Chapter 34: Jealous

8.9K 220 35
                                    



"Congratulations! It's a baby girl!" masayang balita ni Dra. Suarez matapos niya akong suriin gamit ang ultrasound.

Ngayong araw kasi ay ika-limang buwan ko na sa pagbubuntis. Ngayong araw naka-schedule ang Ultrasound ko.

"Talaga Dok?" kita sa mga mata ni Gab ang kaligayahan. Halos maluha-luha pa siya. Alam kong masaya siya sa nalaman bagama't lalaki talaga ang gusto niya.

"Yes and the baby is very healthy." dugtong ni Dra. Suarez.

Napaluha ako ng makita ang itsura ni baby mula sa 5d monitor. Kitang kita ang bawat galaw at ang physical features ng baby.  Parang may kamay na humaplos sa puso ko. She looks like an angel.

Hinawakan ni Gab ang mga kamay ko at nginitian ako ng malapad. Sinuklian ko rin siya ng isang tipid na ngiti.

"Our little angel looks like you. Ang ganda ganda niya, just like her mommy." wika nito. Napaiyak na din ito—Tears of joy.

Our Little Angel... Ang sarap pakinggan.

Masaya ako pero bakit ganoon? Parang may mabigat na nakadagan dito sa puso ko? Isang buwan na ang nakakalipas ng marinig kong sabihin niya iyon.

I am half happy and half sad upon hearing those words from him. Masaya akong malaman na handa niya rin akong mahalin pero parang mas nanaig yung bahagi ng puso ko ang nasaktan.

I mean..sinong tao ang gustong maging option lang? Yes! A fvcking option! A rebound! No one else, right?

Pero hindi ko magawang ikompronta yun sa kanya. Hanggang ngayon, kinikimkim ko parin 'yun. Magmula nang gabing 'yun medyo naging uncomfortable na ako. Parang may nagbago na kasi... it's not that, i don't love him anymore. Ofcourse, mahal ko pa rin siya.

Dumaan ang isang buwang magkasama kami sa condo. Mas napalapit siya sa'kin. Inalagaan niya ako. He's always asking me what I want, what i need and what i'm feeling.

I wanted to say, "I want you to see me as a priority not an option. I want you to need me as much as I need you and I want you to feel also the way i feel for you." but damn, i can't even utter those words.

"You're okay?" my senses came back when Gab suddenly caressed my cheek.

"Yeah..." I wiped my tears on my cheeks.

Inalalayan na niya ako patayo sa hospital bed. Napahawak ako sa tiyan ko. Malaki na 'yun at bilog na bilog—baby bump. Bigla kong naalala ang bestfriend ko.

How I miss Vivian.

"Don't forget to come back here next month for your next check-up, elise. You still need to take your vitamins regularly, okay?." payo ng doktora.

Tumango ako dito, "Thank you po, doc."

~*~

Habang papalabas kami ng clinic ay wala nang binanggit si Gab kung hindi ang magiging pangalan ng baby.

"Ano kayang magandang ipangalan kay baby? I want it to be unique and different from others. What do you think?"tanong ni Gab. Hindi maitago ang excitement sa boses nito.

Sa totoo lang.. wala pa talaga akong naiisip o ideya kung anong ipapangalan namin sa baby.

"Hindi ko din alam eh. Wala pa akong idea. Tanungin na lang natin si Tita at si Mommy kung ano ang mga suggestion nila." opinyon ko.

Napaisip ito, "That's a good idea! I'm very sure they'd be happy once they know that the baby is a girl!Their wish granted!"

"Hindi mo pa nasasabi sa kanila?"

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon