Chapter 38: Panaginip lang ba?

9.1K 204 8
                                    




〜Ꮘ〜

Bakit gano'n? Bigla nalang nag-iba ang paraan ng pakikitungo niya sa'kin? Oo, maalaga na talaga siya sa'kin magmula pa noon. Pero yung mga sweet gestures at mga sugarcoated words na binibitawan niya? Hindi ko alam kung paano ako magre-react.


Ah! Oo nga pala! Siguro iyon ang way niya para kumbinsihin ang sarili niya para magustuhan niya ako. He's trying to move on, right? And here I am, his fvcking option.


Aaminin kong malakas parin ang epekto ng mga ginagawa at sinasabi niya sa sistema ko. Kahit alam ko naman, may parte parin sa puso ko ang sumasaya.


Gusto ko siyang tulungan. Gusto kong tuluyan na siyang makapag-move on. Pero hindi para sa'kin, kundi para sa sarili niya.




"Happy Birthday, Elise!" una kong nasilayan ang gwapong mukha niya pagkagising ko.


Akala ko, nanaginip lang ako kaya kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Pero andoon parin siya. Nakangiti at napaka-aliwalas ng mukha. Mukhang nakaligo narin ito dahil sa basa pa ang buhok nito.



"Ah, Salamat." sagot ko.



Ngayong araw ang ika-labing walong taong kaarawan ko. I'm on my legal age now.


Lumapit ito sa akin at umupo sa kama. Napaupo narin ako at sumandal sa headboard ng kama. Nabigla ako ng marahang hinaplos nito ang tiyan ko.


"Good morning baby! It's your mommy's birthday today. Greet mo rin siya baby." saad nito habang hinahaplos parin ang tiyan ko.


Parang may kumurot sa puso ko. Ayon kay Dr. Suarez ay nakakarinig na raw si Baby mula sa tiyan ko. Kaya't madalas ko siyang kinakantahan at binabasahan ng stories.


Nanlaki ang mga mata ni Gab nang maramdaman ang pagsipa ni baby. Napa-igik naman ako dahil sa kaunting kirot na naramdaman ko. Medyo masakit man tuwing sumisipa si Elisia ay mas nangingibabaw naman ang sayang nararamdaman ko. Mukhang nakakaintindi talaga siya tuwing kinakausap.



"Ang likot na ng baby ko, ah. I love you baby. Huwag mo masyadong sasaktan si mommy ah?" ani Gab saka magaang dinampian ng halik ang tiyan ko. Sumisipa parin si Elisia.


Parang gusto kong maiyak sa tuwa. This moment is so priceless! Ang sarap sanang kuhanan ng video ang mga sandaling ganito.

Ilang minuto pa kaming nagtagal sa gano'ng posisyon nang iginiya na niya ako papuntang dining area. Agad na siyang naghain ng breakfast namin. Inabutan niya rin ako ng milk. Pagkatapos naming kumain ay siya na rin ang nagliligpit ng mga pinagkainan. Ayaw na ayaw niya talagang magtrabaho ako kahit na yung mga magagaan lang talagang pipigilan niya ako kaya hinahayaan ko na lang siya.


"Tumawag si Vivian kanina. She said she want to skype with you." aniya.

Gumihit agad ang ngiti sa labi ko. "Okay, thanks!" saad ko saka ko na kinuha ang laptop ko at saka agad na akong nag-log in sa skype ko.


Pagkabukas ko palang ay agad nang nagpop out na tumatawag na siya. Sinagot ko ito agad at bumungad sa'kin ang maaliwalas at napakagandang mukha niya.

"Oh My God! Mas lalo kang gumanda best!" palatak ko. Humalakhak ito.


"Bolera ka parin best!" Tumawa ito, "But i'll take that compliment. Happy Birthday besty! I'm sorry if I can't go home to celebrate with you." ang kaninang malapad na pagkakangiti niya ay napawi at napalitan ng paglamlam ng mga mata niya.


One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon