Chapter 11: Tuso

8.9K 223 5
                                    


"Ms. Fortalejo! Are you listening?" Rinig kong tawag ni Mrs. Reyes sa akin kaya kaagad nagbalik ang diwa ko mula sa malalim na pag-iisip.

Nawawala ako minsan sa sarili ko dahil sa pagbabalik tanaw ko sa nangyari ilang araw na ang nakakaraan. Kahit ayaw ko na sanang alalahanin pa ang nangyari ay kusa namang bumabalik iyon sa isip ko. It was like a toxic on my mind that it was so hard for me to get rid of it. Hindi ko pa nasasabi sa kahit kanino ang nangyaring iyon—maging kay Vivian.

Paano ko sasabihin sa kanya na ang best friend niya ay naligaw sa isang hotel room at aksidenteng naibigay sa estranghero ang iniingatang puri? What would be her possible reaction if I told her?

Tiyak na mag-aalala at malulungkot lang din siya para sa'kin at iyon ang ayaw kong mangyari. Dibale nang ako nalang mag-isa ang aalo sa sarili ko, huwag lang maapektuhan pati ang mga taong mahal ko.

"Ah... Sorry po ma'am. Ano po...ulit iyon?" napatayo ako at agad na humingi ng dispensa. Napailing naman si Mrs.Reyes habang ang atensyon ng buong klase ay nakatuon sa akin.

"Let's talk outside, Elise. Follow me... Jen, please collect the papers of your classmates." Saad nito bago tuluyang lumabas ng classroom.

"Hey best? Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Vivian sa'kin. Tumango lang ako sa kanya at sinundan ko na si Mrs. Reyes sa labas.

Nang makalapit ako sa kanya ay mataman niya akong tinignan. Wari ay sinusuri niya ako.

"What is wrong, Elise? Kanina ko pa napapansing parang wala ka sa sarili mo?" agad niyang tanong sa akin sa nag-aalalang tono. Napayuko ako at muling humingi ng patawad.

"I'm sorry po, ma'am. Hindi na po mauulit."

"May sakit ka ba.? I think you should go to our clinic or go home now and take a rest." payo pa niya.

"Hindi po. Ayos lang po ako, ma'am. Wala po akong sakit. Siguro po napagod lang po ako. Sorry po ulit, promise po 'di na talaga ako uulit." nanginig ang boses ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mrs. Reyes.

"If you said so, then okay... I just want to make sure na maayos ang kalagayan mo. Hindi kasi ako sanay na hindi ka aktibo sa klase natin. Next time, inform me if you don't feeling well. Okay?"

"Okay ma'am... Thank you po." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nang bumalik na kami sa loob ng classroom ay pinilit ko ng itinuon ang buong atensyon ko sa klase. Hindi dapat naapektuhan ang pag-aaral ko dahil sa nangyari. I should stop thinking about it! Kapag nagkataon ay mas lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag pati ang pag-aaral ko ay napabayaan ko. Ayokong mas lalong madisappoint ang parents ko sa akin kung sakali.

Lumipas ang buong mag-araw at nagtagumpay naman akong igugol ang buong atensyon sa pag-aaral. Ayoko ng isipin ang nangyari, tutal wala na akong magagawa diba? Tapos na iyon, pero hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko.

Right after our last class, I hurriedly went to the comfort room. Hindi na ako nagpasama kay Vivian dahil ihing ihi na ako kanina pa at dumating na ang sundo niya. Lalabas na sana ako nung cubicle nang may narinig akong mga babaeng pumasok sa loob. Nagtatawanan ang mga ito at agad kong nakilala kung sinu-sino ang mga iyon.

It was Jen and her friends!

"Nakita niyo ba kanina yung itsura ni Elise? She seems like she was facing a big problem!" tatawa-tawang usisa ni Jen sa mga kasamahan niya.

I clenched my jaw when I heard that. I was so disappointed to know that she was just lying when she said that she wants us to be friends!

Akala ko talaga nagbago na talaga siya! Totoo palang may forever! Forever Plastic!

"You're right! Napansin ko rin iyon!" pagsang-ayon nung isa niyang kasama.

"Ano nga bang problema niya, Jen? Diba ikaw ang nakakaalam?" tanong naman nung iba.

"Well! I wish I know kung hindi lang pumalpak ang plano namin ni Charles sa kanya!" naiinis niyang sagot.

Anong plano ang pinagsasabi niya? Yung Charles ba na tinutukoy niya ay yung Charles na kasama namin sa birthday niya?!

Kinapa ko ang bulsa ng palda ko. Buti na lang at nadala ko ang cellphone ko. Agad kong inirecord ang usapan nila at taimtim na nakikinig sa susunod na sasabihin niya.

"Bakit? Hindi ba natuloy yung plano niyo? What happened?" The other girl asked.

Naalala kong bigla akong nahilo dahil sa pinainum ni Jen sa 'kin at yung Charles! Kinaladkad niya ako papunta sa isang room ng hotel! That man!

Magkasabwat sila ni Jen? Kaya ba ako inimbitahan ni Jen sa party niya? Dahil ano? It was a fucking set up? They planned to harm me? Oh my God! Hindi ko akalain na kayang gumawa ni Jen ng makakasama sa ibang tao para lang sa pansarili niyang interes! Anong nagawa kong malaking kasalanan sa kanya at umabot siya sa ganitong punto?

"Hindi ko alam! Sabi niya hindi raw natuloy ang plano niya dahil sinukaan siya ni elise at ng hanapin niya si elise wala na siya! Kung hindi ba naman tanga ang gago! Kundi dahil sa kanya sana wala na akong prinoproblema ngayon!" nanggigigil na turan ni Jen.

Sobra na ito. Hindi ko hahayaang magkaroon pa ng ibang pagkakataon si Jen para gumawa ng ganitong kabalbalan. Hindi ko ito palalagpasin! Tuso ka? Gusto mong makipaglaro, Jen? Pwes! Pagbibigyan kita!

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon