Chapter 13: Weird Feelings

9.3K 215 7
                                    



It's been a week magmula noong napatawan ng parusang two weeks suspension si Jen dahil nagawa kong patunayan ang ginawa niyang kasalanan sa akin.

Kinabukasan ng araw na iyon ay sumugod ang mommy niya sa school at nangangalaiting kinausap ang aming guidance counsellor.

Hindi ko alam kung ano ang naging usapan nila pero isa lang ang alam ko—walang kahit na sino o ano ang pwedeng makakapagpabago sa parusang ipinataw nila kay Jen.

Narinig kong wala na daw nagawa ang mommy ni Jen kundi ang umalis na sobra ang pagpupuyos. Gusto pa nga daw nito akong tawagin para kausapin pero hindi pumayag si Mrs. Dela Cruz sa gusto nitong mangyari.

Baka daw pagbantaan o pakiusapan pa ako nitong bawiin ko ang aking paratang at iyon ang hindi hahayaan ng aming paaralan. No one could ever break the school's rules. Nang mga panahon na iyon ay nakaramdam din ako ng bahagyang pagkatakot.

Paano nga kaya kapag pinagbantaan ako ng mommy ni Jen?

Walang kamalay malay naman ang mga magulang ko sa nangyari dahil pinakiusapan ko si Mrs. Dela Cruz na huwag ng sabihin sa kanila at hayaan na lang niyang ako ang magsabi sa mga magulang ko.

Pero hindi ko kayang sabihin sa kanila o banggitin man lang na may masamang nangyari sa akin noong gabing iyon. Hindi ko kaya. Baka madulas lang ako at baka kapag nagtanong ang mga magulang ko ay wala na akong magawa kundi ang umamin sa kung ano talaga ang nangyari.

Ayokong mangyari iyon. Natatakot ako.

May mga pagkakataong nakokonsensya ako para kay Jen pero aminado akong magmula noong masuspend siya ay gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang namuhay na takot sa dibdib ko magmula nang malaman ko ang pagtatangka niyang gawan ako ng masama.

"Hoy! Best! Dahan dahan naman! Baka mabilaukan ka niyan eh. Oh heto, uminom ka muna." natatawang sita sa akin ni Vivian nang makita niya akong walang habas na nilalantakan ang siopao ko. Iniabot niya sa akin ang isang bottled water.

Dahil punong puno ang bunganga ko ay hindi ako makapagsalita. Kinuha ko sa kanya iyon at dire-diretsong ininom ang tubig hanggang sa maubos ang laman niyon.

Nandito kami sa cafeteria ngayon dahil katatapos lang naming mag-PE. Masyado yata akong napagod at nagutom dahil sa pagprapractice namin ng aming sasayawin para sa aming foundation day.

Kaya heto ako ngayon, parang hindi nakakain ng ilang araw. Actually, nagbreakfast naman ako kanina bago ako umalis ng bahay pero ewan ko ba...parang hindi ako nabubusog!

Matapos kong maubos ang ininom at kinain ko ay napatingin ako kay Vivian at 'nagpaawa look'. Pakiramdam ko ay parang ngumuya lang ako ng kapiranggot na biscuit sa kinain ko. Hindi pa yata iyon umabot sa lalamunan ko!

"What? Kulang pa?" amazed na tanong niya sa akin nang napansin niyang nakatingin ako ng malagkit sa siopao niya. Hindi pa niya iyon nababawasan at akmang kakagatan palang niya.

Nangiti naman ako sa tinuran niya at wari'y nagpacute. Saka ako nahihiyang napatango.

"Best, akin na lang yan. Bili ka na lang ulit ng iba. Kulang eh, please?" Pakiusap ko sa kanya habang nakalabi. Alam ko naman kasing hindi niya ako matitiis eh. Tiyak na papayag din 'yan.



Napatanga na lang si Vivian ng bigla kong inagaw sa kanya ang siopao niya at saka agad nilantakan. Ang bagal niyang pumayag eh bibigay din naman niya sa'kin kaya kinuha ko na.

"Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong buntis ka eh. Ang takaw mo yata ngayon, best? Hindi ka ba pinakain ng ilang araw sa inyo?" Tatawa-tawang komento niya.

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon