Chapter 17: Escort

9.2K 217 7
                                    


GAB

"Kuya Gab!" bungad sa akin ni Vivian nang makapasok na ako sa bahay nila.

Patakbo ako nitong nilapitan at saka nakipagbeso. Basang basa pa ito ng pawis, marahil kakatapos lang nilang magpractice.

"Bakit ngayon ka lang, Kuya?" nakalabing tanong nito. "Tapos na iyong rehearsal!" napahalukipkip pa ito.

I scratched my nape. "Sorry ah, si Mommy kasi, eh. Pinakilala pa ako sa bagong amiga niya. Kaya natagalan pa ako bago makarating rito." I reasoned out.

"Ganoon ba? Sige, Kuya... okay lang." aniya.

"Huwag kang mag-alala, bukas.. promise maaga na ako." assurance ko. Napatitig naman siya sa akin at saka napabuntong hininga.

"Uhm, huwag na po, Kuya. Sabi nung choreo, okay na raw kami para sa production number."sagot niya.

"Ha? Eh, ano na lang gagawin ko?" Maang tanong ko sa kanya.

"May pabor sana ako, kuya, okay lang ba?" Nahihiyang saad niya at bahagyang napangiti. Hays! Batang ito talaga.

Ginulo ko ang buhok sa tuktok ng ulo niya at saka ako tumango. "Okay, anything for my little cousin."

Actually, hindi ko gaanoong nakakasama at nakikita si Vivian. Minsan ay sa mga family reunion lang kami nagkakasamang magpipinsan. Bagaman hindi kami ganoon kaclose —well, dahil na rin sa age gap namin — ay magkakasundo naman kaming magpipinsan.

Iniwas naman niya ang kamay ko sa buhok niya. "Kuya, hindi na ako bata! Hmp!" sabi niya sabay irap.

Napatawa ako roon. Ayaw na ayaw kasi niyang trinatrato siyang bata. Katulad na lang noong last na family reunion namin, naisip naming magpipinsan na magshot pero dahil siya ang pinakabata sa aming magpipinsan ay hindi namin siya pinayagang uminom dahil menor de edad pa ito. Nagtampo ito sa amin dahil parang lagi daw itong OP sa aming magpipinsan.

"Okay, sorry na po mahal na prinsesa." paumanhin ko dito. "Ano po ang maipaglilingkod ko mahal na prinsesa?" tinungkod ko pa ang isang tuhod ko sa harap nito.

"Kuya naman eh! Niloloko mo 'ko! Hmp! Seryoso kasi!" tinampal nito ang braso ko at saka ako pinatayo, nangingiti na lang ako.

"Okay, Sige seryoso na." saad ko habang hindi pa rin naalis ang pagkakangiti. "Ano ba 'yun?"

"Ah, kasi kuya... Umm, pwede mo bang i-escort yung kaibigan ko sa birthday ko?" diretsahang tanong niya.

Napakunot-noo naman ako, "Ha? Bakit kailangan ko pang i-escort? Nirereto mo ba ako ha? I don't do younger girls!" biro ko rito.

Napangiwi naman si Vivian, "Bakit may magagalit ba?"

Saglit akong natigagal sa tanong niya. Bigla kong naalala si Elle, talagang wala na kami.

"W—wala. Wala na." walang kaemo-emosyong sagot ko rito. Napansin naman niya ang biglang pagbabago ng mood ko.

"Wala naman pala kuya eh!" palatak nito. "Wag kang mag-alala, hindi naman sa 'nirereto' kita noh! Gusto ko lang na may mag-entertain sa kanya kasi hindi ko siya masyadong maaasikaso kapag marami ng bisita." saad nito.

"Ah... So gagawin mo pa akong entertainer nong kaibigan mo?" kunwari'y angal ko.

"Hindi naman sa ganoon,
Kuya, kasi...sa ating magpipinsan, ikaw lang yung walang kapartner eh. Tutal, wala ka namang isasama, samahan mo na lang yung kaibigan ko. Please?" pakiusap niya.

"Bakit? Wala ba siyang ibang kasama? Yung ibang friends o classmates niyo?"

"Wala nga eh, siya lang kasi ang ininvite ko. Ang dami mo namang angal kuya eh, akala ko pa naman babawi ka." napayuko ito at parang biglang nalumo.

"Eh pa'no kapag nalaman ng boyfriend niya? Baka mamaya, mabugbog pa ako sa labas ng walang kamalay-malay ha?"

"Huwag kang mag-alala kuya! Walang bubogbog sa'yo, wala naman siyang boyfriend eh!" assurance nito.

Saglit pa akong kunwari'y nag-isip bago nakapagsalita ulit. "You're sure about that, huh? Wait, ano nga palang pangalan ng kaibigan mo? At nandito ba siya ngayon?" parang nacu-curious siya sa kaibigan nito.

"Wala na siya rito eh, kakauwi lang kanina nung dumating ka." aniya.

Bigla ay parang may naalala ako. Ang babaeng iyon, kaibigan niya kaya iyon? Tanungin ko kaya siya? Pero paano kung tanungin niya rin ako kung paano ko nakilala ang babaeng iyon? Ah! Saka na lang!

"Elise pala ang pangalan niya kuya at siya ang bestfriend ko. Kaya please pumayag ka na, pabirthday mo na lang sa akin, Kuya." parang pamilyar sa akin ang pangalang iyon. Ewan, pero parang bigla akong nakaramdam ng pananabik na makilala siya.

Napatango na lang ako.

ELISE

Riiiiiiing.....

Napabalikwas ako nang biglang magring ang cellphone ko na nasa side table. Kasalukuyan kasi akong nagpapahinga dito sa kwarto ko. Kagagaling ko lang kanina sa bahay nila Vivian, birthday na kasi niya next week. Sasama sana ako sa rehearsal nila para sa production number, kaso hindi siya pumayag baka makasama pa raw sa baby.

Hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi sa parents ko ang..ang sitwasyon ko. Hindi ko alam kung pa'no ko ipapaliwanag ang nangyari sa'kin, pero nangako si Vivian na sasamahan at tutulungan niya ako kahit anong mangyari.

"Hello, best? Musta ka jan?" bungad nito sa kabilang linya.

"Okay lang best, bakit ka napatawag?"

"Uh, may ibabalita lang ako sa'yo best." sagot nito at saka napatawa.

"Ano 'yun?" napahikab ako. Ganito ba talaga kapag buntis? Antukin?

"May escort ka na sa birthday ko!" bulalas nito.

Agad namang nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Escort? Seriously?!

"Ha? Hindi ko kailangan ng escort, best." baka mamaya parang si Charles lang ito nung birthday ni Jen na mapagsamantala, eh!

"Best naman, syempre kailangan mo. Hindi kita masyadong maaasikaso kapag marami na akong bisita sa birthday ko, maigi na iyong may kasama at meron kang makakausap." aniya.

Hay, napaka-maalalahanin talaga ng babaeng ito.

"Sure ka bang mabait yong kinuha mong escort ko?" paniniguro ko rito.

"Sure na sure best! Super bait at suuuuuper gwapo at macho fafa pa!" tili nito.

"Sino ba yang tinutukoy mong escort ko?"

"Yung pinsan ko! Si Kuya Gab!" ewan ko pero parang biglang lumundag ang puso ko ng banggitin nito ang pangalan ng pinsan niya.

Hindi ko pa nga nakikita maski picture nun eh. Kasi naman, nung araw na makikita ko sana yung picture ng pogi niyang pinsan kuno eh biglang pinauwi lahat ng estudyante. Kaya nawala na rin sa isip namin yun.

Hays! Sana lang mabait nga talaga ang pinsan niyang iyon.

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon