Chapter 33: Living with Him

9.2K 197 14
                                    






~*~



"My baby! Mamimiss talaga kita! Huwag mong kalimutang bumisita rito paminsan minsan ha?" maluha-luhang saad ni Mommy matapos niya akong mahigpit na niyakap at marahang hinaplos ang pisngi ko.


"Opo mommy. Ako rin po, mamimiss ko kayo ni Daddy.." Malungkot kong saad.




Ngayon araw kasi ang paglipat ko sa condo ni Gab— condo pala namin. Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag nung araw na 'yun. Ang alam ko lang napatango na lang ako. Lalo na ng makita ko ang malamlam nitong mga mata nang tanungin niya akong manatili roon kasama siya. Biglang nanghina ang mga tuhod ko ng yakapin niya ako ng mahigpit matapos niya akong mapapayag.





Si Gab rin ang kumausap kina mommy at daddy tungkol sa pansamantala kong pagtira sa condo niya. Pumayag naman sila pero binilin sa kanyang wag akong pababayaan at huwag iiwan roon. Magalang naman na inassure nito sa parents ko ang magiging mabuting lagay ko roon.— Oo, pansamantala lang naman hanggang sa makapanganak ako. Nakuha kong siguro gusto lang naman niya akong alagaan habang pinagbubuntis ko ang anak niya. Siguro aalis din ako roon kapag nakapanganak na ako besides narito ang baby's room sa mansion at nakaayos na rito lahat ng gamit ni baby.






"Huwag po kayong mag-aalala tita, sasamahan ko po siyang bumisita rito kapag gusto niya." Saad ni Gab habang dala dala ang mga bag na kinaroroonan ng mga gamit ko.






"O siya.. yung pangako mo sa amin hijo ha? Mag-iingat kayo roon." bilin naman ni Daddy habang nakaakbay kay mommy na maluha luha pa rin.





"Opo tito. Huwag po kayong mag-alala. Aalagan ko pong mabuti ang unica hija niyo." ngumiti ito sa akin at gano'n na lang ang pagbilis ng pintig ng puso ko.






Nagpaalam na kami sa kanila at sumakay na sa sasakyan. Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Mukhang malalim ang iniisip ni Gab. Pinili ko na lamang tumingin sa labas ng bintana at titigan ang paglubog ng araw.





"Gutom ka na ba? Gusto mo kumain na lang tayo sa labas o magluluto na lang ako sa condo?" kapagkuwan ay tanong ni Gab.






Marunong pala siyang magluto?




"Sa condo na lang siguro." tipid na sagot ko rito. Tumango naman ito.





Pagkarating namin sa condo ay pinaupo niya muna ako sa sofa at binuksan ang TV para manood muna habang nagluluto siya ng hapunan namin. Yung mga gamit ko naman, nasa gilid lang at mamaya na lang namin aayusin kapag natapos na kaming kumain.





Nilibot ko ang paningin ko sa buong unit. Sakto lang ang lawak at espasyo nito para sa aming dalawa pero pakiramdam ko ang sikip sikip nito dahil dito, araw araw kong makikita ang mukha ng taong palihim kong minamahal. Magsasama kami dito sa loob ng limang buwan. Baka lalo lang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya at masanay ako sa presensya niya. Napabuntong-hininga na lang ako sa isiping 'yun.





Agad kumalam ang sikmura ko ng maamoy ang ginigisang bawang mula sa kitchen area. Ano kayang lulutuin niya? Hindi pa man ay natatakam na ako.



Sandaling nagpunta sa akin si Gab habang may hawak pang sandok. Ang cute niya ngayong naka-apron siya. Haha!




"Gutom ka na ba? Sandali lang ha? Kumuha ka muna ng makakain mo sa fridge kung nagugutom ka habang nagluluto pa ako." suhestiyon nito. Tumango lang ako rito saka bumalik na ito agad sa kusina.




Sumunod naman ako sa kanya at nagbukas ng fridge. May nakita akong sterilized milk doon at cookies kaya yun na lang ang kinuha ko. Kumuha ako ng baso at inilagay sa tray ang mga iyon.




One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon