Chapter 22: Am i the...

9.5K 245 18
                                    

×××

Nanlalabo ang mga matang dumilat si elise. Sumalubong sa kanya ang sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Nasisilaw na napatingin siya sa bintana kung saan nagmumula ang mainit na na sikat ng araw. Dahan-dahan siya napalinga sa paligid. Kulay puti ang buong paligid.


Hindi pa naman ako patay diba? Tanong niya sa kanyang isip. At nasagot nga iyon ng may maramdaman siyang sakit sa kaliwang braso. Napatingin siya sa swerong nakakabit sa kanya. Unti-unti niyang ini-angat ang suot niyang hospital gown na siyang tumatabing sa bendang nakatapal sa kaliwang balikat niya.


Nasa ospital siya, at may sugat siya sa kaliwang balikat.


Ah, natatandaan niyang binaril nga pala siya ni jen. At bago siya nawalan ng malay... Naalala rin niyang nakita niya ulit ang taong iyon. Ang pamilyar na mukha na akala niya'y hindi na ulit niya masisilayan.



Naagaw ang atensyon niya ng unti-unting bumukas ang pintuan. Parang may bumara sa lalamunan niya ng makita ang lalaki na kanina lang ay iniisip.


Si Gab.


May hawak itong supot na naglalaman ng pagkain at sa kabilang kamay ay may hawak na kape.


Nagtama ang mga mata nila. Nakita niya ang pagliwanag ng mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin. Ibinaling niya ang paningin sa ibang direksyon. Naramdaman niyang papalapit na ito sa kanya. Nakita niya sa pheriperal vision niya ang paglapag nito ng mga pinamili sa side table at saka ito humarap sa kanya.



"U-um, mabuti naman at gising ka na." Napansin niya ang panginginig ng boses nito. Tinanguan niya lang ito.


"Bumili nga pala ako ng sopas, alam ko kasi na magigising ka na. Wala pang laman ang tiyan mo, kumain ka muna habang mainit pa iyon." Kalmado na ang boses nito.


Parang gusto kong matawa sa sinabi niya. Anong walang laman? May laman na kaya ang tiyan ko! At ikaw ang dahilan niyon. Gusto kong isigaw rito.

Bigla ay napahawak siya sa impis pang tiyan niya. Parang bigla ay nakaramdam siya ng takot.


Is my baby okay? Sana naman walang masamang nangyari sa kanya. May pag-aalalang napatingin ako kay gab. Maang nakatingin pala ito sa akin. Gusto kong tanungin ito tungkol sa baby ko. I mean, baby namin. Pero, alam na kaya niya ang tungkol doon? Siguro tatanungin ko nalang si vivian.

Pero mukhang hindi ko na kailangang tanungin si vivian nang magsalita ito. Parang nabasa niya ang nasa isip ko.


"The baby is okay, kung iyon ang inaalala mo." Tugon nito sa tanong na nasa isip niya.


Nahigit niya ang kanyang hininga. So, alam na pala nito. Alam din kaya niya na siya ang ama ng dinadala niya?


"G-ganoon ba, salamat naman sa diyos." Maiksing tugon niya. Hinaplos niya ang impis niyang tiyan.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni gab. Hindi niya napansin ang paglapit nito sa kanya. May hawak na itong mangkok na may lamang sopas.

"You should eat now, baka gutom na si baby." Malambing na saad nito. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Tumango lang siya at aabutin na sana niya ang mangkok ng iiwas sa kanya ito ni gab.


"Let me feed you."  Seryosong ani nito. Nagulat ako rito.

"Hindi na kailanga-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ulit ito.


"I insist, please just let me..." Aniya na mababakas ang pagkasinsero sa mukha. Parang hinaplos niyon ang puso ko. Namalayan ko na lamang ang sarili kong hinahayaang subuan nito.




Pakiramdam ko ito na ang pinakamatagal na sandali na kumain ako. At hindi lang basta kumakain, kundi pinapakain ng taong hindi ko masyadong kilala. Dahil bukod sa alam ko ang pangalan niya at pinsan siya ni vivian ay wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.



Ah! Meron pa pala! Siya ang ama ng dinadala ko.


Nakagat ko ang ibabang labi ko sa naisip kong iyon. Sasabihin ko ba sa kanya ang bagay na yon? Kapag inamin ko kaya rito ang tungkol doon maniniwala siya?





"Hey? Are you okay?" Kagyat na napatuwid ako ng pagkaka-upo.



"Ah.. yes." Ani ko. Napatingin ako sa hawak niyang mangkok. Ubos na pala ang laman niyon. Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig. Agad ko itong kinuha at saka tuloy tuloy na nilagok. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako. Bigla akong nauhaw dahil sa mga titig niya.


"Thanks..." saad ko rito matapos ibalik ang basong wala ng laman. Inilapag na niya iyon sa side table. Humarap na siya at matamang tumingin sa akin. Sa paraan ng pagkakatitig niya, parang kay lalim ng iniisip nito. Kung pwede ko lang sanang malaman ang tinatakbo ng isip niya. Napalunok ako, may alam na kaya ito? Natatandaan niya kaya ako? Tanong ko sa isipan ko at nakumpirma ko nga iyon ng magsalita ito.




"So, it's really you. The girl in the hotel." Seryoso ang mukha niya. Pakiramdam ko naitulos ako ngayon sa aking kinalalagyan. Napatungo akong tumatango.



"Yes." Ayokong salubungin ang mga titig niya. Pakiramdam ko para akong nakagawa ng isang krimen. Sana lang huwag na itong magtanong pa.



"Small world,huh?" Patuloy na saad niya. Wala akong masabi kundi tumango lang.



"I-ilang buwan na ang... ang ipinagbubuntis mo?" Nai-stammer na tanong niya.



Oh geez! May ideya na kaya siya?



"A-ah, magda-dalawang buwan na." Sagot ko rito. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Mukhang may nabubuo na ngang hinala sa isip niya.



Nasaan na ba kasi si vivian? Oh god! Help me... Saglit na sinilip ko ang mukha niya at sumalubong sa akin ang napakaseryosong mukha niya. Pinagpapawisan rin siya kahit na naka air-condition naman ang kwarto. Ilang sandali pa ay nagsalita ulit ito.






"We both know that... there's happened between us." Oh my... Oh my... wag mo nang ipaalala pa!




"And I know that, i'm the one who took your innocence. Naikwento sa akin ni vivian na... sinabi mo sa kanyang nabuntis ka because of a one night stand." Saglit na tumigil ito, tila iniisip ang sasabihin.




Lagot ka sa akin Vivian! Naku! Sana lamunin na ako ng lupa ngayon na.



"Am... am i the father?" Tanong nito na siyang nagpatigil sa paghinga ko.



Holy Shit!




×××



10 comments to unlock the next chapter =)

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon