimutan ko! Kasi kanina tinext ako ni Vivian na susunduin na lang raw ako nung pinsan niya. Kasi nga, escort ko daw kasi yung pinsan niya ngayon.

"Sige po. Pupuntahan ko na." sagot ko.

So, this is it? Makikilala ko na rin yung pinsan niya. Napabuntong hininga muna ako bago lumabas ng bahay.

Agad kong nakita ang sasakyan niyang nakaparada sa labas ng bahay. Nakita ko siya roon na nakatalikod at nakasandal sa sasakyan. Naku! Mukhang naiinip na siya? Kaya lumapit na ako rito. Parang hindi niya napansin ang presensiya ko. Kaya tumikhim ako para agawin ang atensyon niya.

Medyo nagulat pa siya at nang humarap na siya sa akin ay parang biglang huminto ang pag-inog ng mundo.

Dahil nakamaskara siya ay hindi ko masyadong makita ang buong mukha niya. Pero bakit... bakit parang may kamukha siya? Ang hulma ng mukha niya... Ang mga mata niyang parang napakamisteryoso...  Ang mga labi niyang mapang-akit... Ang ilong niyang napakatangos...

Saglit pa akong napatanga, at ganoon din siya. Nakita ko pa ang pag-alon ng adam's apple niya habang nakatitig sa akin. Parang naumid ang mga dila namin dahil parang nagpapakiramdaman pa kami kung sino ang unang magsasalita.

Ilang saglit pa ay nagsalita na rin ito.

"Hi...You're Elise, right?" tanong niya ng makalapit siya sa akin habang nakalahad ang palad niya tanda ng pakikipagkamay. Naamoy ko pa ang kanyang mabangong male perfume.

Sana hindi niya maramdaman ang panlalamig ng palad ko.

"Yes, I'm Elise Fortalejo." inabot ko ang palad niya at nakipagkamay rito. Malamig din pala ang palad nito.

"I'm Gabriel De la Vega. It's nice meeting you." ngiting saad nito. Gumanti rin ako ng tipid na ngiti rito at saka nag-iwas ng tingin. Iyong mga titig niya kasi parang tumatagos sa kaibuturan ko, para akong matutunaw.

Binawi na niya ang kamay niya at saka ako pinagbuksan at iginiya na sa loob ng sasakyan. Nang umikot ito at pupunta na sa driver's seat ay sinamantala kong huminga ng malalim. Para kasi akong mauubusan ng hangin.

"Ready?" tanong nito ng makaupo na ito sa tabi ko. Tango lang ang itinugon ko rito.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa event venue ay nagtanong-tanong ito sa akin.

Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin sa rear-view.  Nakamaskara rin kasi ako kaya hindi niya rin masyadong makita ang buong mukha ko. Siguro, nacu-curious din sa akin.

Pakiramdam ko ito ang pinakamatagal na biyahe sa buong buhay ko.

"So... you're my cousin's bestfriend, right?" kapagkuwa'y tanong nito habang nakatuon pa rin ang paningin sa daan.

"O-opo." tipid na sagot ko rito.

Tumawa ito. "Don't 'po' me, just call me gab na lang." anito.

Sabi kasi ni Vivian, 24 years old na raw ang pinsan niyang ito pero kung titignan, mukha pa itong teenager. Nahihiya lang kasi talaga ako rito.

"Okay, Gab." tugon ko na lang rito at inabala ko na lang ang sarili sa pagtanaw sa labas.

Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na iyon masyadong naintindihan dahil sa t'wing haharap at magtatanong siya sa akin ay sa mukha nito lang nakatuon ang atensyon ko.

Nakaramdam ako ng pagkabitin ng ihinto na niya ang sasakyan sa isang lugar. Narito na pala kami sa bahay nila vivian. Malawak kasi ang bahay nila, meron ng event area ang bahay nila para sa mga ganitong okasyong katulad ngayon.

Pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan at iginiya na niya ako palabas ng sasakyan. Nagpatianod na lang ako rito at magkaagapay kaming pumasok sa event area.

Bumungad sa amin ang mga taong nakasuot din ng kanilang mga maskara.

Sabi ni Vivian ay mga kamag-anak rin nila ang karamihan sa mga bisita niya ngayon. Ang mga iba ay nga kilala lang ng parents niya, unfortunately wala sila mom at dad dahil abala sila sa bagong pinapatayo nilang business kasama ng mga bagong kasosyo. Naintindihan naman nila Tita iyon.

Dahil puro nakamaskara ang lahat ng tao ay nahirapan kaming hagilapin si Vivian. Pero ilang saglit pa ay may tumawag sa akin.

"Best, is that you?" kapagkuwan ay saad ng boses na nasa gilid ko at hindi nga ako nagkamali, si Vivian!

"You are very gorgeous tonight!" palatak niya.

Lumingon ako rito at agad ko siyang niyakap. "You too, best! Happy birthday!" maluha-luhang bati ko sa kanya.

Hindi pa namin mapapansin na naroon pa rin pala si Gab ng hindi pa ito tumikhim.

"Hi, Kuya Gab! Gwapo mo ngayon ah!" puri nito sa pinsan. Lumapit si Vivian rito at saka nakipagbeso.

"Maliit na bagay!" biro naman ni Gab na may malapad na ngiti. "Happy sweet sixteen, little cousin!" bati naman nito kay Vivian. Agad nagsalubong ang mga kilay ni Vivian. Natatawa naman si Gab.

"Ah! So..." lumapit sa akin si Vvian at saka ako initinapat kay Gab. "You two knew each already?" tanong niya.

"Yes, and it's nice meeting you're bestfriend. She's polite and... gorgeous." tugon ni Gab habang matamang nakatingin sa akin.

Pakiramdam ko ay pinamulahanan ako ng mukha sa sinabi niya. But oh well, sabi nga niya... maliit na bagay!

Hihi!

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon