Chapter 25: Awtsuuu

8.9K 252 19
                                    

×××

Matapos ang pag-uusap ng kanilang mga magulang ay nagpaalam na ang mag-asawang Dela Vega. Pero bago iyon ay naka-usap muna ni elise ang ginang.







Tinanong ng huli kung ano ang mga nararamdaman niya at pinayuhan kung paano ang mga ginagawa ng isang buntis.







Masayang nagkwentuhan pa ang mga ito tungkol sa pagbubuntis noon ng ginang kay gab. Sobrang takaw daw nito noon kaya malusog na lumabas si gab. Magiliw na nagkwento ang ginang sa dalaga.



Hanggang sa maglilis ng ibang usapan ang ginang.







"No offense hija ha, akali namin sila na ni elle ang magkakatuluyan. Sobrang lapit kasi nila eh then nagulat na lang kami nung mabalitaan naming umalis na ng bansa ang batang iyon." Ani tita Menerva. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman sa sinabi ng ginang.







Sino si elle? Siya ba ang tunay na minamahal ni gab?





"Siya po ba yung dating kasintahan ni gab?" hindi niya napigilan ang magtanong.





Marahang tumango ang ginang. "I'm sorry if i'm saying this hija ha. Kasi nabibigla lang talaga ako sa nangyayari. Gab is very devastated back then. Pero you came into his life, kayo ng magiging angel niyo. Nagpapasalamat ako sa'yo kasi binigyan mo ng panibagong rason si gab para sumaya. At alam kong mas sasaya pa siya kapag lumabas na ang angel na ito." ngumiti ang ginang sa kanya at saka hinaplos ang impis pa niyang tiyan. Parang may kamay na humaplos sa puso niya.



"Thank you po, tita. Salamat po sa suporta niyo." pasasalamat niya dito.



Pagkatapos noon ay may mga inabot sa kanya ang mag-asawa. Mga pregnancy books!



"Sana makatulong ang mga iyan sa'yo hija." saad ng ginang. Nayakap niya ito sa sobrang galak. Pakiramdam niya ay tumataba ang puso niya dahil sa mga pinapakitang suporta ng both parents nila.



Makalipas pa ng ilang minuto ay umalis na ang mag-asawa. Nagpaiwan naman si gab para maalagaan pa daw siya nito. Sinabihan niya itong sumabay na sa mga magulang nito. May mga kailangan pa siyang gawin sa kompanya nila. Pero ipinilit pa rin ng binata na hayaan na lamang siyang manatili pa roon. Pumayag naman ang mga magulang nito na samahan muna siya hangga't hindi pa siya tuluyang gumagaling.



Napapailing na lamang siya. Pero sa kaloob-looban niya, hindi niya maitatangging masayang-masaya siya. Pakiramdam niya tuloy ay naii-spoiled na siya. Baka kapag hinayaan niyang manatili si gab sa tabi niya araw-araw ay hanap-hanapin niya na ito. Ayaw niyang maging pabigat rito at ayaw niyang naiistorbo niya ito sa mga bagay na dapat ay inuuna niyang pag-ukulan ng pansin. Kailangan niyang kausapin ito.


"G-gab, you don't need to do this." she said. Agad namang napatingin sa kanya si gab. He gave her a quizzical look.




"What do you mean? I-- i mean, about what?" nagtatanong pa rin ang mga mata ng huli.









She heaved a deep sighed.







"About this... Yung, masyado mo ng pinapaikot yung buhay mo sa akin... sa amin. I appreciate all of your efforts. Pero ayoko naman na ang kapakanan ko nalang ang lagi mong inaalala." aniya rito. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang mga salitang nasabi niya.








Maang napatitig naman sa kanya si Gab.Napabuga ito ng hangin bago sumagot. Mukhang nahihirapang ilabas ang sinasaloob.








"Bakit? Ayaw mo ba?" tanong nito sa kanya habang maang nakatitig pa rin sa mga mata niya.







"G-gusto... Syempre. Pero--" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng maagap itong nagsalita.







"Please... Hayaan mo na lang ako. Let me take care of you. Iyon na lang kasi ang magagawa ko eh. Sorry kung pakiramdam mo nasasakal kita." nakita ni elise ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. Tila may bahagi ng isip niya ang gustong yakapin ito.



"H-hindi naman sa ganoon. Pakiramdam ko lang kasi masyado mong inoobliga ang sarili mo." mahinahong paliwanag niya rito.




"Pasensya na, ganoon lang talaga ako magpahalaga ng taong mahalaga sa akin." usal niya habang taimtim na nakatitig sa mga mata ko. Napalunok ako dahil doon.


Ibig ba niyang sabihin, mahalaga rin ako sa kanya?



Hindi siguro! Baka yung nasa sinapupunan ko lang ang mahalaga sa kanya. Asa naman ako. Siguro, overprotective din siya noon sa elle na yun?



"G-ganyan mo din ba pahalagahan noon si elle?" bulalas ko.



Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya pagkarinig sa pangalang 'elle'.



Sht! Parang gusto ko tuloy bawiin yung nasabi ko. Bakit ba hindi ko pinag-iisipan yung mga lumalabas sa bibig ko!



"A-ahh... Kalimutan mo nalang pala." kakamot-kamot na saad ko.



"P-paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?" Agad itong nag-iwas ng tingin.




"A-ahh... eh.. Sa mommy mo. Pero 'wag mo ng isipin yung nasabi ko. Sorry ha, kung ano-anong lumalabas sa bibig ko." ngumiti ako sa kanya pero nanatiling nakalukot pa rin ang mukha niya.



Nakita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya. "It's okay. Elle is my... ex girlfriend. And yes ganoon ko rin siya pinahalagahan. Sobra-sobra pa kaya siguro nasakal na siya." Malungkot na saad niya habang napako ang mga mata sa lupa.



Nakadama ako ng lungkot at awa para sa kanya. He didn't deserved to be hurt this way. Hindi ko man alam ang nangyari sa pagitan nila. Alam kong mabait siya at mapagmahal. Sobrang tanga lang siguro ng elle na yun para pakawalan pa siya.




"Pwede bang magtanong? Last na..." usal ko na nagpataas ng mukha niya. Tumango lang ito.




"M-mahal mo pa ba siya?" hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para itanong iyun sa kanya.





Na sana ay hindi ko na itinanong pa.



"Sobrang mahal ko pa siya."



Ouch!




×××


Sabaw! Hahaha. I know. Bawi ako next time guys! Please just let me know kung gusto niyo pang ipagpatuloy ko ang istoryang ito. Hahahaha. Nakakatamad kasi, lalo na pag walang votes at comments.


#SadSiAuthor :'(
#BigyanNiyoNamanAkoNgInspiration
#Vote
#Comment
#BeAFan :)

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon