Chapter 29: Baby Stuffs

9.4K 197 1
                                    



Awwe :( Na-unpublish ko! GRRRR




~*~


"Hey, you okay?" tanong ko kay gab ng makarating kami sa hospital. We we're going to meet my OB Gyne today.



Magmula ng sunduin niya ako sa bahay hanggang sa makarating kami dito ay nanatili siyang walang kibo at parang may malalim na iniisip. Hindi kasi ako sanay na ganito siya.




What's bothering him? Gusto ko sana siyang tanungin kaya lang ay baka hindi siya komportableng sabihin. Ahh.. Siguro nalulungkot rin siya sa pag-alis ni vivian. Kahit naman ako ay nalulungkot pa rin.




"W-wala." tipid na sagot nito. Nagkibit-balikat na lamang ako habang tinatahak namin ang daan ng ospital.




"Maayos at normal naman lahat ng physical examinations at lab tests mo hija." saad ni Dra. Suarez matapos niya akong idaan sa mga examinations. Siya ang Private OBgyne ni tita menerva kay gab noon kaya naman inirekomenda siya sa'kin ni tita.




"Malakas din ang heartbeat ng baby niyo. Healthy naman si baby. Kaya kailangan i-maintain mo ang pagkain ng masusustansiya hija. Please try to avoid some junk foods and Sodas. That's not good for you and for the baby." aniya.

Tipid naman akong tumango at ngumingiti kay Dra. tuwing may mga ipinapayo ito.


"Yes po. Susundin ko po lahat ng bilin niyo. Salamat po." sagot ko rito.



"Very good then, and by the way gab. Responsibilidad mo ring i-check at i-maintain ang mga kinakain ni Elise, okay? And remind her her vitamins daily." ani doktor kay gab.



Tinapik ko ang kamay ni gab ng hindi ito sumasagot sa doktor. Napakislot naman ito at agad umayos ng upo. Tumingin ito sa amin at pinandilatan ito ng doktor.


Mukhang hindi nga maganda ang mood ngayon ni Gab.


Nang natapos ang appointment namin sa OB Gyne ko ay niyaya ako ni gab na kumain muna sa restaurant sa isang kalapit na mall.



Lunch time na rin kasi at medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom. Hindi na lang ang sarili ko ang pinapakain ko ngayon kundi ang munting anghel na din sa sinapupunan ko. Ang takaw takaw ko nga eh, i gained a lot of weight in my first trimester. Pero base sa nabasa ko sa pregnancy book babalik naman ang dati at normal kong timbang pagkatapos kong manganak. Normal naman daw na tumaba ang mga nagbubuntis sabi ni mommy at tita menerva.





"Thanks." saad ko matapos akong alalayang paupuin ni gab ng makarating kami sa table namin. Tumango lamang ito.




Pakiramdam ko may mali talaga sa kanya eh? Kung hindi lang tungkol sa pag-alis ni vivian ang dahilan ng hindi niya pagkibo then what else? Gusto ko siyang tanungin pero may karapatan ba akong tanungin siya?






Palihim ko siyang tinititigan at inoobserbahan habang nag-oorder ng makakain namin.





"Do i have a dirt on my face?" takang tanong nito ng mahuli akong nakatitig sa kanya. Hindi ko na namalayang nakaalis na pala ang waiter.






Agad akong umayos ng upo at pilit maging pormal. "A-Ah no, i.. i'm just thinking about.. buying baby's stuff later.. pero next time na lang siguro." pagpapalusot ko rito.



One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon