Chapter 39: Sana

8.8K 195 22
                                    




〜Ꮘ〜

"Will you marry me?" tanong niya na siyang nagpakabog ng malakas sa puso ko.


Nawindang ako sa tanong niya. Parang hindi maiproseso ng utak ko 'yun. Sandali akong napamaang dahil wala akong maapuhap na salita.


"Elise, please marry me.." nagsusumamong saad nito ng hindi ako makasagot. Ang mga mapupungay na mata nito ay nangungusap at nagsusumamo.


Nagbukas-sara ang bibig ko. Parang may malaking bato ang nakaharang sa lalamunan ko. Bumaling ako kina Mommy at Daddy na ngiting ngiti ngayon.


"Mom..Dad.. May kinalaman po ba kayo rito? Pinilit niyo po ba si Gab na gawin 'to?" tanong ko sa kanila.


Umiling si Mommy, " Anak.. wala. Nagulat lang din kami nang ipagtapat ni Gab ang balak niyang ito. Pumayag kami ng Daddy mo dahil ito ang makakabuti sa'yo, sa inyo ni Elisia. Hindi magiging illegitimate child ang magiging apo ko." paliwanag ni Mommy.


Gah! I can't believe this! I get their point!

Pinigilan ko ang pagbadya ng mga luha ko. Ofcourse.. It will always be for the child's sake.


"Gab.. Tumayo ka na jan." iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagkakunot ng noo niya.


"Am i taking that as a yes?" tanong nito. Puno ng pagsusumamo ang boses niya.


Ayaw ko man ay wala na akong ibang choice. Ayokong mapilitan lang siya sa'kin at ayaw kong magpatali sa kanya dahil lang sa iniisip niya ang magiging kapakanan ni Elisia.


"No." Matigas na sagot ko. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito.


Nalulungkot? Huh! Para saan?


"Kailangan ko muna itong pag-isipan. Bata pa ako at marami pang pwedeng mangyari sa mga buhay natin." pinilit kong patatagin ang boses ko kahit na pakiramdam ko sobrang nanghihina na ang mga tuhod ko.


Narinig ko ang pagsinghap nilang lahat at tila hindi makapaniwala sa sinagot ko.


"Pero Elise.. malapit ka nang manganak at magiging bastarda ang anak mo kapag hindi pa kayo nagpakasal agad ni Gab!" pagtutol ni Daddy.


Nakayuko at laglag ang balikat ni Gab ng balingan ko siya. Gusto kong marinig sa kanyang mahal niya rin ako kaya niya ako pakakasalan pero I guess 'yun lang talaga ang dahilan kaya niya ako inalok ng kasal kaya lalong bumigat ang nararamdaman ko.


"Mommy, daddy.. Pwede natin 'yan gawan ng paraan kung gugustuhin natin. Anong silbi ng pera kung hindi natin mareresolbahan 'yan?! Hindi yung ganito! Napipilitan si Gab na pakasalan ako!" nabasag ang boses ko.


Nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin si Gab.

"T-That's not true. Hindi ako—" hindi ko na hinayaang tapusin ni Gab ang sasabihin.



"Stop this, Gab. Please, huwag mo na akong lokohin." saad ko. Nakita ko ang pagigting ng panga niya.



"Tita, tito.. Pasensya na po."iyon lang ang sinabi ko bago ako mag-excuse sa kanilang lahat para umalis na doon.


Agad akong nanakbo papunta sa kwarto ko. Agad naglandas ang mga luha kong kanina pa nagbabadya.


Paano niya ako nagawang yayain ng gano'n? Hindi lang basta laro ang pagpapakasal! Niloloko lang namin ang mga sarili namin kung magpapakasal kami. Hindi iyon problema sa'kin dahil mahal ko siya pero paano sa kanya? He don't love me and he will never be!



One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon