Chapter 8 & 9

11.5K 255 6
                                    

[A/N:] I'm so damned frustrated and upset! I accidentally deleted the Chapter 9 of this book w/c is containing the BS Part and i tried to ask for a help from watty but they too couldn't retrieve any deleted part of a book. But! Good News! (Say whut? Haha!) I have a copy of the BS kaya idinugtong ko na lang dito sa Chapter 8 kaya po siya naging Chap 8&9! Ughh! Still upset, tho.. Nasasayangan lang ako sa Votes and Comments sa Chap 9! Haha feel sorry for myself! Enjor reading btw! Kahit sabaw lang yung BS! Haha!

PS, this chapter is for adult (Rated SPG) and open-minded person only.

Chapter 8: Who are you?

3RD PERSON'S POV

"Alex, ako na ang bahala sa kanya. Bumalik ka na lang doon." utos ni Charles kay Alex. Tumango sa kanya si Alex at bumalik na sa venue.

Nakita niya si Elise na hindi pa nakakalayo. Pasuray suray pa ito sa paglalakad at alam niyang dahil ito sa pills na inilagay ni Jen sa inumin nito.

Oo... alam niya ang plano ni Jen. Noong humingi rito ng pabor si Jen ay idinitalye nito sa kanya ang gagawin kay Elise.

Batid niyang nagdadalawang isip siya sa planong iyon ni Jen. Hindi niya maatim na gawin ang pinapagawa nito sa kanya sa babaeng walang muwang. Pero hindi naman niya matikis ang babaeng mahal niya.

He loved Jen since God knows the first time he laid his eyes on her. Kung ano ang makakapagpaligaya dito ay gagawin niya—even if he knows it was so wrong. Siguro nga, ganun siya kabaliw dito na handa niyang suungin ang lahat para lang sa babaeng kanyang minamahal.

Para sa kanya ay wala ng urungan 'to. Kinapa niya sa bulsa ang digital camera at sinigurong naroon iyon dahil kakailanganin niya iyon mamaya.

Pipihitin na sana ni Elise ang seradura ng cr nang bigla nalang may humatak sa kanya. Nang lumingon siya ay nakita niya si Charles!

Si Charles nga ba iyon? Hindi na niya ito maaninag dahil nagiging doble na ang paningin niya.

"Charles? B-bakit?" tanong niya rito habang pilit tinitimbang ang paningin.

Parang ilang segundo na lang at masusuka na talaga siya. Kailangan niya na talagang pumunta sa CR pero nagulat siya nang bigla na lang siya nitong hatakin at pilit dinadala sa isa sa mga room ng hotel!

"A-anong gi-ginagawa mo? B-bakit mo ako dinala ri-rito?" Pilit na pinipigilan ni Elise ang pagsusuka niya pero nang saktong nasa loob na sila ng kwarto ay nasuka na siya ng tuluyan sa tuxedo ni Charles!

Dahil sa pagkaladkad nito sa kanya ay maslalong sumama ang pakiramdam niya't hindi na niya napigilang ilabas ang kanina pang pagpipigil.

Hindi na niya napigilan at idinukwang na niya ang mukha sa harapan nito at tuloy tuloy na nasuka.

Napamura naman ng mariin si Charles at agad na iniwas ang sarili sa dalagang walang tigil sa pagsusuka.

Naamoy agad nito ang masangsang na amoy na iniwan ng dalaga sa kanya at nang hindi na niya ito matiis ay iniwan na niya ang dalaga at saka patakbong lumayo roon.

Si Elise naman ay pilit na kinakalma ang sarili. Makaraan ang ilang minuto ay naramdaman niyang medyo guminhawa na ang pakiramdam niya pero naroon pa rin ang pagkakahilo pero hindi na ganoon katindi kaysa kanina.

Pinilit niyang iniangat ang sarili at dahan dahan na siyang lumabas sa kwartong iyon.

Mukhang hindi na siya makakauwi dahil sa nararamdamang pagkahilo. Kailangan niyang maghanap ng ibang kwartong pwedeng tuluyan dahil naisip niyang baka balikan pa siya ni Charles doon. Hindi niya dapat ito pagkatiwalaan!

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon