Chapter 2: Stranger

15.2K 296 5
                                    

Nang matapos ang maghapong klase ay tinupad ko nga ang pangako ko kay Vivian.

Nagtungo kami sa pinakamalapit na mall sa school. Dahil may sarili siyang sasakyan ay pinauwi ko na ang driver ko at sumakay nalang sa kanya. Pinapayagan na siyang magdrive ng parents niya basta daw lagi lang siyang mag-iingat at magdahan-dahan sa pagdrive. While my parents were strictly securing my safetiness so they wouldn't let me drive on my own. I always have my driver and sometimes, my parents to drive me. Hindi naman iyon issue sa akin kaya sinunod ko na lang ang gusto nila.

When we arrived at the mall, we directly went to starbucks and as I promised, it was my treat. Napagpasyahan naming itake-out na lang ang inorder namin para makapag-ikot ikot pa kami. Na-miss kasi namin ang gumala sa mall ng magkasama. We never really get a chance to enjoy our vacation together because both of us were always out of town for a vacation trip.

Matapos ang isang oras ng pag-iikot at pamimili ay napagpasyahan na naming umuwi dahil pasado alas singko na rin.

"Best, wait lang. Pwedeng daan muna tayo sa restroom? I need to pee." pagkuwa'y saad ni Vivian. Napangiwi ako.

"Okay basta dalian mo ha?" bilin ko sa kanya. Tumango tango siya saka inabot na sa akin ang mga paper bags na siyang naglalaman ng mga pinamili namin nang makarating na kami sa restroom. Naghintay na lang ako sa kanya sa labas.

Papunta sana ako sa gilid ng daan nang may isang lalaking bumangga sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang mahulog at nagkalat ang mga paper bags na dala dala ko. Aligaga kong pinulot agad ang mga iyon. I was waiting for that person who bumped me to atleast help me pick up my things pero wala akong tulong na natanggap. Bagkus ay ito pa ang may ganang magalit!

"Ano ba Miss?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" the man frustatedly said.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

I think this man was on his early twentys. Kahit na naiinis ay nagawa ko pang i-assess ang mukha niya. I admit he was good looking. I mean, no...good looking is an understatement.

God! Why was I praising this man!?

I was caught off guard for a second but I was quick to compose myself nang maalala ko ang pagsusungit niya.

Guwapo sana kaso masungit! Like duh? I should be the one saying that! Just Wow!

"Excuse me? Kayo po ang bumangga sa akin! Natapon nga ang mga dala ko e!" I sarcastically replied.

Imbes na magsorry ay siya pa ang may ganang magalit! Napa'tsk' siya saka may pinulot, wait.. may dala pala siyang boquet ng rose pero mukhang nasira na dahil sa naglaglagang petals ng mga ito. Dahil doon ay parang naguilty ako kahit alam kong wala naman akong kasalanan.

Pagkatapos niyang pulutin ay agad na siyang umalis. Wala na akong nagawa kundi tanawin na lang itong papalayo.

Bakit parang may isang bahagi ng isip ko ang biglang nanghinayang? Weird.

"Best, Tara na!" I startled when I heard Vivian beside me.

Hindi agad ako nakasagot. Still wondering about that guy.

"Hey! Okay ka lang?" untag ulit sa akin ni Vivian nang hindi ako nagsasalita.

"Ah, oo... tara na." Sagot ko nalang sa kanya.

Habang pauwi ay iniisip ko pa rin yung nangyari kanina at yung lalaking nakabangga ko.

Why am I still thinking that man? I sighed and shook the thought away.

Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto. Wala pa sina Mommy at Daddy. Probably they're still on a meeting or something?

Naisipan ko na lang magsketch. Isa iyon sa mga libangan ko kapag nabobored ako. I just found myself unconsciously sketching that stranger's face!

His Midnight black wavy hair,

His nice and thick eyebrows,

His deep and expressive eyes,

His luscious natural red lips that looks so smooth,

His pointed nose,

And his perfect angled jaw.

Kuhang kuha ko ang pagkakasketch sa mukha ng lalaking iyon.

He has the physique of a Greek God! Pero mas gwapo siguro siya kung nakangiti siya. He seems hot tempered! Suplado!

Teka, naweiweirduhan na talaga ako sa sarili ko. Ipinilig ko ang ulo ko para alisin siya sa isipan ko.

This is not so me! Why am I being affected by a stranger? Tanong ko sa sarili ko. I just shrugged then tinago ko na yung sketch sa isang box.

Ilang saglit pa ay hinila na ako ng antok. Nakatulog akong ang lalaking estrangherong iyon ang laman ng isip ko.

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon