Chapter 35: Hard

9.3K 211 19
                                    






~*~


"I KNEW IT! You're Jealous!" ngising saad ni Gab nang madulas ako sa konklusyon ko.




Agad nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya pero WAIT! WHATTTT?! Ako nagseselos? Hindi naman ah... well, konti.




"Huh? A-Anong sinasabi mo? Magkaiba ang nagseselos sa nagtataka. Curious lang.." iniwas ko ang tingin ko sa kanya at binaling na lang ang tingin sa daan dahil pakiramdam ko malulusaw na ang puso ko sa mga ngisi niya.





"I'm just kidding." sagot nito. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.



Hayyy. May pagka-bipolar talaga 'tong si Gab!



"Pero seryoso.. bakit ang saya mo? Hmmm?" pangungulit ko dito.




Nagkibit balikat lang ito at itinuon na ang atensyon sa pagd-drive.



"Masaya lang ako kasi.. U-Uhhm.. Kasi masaya na siya ngayon sa mapapangasawa niya. I didn't see her that happy before."seryosong wika niya.




Ang kaninang nakangising mukha niya ay napalitan ng pagkaseryoso. Minsan talaga ang hirap niyang basahin. Hindi ko mabasa yung emosyon niya.



Seryoso kaya siya sa sinabi niya?


"E-Eh ikaw? Hindi ka ba masaya?" tanong ko ulit dito. Lihim akong napamura. Hindi talaga ako nag-iisip at basta nalang lumalabas sa bunganga ko ang mga insensitive kong mga tanong.


Sandaling tinapunan niya ako ng tingin. Ito na naman yung mga tingin niyang nakakaloose thread ng panty. Sht.




"Ofcourse, I am.. You don't have any idea kong gaano mo ako napasaya.. kayo ni baby." seryosong saad niya.




Woah. Saan nanggaling 'yun? Grabe ang lakas ng tibok ng naghuhurumentado kong puso. Parang lalabas na sa ribcage ang puso ko. Bakit sa simpleng salita lang niya ganito na mag-react ang puso ko?



Hindi ako makapagsalita. Natulala na lang ako sa sinabi niya. Gusto kong mangisay sa kilig pero hindi ko magawa. Kung sana lang.. kung sana lang talaga mahal niya ako.. pero bumalik na naman sa isip ko 'yung narinig ko.
Dahil doon ay napawi ang nararamdaman kong kilig.




Alas singko na ng hapon nang makarating kami sa condo. Agad niya akong inalalayan pababa ng kotse. Pagkatapos ay kinuha na niya ang mga groceries mula sa compartment.




"Papunta na daw sila Mommy at Daddy dito. Kasama na nila ang Mommy at ng Daddy mo." ani gab ng makasakay na kami ng elevator pataas.



Tumango lang ako rito.





"May maitutulong ba ako?" tanong ko ng mag-umpisa na itong magprepare ng mga kailangan at gagamitin niya sa pagluluto.





"Ahh No. Maupo ka na lang doon. Ayaw kong mapagod ka." aniya.





"Pero gusto kitang tulungan." pag-iinsist ko. Sawa na kasi akong umuupo na lang eh. Gusto kong may ginagawa rin ako.




Napatigil ito sa paghihiwa ng mga gulay at tumingin sa'kin. Nakukulitan kaya siya sa'kin?



Napabuntong-hininga ito. "Okay. Ayusin mo na lang yung mga tableware na gagamitin natin mamaya." anito.




"Sige." sagot ko at agad nang nag-atubili sa pag-aayos.




One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon