Chapter 15: PT

8.8K 210 11
                                    

×××

NILAGOK ko lahat ng tubig na laman ng basong iniabot ni vivian sa akin. Pakiramdam ko ay kulang pa iyon para pawiin ang bumibikig sa aking lalamunan.

Matapos niyang ilapag ang baso sa side table ay may pagtatanong sa mga mata niyang tumitig ulit sa akin.

"Now... tell me, what's happening to you? May sakit ka ba o ano?" Maang tanong niya. Napatungo naman ako dahil pakiramdam ko hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.

Napabuntong hininga ako. Eto na, sa tingin ko kailangan ko na talagang sabihin sa kanya.

Nag-uulap na ang paningin ko. Nagbabadya na naman ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Best, Sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo—" naputol ang sasabihin ko nang magsalita ito.

"Sabi ko na nga ba eh! May problema ka! Now,Tell me..." palatak nito.

Napakagat ako sa ibabang labi at saka bumuntong hininga. Parang may bumara sa aking lalamunan. Bigla akong hindi makahinga.

"I.... I think... I'm pregnant?" Nakayukong saad ko sa kanya.

Sandali pa siyang hindi nakasagot. It took her a minute before she finally recover. She laughed sarcastically and gave me a bored look. "Is this some kind of joke, huh? That's not funny!"

Napahawak ako sa kamay niya at saka matiim na tumingin sa kanya.

"Sana nga, mali ang kutob ko.. Sana nga biro lang lahat ng ito..." Tuluyan na akong napaiyak sa isiping iyon. Agad kong sinapo ang mukha ko at saka napahagulgol.

"Oh my! Are you really serious?? Then tell me, what happened para maintindihan ko!" Napatigil ako sa pag-iyak na tumingin sa kanya, nakita ko ang pagseryoso ng mukha niya.

I clear my throat bago tuluyang magsalita.

"N-nangyari yon nung... nung birthday party ni jen. Nalasing ako at... at namalayan ko nalang na.. na binibigay ko na ang sarili ko sa isang..lalaki." nabubulol na sagot ko sa kanya.

Napapailing na tumitig siya sa akin. "What?" Tila naguguluhang tanong niya at parang walang naintindihan. Napahawak siya sa sentido niya at parang nanunukat ang tingin. "Kung ganon sino ang lalaking yon?"

"Hindi ko... siya kilala best..." pumiyok ang boses ko at hindi ko na napigilang mapaluha.

"Ano?! Ano yun? Parang nakipag jak en poy ka lang ganon?!" Lalong nagsalubong ang mga kilay niyang napatitig sa 'kin.

"Pano mo naibigay ang sarili mo ng ganon kadali? At sa isang estranghero pa?" Singhal niya.

"Hindi ko alam.. kasalanan ko 'to lahat! Ang tanga-tanga ko!!!" Pinagsusuntok ko ang ulo ko, wala akong pakialam kung magkabukol ako. Agad naman akong pinigil ni vivian.

"Tigilan mo yan, Elise! Kahit saktan mo ang sarili mo, wala na tayong magagawa!" Saway niya sakin. Para naman akong natauhan sa sinabi niya.

Siya naman ang napabuntong hininga. "Best, sana sinabi mo 'to sa'kin agad. Diba sabi mo walang lihiman? Tsk!" Lumamlam ang mga mata niya.

"Sorry, nahihiya kasi ako... Nahihiya ako sa sarili ko. Isa akong easy na bab-"

"Huwag mong sabihin yan! Hindi ka ganong klaseng babae.!" Biglang dumilim ang mukha niya. "Kasalanan ito lahat ni jen, makakalbo ko talaga ang babaeng yon kapag nakita ko!" Napakuyom pa siya ng kamay.

"Hindi... Kasalanan ko naman 'to eh. Pero.. paano kung buntis.. nga ako best?" Sumisigok na anas ko sa kanya.

"Huwag kang mag-isip ng ganyan, think positive!" Pampalubag-loob na saad niya.

Paano kung positive nga ang hinala ko?

"Pero.. bakit ganon ang mga nararamdaman ko? Pano natin malalaman kung buntis nga ako?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Napakagat naman siya sa kanyang daliri at tila nag-iisip.

"Hindi naman ako pwedeng magpacheck-up, hindi rin pwedeng bumili akp ng pregnancy test." Dagdag ko rito.

"Ah! Alam ko na... maraming stock na pregnancy test yung pinsan kong nurse. Susubukan kong magpuslit kapag nakapunta ako sa kanila."

"Pero paano kung positive? Anong gagawin ko?"

Hinawakan niya ang kamay ko at banayad na tumingin sa akin. "Hindi ko alam best eh, pero kahit ano pa man ang magiging resulta... narito lang ako para sa'yo." Naluluhang saad niya. Agad naman akong napayakap sa kanya. Mabuti na lang at nagkaroon ako ng bestfriend na kagaya niya.

~~~

KINABUKASAN ay umuwi muna ito sa kanila, nangako siyang babalik siya at magpapaalam lang na matutulog ulit siya sa amin.

Hapon na ng bumalik ito sa bahay at agad dumiretso sa kwarto ko.

"Mabuti na lang at may bisita kanina si ate marie kaya hindi ako nahirapang kumuha neto... tignan mo." Anas niya bago ipakita sa akin ang pregnancy test.

Napalunok naman ako ng makita ko iyon, hindi pa man ay parang ayaw ko nang ituloy iyon.

Napansin niya ang tila panginginig ng mga kamay ko.

"Sige na best, gawin mo na..." marahang tumango lang ako sa kanya bago inabot ang pregnancy test.

Nagpunta na ako sa banyo at saka mabilis na ginawa ang mga procedure na nakalagay roon.

Matapos niyon ay bumalik ako kay vivian at saka namin hinintay ang paglabas ng resulta.

Pero ganoon na lang ang aming pagkagitla ng makita ang resulta.

Dalawang guhit ang lumabas!

Natutop ko ang bibig ko ng makita ang resulta ng pregnancy test nang makitang dalawang guhit ang lumabas dito at ang ibig sabihin nga non ay positive! Buntis ako!

Sandali pa akong napaawang ng bibig bago nakapagsalita,"Hindi maaari! Anong gagawin ko vivian?" Tanong ko kay vivian na halatang nagulat din sa resulta.

Hindi ko na napigilang mapaiyak, ano nang gagawin ko ngayon?

Mababakas rin sa mukha nito ang samu't-saring emosyon.
"Sorry best, hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin.. pero.. siguro.. kailangan tong malaman ng mga magulang mo?" Sagot niya na mas lalong nagpabigat sa loob ko.

"Hindi pwede vivian, hindi ko alam kung anong magagawa ng mga magulang ko sa akin. Baka itakwil nila ako..ayoko." tugon ko sa pagitan ng pag-iyak, sumubsob ako sa balikat ni vivian at doon ibinuhos ang nararamdaman kong takot, kaba at galit para sa sarili ko.

Hinagod naman ni vivian ang likod ko para mahimasmasan.

"Sshh, tahan na.. kung ayaw mong sabihin sa mga magulang mo, siguro mas maganda kung hanapin natin at humingi ka ng tulong sa ama ng bata." Saad ulit nito.

Pero paano? At saan? Maski pangalan niya ay hindi ko man lang alam, paano ko hahanapin ang estrangherong nagnakaw ng puri ko at pagkatapos ay nagbunga pa! Paano?

Tama nga ang laging sinasabi nila mommy, na nasa huli ang pagsisisi.

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon