Chapter 1: Elise

25.2K 354 6
                                    


"Bye, Elise! Take care sweety!" mom said when we finally arrived at the school.

"Bye, Mommy! Ingat din po kayo!" I kissed her cheek bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan.

Hindi ko na siya hinintay na makaalis dahil nagmamadali ako. Late na ako ng ten minutes sa aming unang subject...though i'm thinking that its okay dahil first day pa lang naman.

Unang araw na naman ng pasukan at ito na ang huling taon ko sa Elite High School. This is my last year that's why I somehow feel guilty being late for the first time of my entire high school life!

I failed my promise to be never be late at school!

As I was walking at the corridor, some of the students were staring at me in awe and admiration.

"Ang ganda talaga ni Elise. Gusto ko siyang pormahan kaya lang masyadong mailap." rinig kong sinabi ng isang senior student na rin kagaya ko.

"You're right. She never entairtain a suitor." may panghihinayang na sagot naman ng kasamahan niya.

I just ignored them at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Well, I'm used to that.

People say that my parents are so lucky to have me as their daughter because I was a good daughter. I excel in class and my least priority was getting a boyfriend that most of my age already have.

I am maintaining the reputation I have. Gusto kong maging proud pa sa akin ang mga magulang ko kaya naman pinagbubutihan ko talaga ang pag-aaral ko. And one thing that keeps on motivating me is their promise that if I succeeded to be the Top Achiever this school year...they will allow me to enrol in Harvard University!

That was my wildest dream ever since I heard about it...I want to be in that world's most prestigious school.

I'm not bragging anything about being wealthy. I believe that I am just blessed. Naniniwala din akong lahat ng tao ay mabi-bless ng magandang buhay if they just really work hard.

Like my parents, todo kayod din sila sa pagtratrabaho kaya naman naibibigay nila ngayon lahat ng pangangailangan ko. They never fail to give my needs and wants.

Kaya pinangako ko sa sarili kong pagsusumikapan ko ang lahat. I will not only depend on my parents wealth forever. Ilang hakbang na lang at matutupad na ang mga pangarap ko at ng mga magulang ko para sa akin.

I don't want to disappoint them.

Kung marami ang may gusto sa akin, meron ding ayaw sa akin. Kabilang na roon ang grupo ni Jen. Hindi ko alam kong bakit ganun kagalit sa akin si Jen. Marahil ay dahil lagi kaming kinokumpara sa isa't-isa at kami ang magkaribal sa ranking.

Maganda rin naman siya,solong anak rin kagaya ko, sopistikada at mas mayaman pa ang pamilya nila kumpara sa amin pero marahil dahil sa nalalamangan ko siya sa ranking kaya tinuturing niya akong karibal.

Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng classroom nang makasalubong ko ang grupo nila. Lumapit sila sa akin at nanunuyang tumingin, lahat sila ay pawang nakatutok ang mga mata sa akin.

Jen raised a brow and there was a smug smile on her face when she came to me.

"Hi Elise! Good to see you again! Hope you'll give your best shot this year."mapang-uyam na saad niya.

Alam ko kung ano ang tinutukoy niya kaya napangiti rin ako ng mapakla sa kanya.

"Ofcourse, Jen! I will! Hope you do too! Goodluck!" ganti ko sa kanya at lihim akong napangiti sa loob loob ko ng makita ang pagtatagis ng bagang niya.

Bago pa man siya makapagsalita ay nagtuloy na ako sa paglalakad at iniwan na sila doon.

Sanay na ako sa mga pasaring at indirektang pagpapakita ng disgusto sa akin ni Jen. Hindi ako palaaway pero hindi rin ako basta basta nagpapa-api. Lalo na sa grupo nila. Kung tutuusin ay marami rin akong circle of friends pero isa lang ang pinaka bestfriend ko, si Vivian.

Marami kaming pagkakapareho sa isa't-isa kagaya nalang ng pagiging NBSB. Magkaibigan din ang mga parents namin. Minsan nagkakaroon kami ng family dinner together kaya naging mas malapit kami sa isa't-isa, we're treating each other like a sisters.

Speaking of Vivian, I quickly spotted her in our classroom, agad ko siyang nilapitan. Buti na lang at wala pa yung teacher namin! Nakahinga ako ng maluwag.

"Look like you're bored to death, huh?" biro ko sa kanya. Napapitlag naman siya sa pagkagulat pero nakabawi din agad.

"Jesus!" she frantically said while her hand flew to her chest. "Kanina pa kita tinetext! Why are you late?" her forehead creased.

"I'm sorry, ma'am. Medyo nanibago lang na magising ng maaga." Nakangiting sagot ko.

"Seriously? Is that really you?" Hindi makapaniwalang komento niya. Natawa nalang ako sa reaksyon niya.

"Okay, para makabawi ako treat kita maya sa Starbucks!"sabi ko sa kanya. Agad namang umarko ang ngiti sa mga labi niya.

"Alright!" she excitedly beamed.


One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon