Chapter 23: Prove it!

10.1K 233 4
                                    




×××



NABUHAY si elise ng may masaya at kumpletong pamilya. Bukod sa masaganang pamumuhay na tinatamasa niya ay talagang busog na busog siya sa pagmamahal ng mga magulang, although her parents are both working at madalas na busy ay hindi naman nagkulang ang mga ito sa pangaral at pag-aalaga sa kanya. And if the time that comes na siya rin ang magkakaroon ng pamilya, gusto niya rin ng ganoong pamilya.


Pero ano ang nangyayari sa kanya ngayon? It comes very early, sa isang iglap lang ay nagising na lamang siyang may dinadala na sa kanyang sinapupunan. Alam niyang ang pagbubuntis ay regalo mula sa diyos. The worst is, ayaw niyang lumaki itong bastarda at walang kinikilalang ama. Pero ngayon, parang binigyan siya ng pagkakataon ng tadhana.



Gab is asking him. Kung siya ba ang ama ng dinadala niya.


Hell yes! Gustong ipagsigawan ng isip niya. Pero nai-stammer yata siya. Walang lumalabas sa bibig niya. Nakatitig lamang siya sa mga mata ni gab.


"Am I the father? Please answer me." Ulit nito sa tanong nito kanina. Parang nangungusap din ang mga mata nito.

Kapag inamin ko kaya ritong siya nga ang ama ng bata, pananagutan kaya niya ako? Handa ba siyang akuin ang kanyang responsibilidad? Tanong sa mga isip ko.




Subukan mo para malaman mo ang sagot sa mga tanong mo! sigaw ng isang parte ng isip ko.



Tumingin ako ng diretso rito. Bahala na kung ano ang maging reaksyon niya. Ang mahalaga, may masasabi rin akong ginawa ko para sa magiging anak ko. Humugot ako ng malalim na paghinga at saka diretsang sinagot ito.



"Oo! Oo ikaw ang ama ng batang dinadala ko!" Dire-diretsong sagot ko rito. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Sari-saring emosyon ang mababakas roon. Pero hindi ko mapangalanan ang mga iyon. Napahawak siya sa kanyang sentido.



"Ngayong alam mo na... ano ang gagawin mo? Tulad ka rin ba ng ibang lalake? Na tatakbuhan lang ang responsibilidad? Na pagkatapos makuha ang gusto nila at magpakasarap ay parang wala na lang nangyari? Sabagay, halos lahat ng mga lalaki ay duwag!" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na magsabi ng mga niyon. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga.




"Huwag mo akong itutulad sa iba elise. Dahil nagkakamali ka, pinalaki ako ng mga magulang kong may takot sa diyos. At ang pagtalikod sa mga responsibilidad ay isang malaking kasalanan. At oo, kaduwagan ang hindi pag-aku ng mga iyon." Aniyang mababakas sa mukha ang pagiging sinsero.




Ang sinasabi ba niya ay....





"Paninindigan kita, kayo ng magiging... anak natin. Gagawin ko ang dapat na ginagawa ng mga totoong lalaki. Makaka-asa kang magiging mabuting ama ako sa anak natin." Patuloy na saad nito. Para akong matutunaw sa mga titig niya.




Magiging mabuting asawa ka rin ba sa akin? Tila gustong itanong ng isip niya pero agad niyang sinaway ang isip.


Ang bata lang ang pinag-uusapan rito elise, hindi ka kasama roon! Kastigo niya sa sarili.



Teka! Bakit ganoon? Parang nalungkot siya sa isiping iyon? It's a strange feeling for a strange person.



"P-pero... pero mga bata pa tayo. Lalo na ako. Baka... hindi natin magampanan ang mga tungkulin natin bilang mga magulang. At... at paano ang mga magulang natin kapag nalaman nila ang tungkol dito? Lalo pa't hindi naman tayo... hindi tayo tunay na nagmamahalan." Parang may bumikig sa lalamunan ni elise sa pagkakasabi niyon. Nakita niya sa mga mata ni gab ang sandaling pagkalito. Ilang sandali pa itong tila nag-isip ng malalim habang nakatungo.



One Wicked Night | ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang